Chapter 5
OLIVER
KUMUYOM ang aking mga kamao at umigting ang aking panga, pinikit ko ang aking mga mata habang buo pa ang pagpipigil kong angkinin siya. I didn’t move, but I felt my d**k aching!
Fuck! Why did she do that?
“No..” I said firmly but I almost went insane as I stared at my woman fully naked!
“O-Oliver..” Nanginig ang kanyang boses at naalarma ako nang maramdaman na nasaktan siya. No honey, please don’t cry. No..
****
IPINARADA ko ang aking sasakyan sa basement ng kompanya ni Lennox Castillano. Nasa elevator na ako nang tumawag sa akin si Lennox, “Hello?” umusod ako ng kaunti nang may pumasok na sasakay.
“Oliver, nasaan ka na ba? Gusto kang kunin ni Rixor De Silva para sa bahay n’ya..”
Ngunit hindi ako kaagad nakasagot sa kanya nang mahagip ng mga mata ko ang babaeng kakapasok pa lamang sa lift. Napako ang paningin ko at napatitig sa maliit niyang katawan. She’s probably five or six years younger than me but..I was mesmerized by his simple beauty.
“Are you still there lonely boy?” tudyo ni Lennox sa akin.
“Shut up!” Napalakas ang pagkakasabi kaya nilingon ako ng babaeng nagpatibok muli ng puso ko. Akala ko’y hindi ko na ‘to mararansan muli! But I was wrong!
Nagtama ang mga mata namin at parang tumigil ang mundo ko ng dantayan ako ng singkit pero nakakaakit niyang mga mata. Mabilis niya rin akong binalewala.
****
“MELODY Luna Palma, twenty three, administrative assistant,” nagtatrabaho siya sa kompanya ni Lennox. Paulit-ulit kong sinasabi ang pangalan niya. Kahit pa nga na mag-isa ako!
I was hesitated na lapitan at magpakilala sa kanya. Mayroon pang minsan na pumupunta ako sa opisina niya para makita lang siya, pagkatapos ay susundan ko pauwi. Natatakot akong masaktan ko siya tulad ng nagagawa ko sa ibang babae. Hindi ko rin alam kung handa na ako.
I am ruined and broken for a longer time. And I don’t want to hurt her but, I f*****g want her!
I knew I love her.
Isang taon..isang taon ko siya na sinusundan at lihim na minamahal. Wala akong ibang pinagsabihan ng nararamdaman ko. Natatakot ako. Natatakot akong mawala rin siya sa akin.
****
PINULOT ko ang roba at muling binalot sa hubad niyang katawan. My Melody, honey you don’t have any f*****g idea how much I hunger for you. She held my hand, nanginginig siya, and when I looked at her eyes..fuck! She’s crying!
“Ayaw mo? B-Bakit? D-Dahil ba...h-hindi ako maganda? Hindi mo ko gusto?” She asked in between her sobs.
“No! Bakit mo iniisip ‘yan?”
“Bakit mo ba ako pinakasalan? Para makaganti? Dahil ba--dahil pinahiya kita? Dahil naapakan ko ang p*********i mo?”
Hindi makapaniwalang tinitigan ko siya. Namimilipit na ang puso ko habang nakikita ko siyang umiiyak at nasasaktan.
****
BINABA ko ang kopita at matalim na tiningnan si Lennox. He’s grinning at me, I know, he’s playing me!
“Bakit ‘di mo na lang tanggapin ang proyekto ko, para araw-araw mo na siyang makita. Kung gusto mo, ilagay ko siya bilang secretary mo..” Mas lumapad ang ngisi niya at saka uminom sa kanyang baso. I still don’t know kung paano niya nakuha ang impormasyong iyon tungkol kay Melody. Pero kung may gagawin siyang katarantaduhan sa babaeng mahal ko ay, hindi ako mangingiming pabagsakin ang kompanya. Kahit tulungan pa siya ng genius niyang pinsan na si Ridge.
Biglang tumayo si Quinn at may tinuro sa dance floor. “Hindi ba kapatid iyon ni Melody? s**t, she’s hot!”
Agad kong nilingon ang babaeng tinuro niya. Dahil sa atensyong ginawa ko ay narinig ko pa ang pagtudyo nila sa akin.
I heard Lennox’s chuckle, “Ang mga Montejo talaga, mga dakilang stalker!”
Matalim ko siyang binalingan bago tumayo para puntahan ang kapatid ni Melody. Yes, alam ko rin ang impormasyon tungkol sa pamilya niya. At bago pa papakin ng mga lalaki ang kapatid niya ay inilayo ko na siya. Naulit iyon tuwing nakikita kong nagba-bar ang kapatid niya. Naalala ko sa kanya ang bunso kong kapatid na si Audrey kaya madali sa akin ang gawin iyon. Isinakay ko sa sasakyan si Paula, lasing at tila hindi alam ang nangyayari sa paligid. She’s pissing me off! Palagi ko na lang siyang nakikitang umiinom at sumasayaw. She’s obviously a party-goer, unlike her sister.
“Lasing ba?”
Napalingon sa bagong dating na si William. Tumango ako. Tiningnan niya si Paula na bagsak sa backseat ko.
“Ako nang maghahatid sa kanya.”
Kumunot ang noo at nagtaka sa boluntaryo niyang paghatid kay Paula. “Are you sure? Nasa loob pa sina Lennox ah..”
Hindi niya ako sinagot at bigla na lamang binuhat palabas ng sasakyan si Paula.
“William, kapag may nangyari d’yan, sa akin ka malalagot.” pagbabanta ko sa kanya kahit pa alam kong mas matino naman ito kaysa kina Lennox at Quinn.
