Paulit-ulit na nag-e-echo sa pandinig ko ang salitang binitiwan ni Sir Thompson sa akin kanina. "...mahal kita kaya natural lang ang magiging kilos ko." "Eh 'di himatayin ka. Sasaluhin naman kita, asawa ko." Sinapo ko ang mukha ko nang maramdaman ko ang pag-iinit ng mga ito. Takte! Kinikilig talaga ako! Ang sarap lang himatayin sa bisig niya pagkatapos niyang sabihin ng paulit-ulit na mahal niya ako. Potek! Hindi yata ako makakatulog ng maayos ngayong gabi. Paulit-ulit talaga na nag-e-echo sa pandinig ko ang mga katagang ito! "Bakit hindi ka pa naliligo, asawa ko?" tanong ni Sir Thompson nang lumabas siya sa banyo. Nakasuot siya ng puting roba habang pinupunsan ng kanyang kamay gamit ang tuwalya, ang kanyang buhok na mamasa-masa pa. "Sabi ko sabay na tayo para mahilod ko ang likod m