I AM still overwhelmed by all the memories I just remembered, at hindi nakatulong sa akin ang malamang magkasama sina Zarina at Azriel ngayon. Why are they together? Bakit…bakit sila nagkita? Alam na ba ni Azriel? Sinabi na ba sa kanya ni Zarina ang lahat? Sinabi ko sa kanya na ako ang magsasabi, and I was planning to tell him everything tonight…but he’s not here. Wala ako sa sarili ko at nakikipagtalo ako sa samo’t saring bagay na pumapasok sa aking isipan nang hawakan ako ni Alciana sa braso ko. I look at her with a gasped due to the shock of her touch. Hindi ko inaasahan na magsha-shut down ako sa harapan mismo ni Alciana dahil sa nalaman ko. “Anong nangyayari sa ‘yo? Okay ka lang ba?” Kitang-kita ko ang pag-aalala kay Alciana. Tumango ako sa kanya as I stepped backward. Mula sa fro