Anna Naalimpungatan ako ng parang may nag-angat sa akin sa kama. Kahit na inaantok na ako kasi hula ko ay hating-gabi na. Pilit kong idinilat ang aking mata baka panaginip ko lang ‘yun ngunit totoo pala kaya napamulagat ako dahil pinangko na pala ako ni Callum. Naglalakad na ito patungo sa connecting door, at doon nga kami dumaan. “Bakit isinama mo pa ako rito?!” irap ko sa kanya. Naalala ko kasi ang konti kong tampo sa kaniya kaya sininghalan ko siya. “Of course, ito ang k’warto natin, Your Honor,” aniyang nakatawa. Gusto ko nga tumawa kaya lang gusto kong ipakita na seryoso akong galit roon sa paglilihim niya sa ‘kin. Kaya pinanatili kong masama ang titig ko kay Callum. "Your Honor, hindi tayo matutulog kung may tampo ka sa 'kin," aniya talagang binubuska ako. “Epal ka talaga,” wik