Callum Ala-dose ng tanghali nagising ako dahil sa lakas ng tunog ng cellphone ko nakapatong sa study table. Taranta akong maingat na inalis ang pagka kayakap ko kay Anna, baka magising ito gusto kong magpahinga ito ng maayos. Wala pa naman tigil ang pambubulahaw ng sino mang caller. Paumaga na kaming parehong natulog kailangan nito ng sapat na pahinga. Hindi kasi ako nagsasawa na ulit-ulit ‘tong angkinin. Na para bang isa itong pagkain na mansanas na pagka tamis-tamis na gusto kong kainin at angkinin ng paulit-ulit. At hindi ko iyon pagsasawaan. “Hello,” pabulong kong sabi. Nang mabosesan ko kung sino. Napahilot ako ng batok ko dahil ang anak namin ang tumatawag at gusto kaming kumustahin ng mommy niya. Maingat akong lumakad palabas ng silid upang doon kausapin si Rhenzo. Sa labas kasi