Anna Napalundag ako sa tabi ng pinto dahil kumatok ulit si Callum. Mabuti natakpan ko agad ang bibig ko kung nagkataon ay dinig ako ng dalawang magkaibigan sa labas. Muling nakiusap si Callum sa akin. “Please, Anna, open the door for a short while. Gusto lang kitang makita.” He said in a pleading voice Si sir Scott naman humahagalpak ng tawa. Pero ako ayaw ko halos huminga sa likuran ng pinto dahil pakiramdam ko kahit paghinga ko rinig niyon ni Callum. “Anna,” tawag ulit ni Callum. “Tang-na ka dude, para kang baliw r’yan. Are you sure Ms. Caluttong is inside? Parang tahimik naman,” tawang-tawa na sabi ni attorney sa kaniya. “Ramdam kong nasa loob siya nakikinig lang sa atin,” sagot dito ni Callum. Bumunghalit ulit ng tawa si sir Scott. “Bilib na sana ako sa pandama mo kaya lang sa