Chapter 27: Kapalit (Krissha)

1308 Words

Nagpupuyos ang loob ko na lumayo sa lalaking mayabang at kaagad siyang tinalikuran at saka bumira ng alis. Kung 'di pa niya talaga binitiwan ang kamay ko ay baka sampal ang aabutin niya sa akin sa sobrang inis ko. We'll see, mukha niya! Ang kapal ng mukha niya akala mo kung sinong Diyos kung magsabi na wala pang tumatanggi sa kanya. Pwes! Ako na 'yon kaya huwag siyang magyabang na nakukuha niya ang lahat ng babaeng magustuhan niya. Dahil ako, never akong magkakagusto sa hinayupak na 'yon. Oo, gwapo siya at maganda ang pangangatawan. Pero hindi ko tipo ang gaya niya lalo na at mayabang siyang magsalita. Akala mo naman lahat ng babae ay magkakandarap sa kanyang harapan. Kailangan ko ng iwasan ang lalaking 'yon simula ngayon. Magiging malaking treat siya sa pagsasama namin ni Sir Thompson

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD