HINDI ko namalayang naitulak ko ang pinto ng study room ni Azriel. Napatingin siya sa akin. Kakababa niya lamang ng cellphone niya. Parang gusto kong mawala nang mga oras na iyon. May nagsabi sa kanya na impostor ako. Paano kung…maghinala na si Azriel? He’s so logical na alam ko, ang simpleng mga threats na ganoon ay bibigyang kahulugan niya hanggang sa mapatunayan niya na mali ito o…totoo. “Zari?” tawag niya sa akin. “Why are you still awake? Akala ko ay natutulog ka na?” Hindi ako nakapasalita at nakatingin lang sa kanya. Gusto ko mang sagutin ang katanungan niya ay walang boses na lumalabas sa aking bibig. “May problema ba? Come here.” Bakas sa boses ni Azriel na nag-aalala siya. Humakbang ako papasok pero para na naman akong nanaginip nang gising when fragments of my nightmare fla