GINAGAMOT ko na ang mga natamong sugat ni Azriel. Kung para sa kanya ay balewala lang ito, para sa akin aay hindi. Malalim akong napabuga ng hininga. Hindi na dapat siya nakipagsuntukan pa. Kaya ko naman ang sarili ko. Kung sampalin man ako noong lalaki, as if matitigil ang lahat doon. Baka binasag ko ang bayag niya kapag nagkataon. Hindi man komportable dahil panay ang pagtitig sa akin ni Azriel at tila pinapanood ang bawat galaw ko, hinayaan ko na lamang na liparin ang isipan ko sa ibang bagay habang dinadampian ng ointment ang mga sugat niya. Napasinghap ako nang maramdaman ko ang paghawak ni Azriel sa aking baywang at mas inilapit ang katawan ko sa kanya. Kulang na lamang ay lumapat ang mukha niya sa dibdib ko. Hanggang dibdib ko lang siya ngayon dahil nga nakatayo ako habang siya n