Anna “Anak, Rhenzo. We are here at tita Sirena's house,” mahina kong bulong at hinaplos ang pisngi nito nakanganga pang matulog. “Mahimbing pa ang tulog ni pogi kung kailan Bulacan na tayo. Hindi bale Anna, antayin na lang natin magising si Rhenzo, hindi naman ako nagmamadali,” sabi pa ni kuya Bob sa 'kin. Kaso nga lang alam na ni ate Sirena, na dumating na kami. Bukod sa nagbusina na si kuya Bob kanina, pagkadating na pagkadating namin sa tapat ng bahay. Na text ko rin si ate Sirena sa kanto pa lang kami. “Kuya Bob, okay lang po lumabas na lang tayo. Bubuhatin ko na lang si Rhenzo. Kasi baka mamaya lang lumabas na ng gate ang ate Sirena,” sagot ko pa rito. Parang aabutin kasi nito ng siyam-siyam kung aantayin kong si Rhenzo na magising. Kinarga ko na lang at lumabas na ako ng kotse.