ONE moment, nararamdaman ko pa si Azriel sa tabi ko. The next thing I know, naglalakad na siya papalpit sa lalaking tinuro ko. Mabilis ko siyang hinabol at hinawakan ang kamay niya. Hindi pa kami napapansin ng iba dahil abala sila sa kani-kanilang ginagawa. “Azriel…” Gusto ko mang magpakatatag ngayon, hindi ko sinasadyang panghinaan ng loob. Inakyatan ako ng imahe ng mga bagay na maaaring nangyari sa akin. That’s trauma, I guess. Kahit anong gawin mo, kahit anong pilit mo, dala-dala mo na ito. Hindi man natuloy ang masamang binabalak sa akin, ang isip ko ay paatuloy na umiikot doon the moment na may isang bagay na nagpaalala sa akin sa isang pangyayari. Tiningnan ako ni Azriel. Sandali akong nawala sa sarili at natakot sa ekspresyong mayroon siya. Napalagok ako pero tinatagan ko ang