NAKARATING kami sa bahay. Mabilis na bumaba si Azriel ng kotse at pinagbuksan ako ng pinto. Tumingin ako sa kanya pero nag-iwas din. Kanina ko pa iniisip ang nangyari sa amin at kahit gusto kong itanggi na hindi ko iyon gusto, sino bang niloko ko? Pakiramdam ko ay kaya nga ako nilagnat dahil nilalabas na ng katawan ko lahat ng stress na naipon sa loob ng katawan ko nitong nakaraan at nailabas ko lang matapos kong makipag-s*x kay Azriel. But it’s still f*****g wrong. Hindi dapat namin iyon ginawa. Inalalayan niya ako pero lumayo ako. “Kaya ko ang sarili ko.” Hindi maganda ang pakiramdam ko at hindi kagaya kanina, mas nararamdaman ko ang init ng katawan ko. Nakakapagtaka na hindi ko ito agad naramdaman, bigla na lang sumama ang pakiramdam ko. Binuksan ko ang pinto ng bahay. Pagpasok ko,