Chapter 25: Masakit pa. (Clark)

1164 Words

Sinapo ko ang ulo ko nang maupo ako sa ibabaw ng kama. Masakit ang ulo ko dahil sa ilang shot ng whiskey na ininom namin ng mga kaibigan ko. Siguro nakalimang shot ako kaya medyo nahihilo ako at masakit ang ulo. Pinunasan ko ang aking buhok gamit ang towelette na nasa aking batok. Galing ako ng banyo at kakatapos ko lang maligo para mapreskuhan ang aking katawan. Hindi naman ako lasing, may konting tama lang ako ng alak. Hindi naman kasi ako mahilig magpakalasing dahil hindi ko gusto ang epekto ng alak sa katawan ko kapag nasobrahan ko ito. Nasubukan ko na kasing malasing noon ng sobra at hindi ko gusto ang epekto ng alak sa akin lalo na kapag nagsuka ako. Nakita ko si Krissha na nag-a-apply ng kung anong cream sa mukha niya habang nakaharap sa salamin. Akala ko nauna na siyang natulog

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD