Dahil sa tradisyon ng pamilya ni Monique, kailangan niyang makapag-asawa bago siya tumuntong ng trainta dahil kung hindi, mapapasakamay ng kanyang tiyuhing sugarol at mabisyo ang kompanya ng kanyang angkan.
Dahil sa desperada siyang makapag-asawa, pinatulan niya ang RnJ Husband for Hire at dito niya makikilala si Kelvin Ventura, isang pintor.
Naging interesado si Monique sa lalaki dahil bukod aa maganda niyang katawan, nakakahalina niyang mukha, nakaramdam din siya sa lalaki ng kabaitan dahil sa hindi mabasag pinggan niyang ngiti.
Sa kanilang pagsasama, dadaan sila sa mga pagsubok na buhay nila ang nakataya.
Malalampasan ba nila ang mga ito? O mamamatay silang hindi nasasabi ang totoong nararamdaman?