“She’s safe with me.” Iyon lamang at saka niya pinuntahan ang sariling sasakyan.
****
“PINAGLALARUAN mo lang ako..” pabalang niyang binitawan ang mga kamay ko at tinalikuran ako. Tila may kung ano’ng nagpatakot sa akin ng mga salitang ginamit niya.
Hinabol ko siya at niyakap mula sa kanyang likuran. I encircled my arms around her chest tightly. Nilubog ko ang aking mukha sa kanyang tainga at pinagyaman ang lubos kong pagmamahal sa kanya. Takot akong masaktan siya, pero mas takot ako kung mawawala siya sa akin! “H’wag mo naman akong iwan..ikaw na lang ang kailangan ko..” I whispered.
Hinawakan niya ang braso kong kumukulong sa kanya. “Then, why are you doing this to me?”
My eyes pooled by my tears. My chest wrecked by its pain. Pero gusto kong malaman niya kung bakit, at kung matatanggap pa niya ako. “B-Because I am broke..I am ruined. I’m not even sure if I’m capable to love you. I jailed myself away from the people who cared for me. I just only want to stay away and live my own life, I don’t even have plans to have my own family..not until you came into my darkest life.”
“Bakit? Sinong nanakit sa iyo?” I felt the pain on her sad voice.
Mas lalo kong nilubog ang mukha ko sa kanyang buhok na tila humihingi ng tulong. “My mom ruined me..pinalayo n’ya sa akin ang babaeng una kong minahal.”
Hindi kaagad nakasagot sa akin. Bahagya siyang yumuko at tila may iniisip na hindi ko maaaring gambalain.
“Ano’ng pangalan n’ya?”
Natigilan ako. Hindi ko inaasahang tatanungin n’ya ako ng ganoon. “You don’t have to...”
“Karrie ba? Iyon ‘di ba?”
Napapikit ako. Hindi dahil sa masakit pa rin ang marinig ang pangalan niya, kundi sa katotohanang kilala niya si Karrie! Inikot ko siya at hinarap sa akin. Muntik pa akong mapamura nang madatnan kong hilam na pala siya ng kanyang luha. “Paano mo siya nakilala?”
Yumuko siya ulit at tiningnan ang mga kamay niya. “May nakita akong picture n’ya sa kusina..she’s pretty and..very much in love with..y-you!”
Tinitigan ko siya at masusing pinagmasdan. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa sa sinabi niya o ang manatiling tahimik na lamang.
Ilang sandali pa’y bigla niyang inangat ang paningin sa akin. “Pwede naman kitang tulungan para makalimutan mo siya. Tutulungan kitang makabangon at makaalis sa rehas na kinasadlakan mo..I will be your partner to heal your heart.”
“Bakit mo iyon gagawin sa’kin?”
“Kasi..gusto na kita, Oliver!”
Namilog ang mga mata ko at manghang tinitigan siya. Is this f*****g real? “M-Melody..”
She shook her head, at pinunasan ang luha sa kanyang mga pisngi. “Payagan mo akong alagaan kita. Sisiguruduhin kong wala nang makakasakit sa iyo..”
Oh f**k! Bakit tila awit sa akin ang kanyang mga sinabi. Gusto niya rin ako!
“At kung iniisip mong masasaktan mo ko, so be it! Handa akong masaktan, kung para rin lang sa’yo.”
Hindi ko na napigilan pa at siniil ko siya ng halik. Para bang binuksan niya ang puso kong walang buhay at muling tumibok. I kissed her lips soundly. I kissed her lips lovingly.
“I love you, my wife, I love you so much! I’m yours, I’m all yours!” I said as I caressed her cheeks softly.
She was stunned after my confession. “O-Oliver..”
Hinawakan ko ang mukha niya at pinagdikit ang aming mga noo. “Hindi mo alam kung paano mo ko pinasaya nang sabihin mong gusto mo ko. Pakiramdam ko iyon lang ang kailangang kong marinig para pakawalan ang sarili ko sa sakit. Ilang taon akong nakulong sa lumipas na sakit, all this time..you were just my key..”
“Pero bakit may litrato ka pa ng ex mo?” Tanong niya na tila may halo ng tampo. I smiled at her.
“Hindi iyon para sa akin. Kay Yllac ‘yon, sa anak ni Mang Raul.”
Kumunot ang noo niya. “Iyong kasama ninyo sa pangingisda?”
I nodded. “Yes, siya ang napangasawa ni Karrie.” Nagulat siya sa narinig at tila maiging pinoroseso ang sagot.
Maybe I was just a blind to see that it’s over. Me and Karrie were over a long time ago. But the ghost of pain was just there to fear me. To stop me from wanting to see my light.
Hinampas niya ako sa aking balikat kung kaya’t bahagya kaming nagkalayo. “Kaya pala..”
“Kaya pala ano?”
“Wala!”
Tumawa ako at malambing na hinatak muli siya at inangkin ang labi niya. Oh, God, thank you giving me such a wonderful woman! She’s mine forever.
“And about your sister’s bitten neck? Si William ang kumagat sa kapatid mo.”
“At sino namang lalaki ‘yan?”
Hinapit ko siya sa kanyang baywang at saka binuhat palapit sa kama. “’Wag kang mag-alala dadalhin kita sa kanya pag-uwi natin. But for now..let me love you tonight..” She loudly gasped when I pinned her on my bed. I love her so much! Mas lalo ko na siyang hindi pakakawalan ngayon!
She’s my key. My Melody.
FIN