"Hindi pwede!" sigaw ko at saka sila tiningnan ng may pagkabigo.
"Cassandra, why can't you see that we are doing this for your own good?" malumanay na paliwanag ni Mommy sa 'kin habang hinahaplos ang braso ko.
Ayokong mabastos ang nanay ko kaya wala akong nagawa kundi ang kabigin ang braso ko dahil sa halu-halong emosyon na nararamdaman ko.
I looked at them with hatred. "How can this be for my own good? Why marrying someone I don't fvcking know will be good for me?!"
Yumuko si Daddy na para bang hindi alam kung paano uumpisahan ang pagpapaliwanag sa akin ng mga bagay na pinagagawa nila.
Natawa ako saglit. "Don't ever tell me na nalulugi na ang kumpanya kaya ipapakasal niyo ako sa lalaking hindi ko kilala, masyado nang gasgas 'yon sa mga teleserye."
Daddy massaged the bridge of his nose then gave me a serious look. "Come to my office—"
"Are you sure about this, Deyniel?" my mom butted in.
Dad just gave her a small smile and lead the way to his office. Wala na akong nagawa pa kung hindi ang sumunod, tahimik namang sumabay si mommy sa likuran ko.
What the hell is going on? Kauuwi ko lang galing sa isang party ng kaibigan ko then ito ang uuwian ko, isang pagpapakasal sa isang hindi ko naman kilala. Well, erase that s**t, I will never marry someone I do not love.
Umupo si Daddy sa kanyang swivel chair saka kinalkal ang kanyang drawer. Narinig ko ang pagsinghot ni Mommy sa likuran kaya napatingin ako sa kanya.
Why is she crying?
Kinain ako ng kaba panandalian. Nalulugi na ba ang kumpanya namin? Pero imposible iyon, kagagaling ko lang noong isang araw sa kumpanya and everything seems okay.
Napabalik kay Daddy ang atensyon ko nang inilapag niya ang isang folder sa harapan ko. I got it and scanned the files, for a moment I felt like my world had fallen into my feet.
"W-What the hell is this?" nauutal man ay sinikap kong magtanong.
Slowly, I glanced at my father. My tears automatically streamed down through my face as I saw my father, smiling, yet his eyes are full sadness.
Hinakawan niya ang kamay ko at saka ito hinalikan. "Alam mo naman na mahal na mahal kita, hindi ba? Sorry kung itinutulak kita sa isang desisyon na hindi mo gusto. Gusto ko lang na makita ang prinsesa ko na mapunta sa maayos na lalaki bago ako mamatay."
And there we all broke down. My father, ang pinakamamahal kong ama ay may brain cancer.
"N-No, no, this can't be. Magpagamot ka, Dad. Kung hindi kaya rito sa Pilipinas then pumunta tayo sa US," ani ko.
Hinawakan naman ni Daddy ang aking ulo saka ito marahan na ginulo, wala akong nagawa kundi ang humikbi lalo dahil sa ngiting ibinigay niya sa akin.
"Sino ba'ng hindi gustong mabuhay, anak? Gusto ko rin naman na makita ang mga magiging apo ko pero ano'ng magagawa natin? Hanggang dito lang ang ibinigay na buhay sa akin ng Panginoon."
Tanging iling at hikbi lang ang ginawa ko. Mabagal na lumapit sa akin si Mommy at yumakap.
"Sorry, my princess, for being greedy. I just want to secure your future. I don't know how long or short will I still be here. Kung hindi ko na makikita ang mga magiging apo ko kahit ang kasal na lang ng anak ko ang madaluhan ko," he emotionally stated.
I ran into my father and hugged him tight. "Please fight, Daddy. Why do I feel like you're already surrendering? Fight for us, Daddy, fight for me," I begged.
My dad just hugged me back then kissed the top of my head. "I'm not surrendering, anak. I just accepted the fact. I want to spend my remaining days with you and your mom kaysa maghirap sa hospital."
Lalo akong napahikbi sa mga sinabi niya. "I love you, Daddy," I said and looked at him.
He smiled at me. "I love you too, anak. Mahal ko kayo ng Mommy mo. Please take care of her when I'm gone."
"Stop it, Deyniel. Please, stop speaking like that," pigil ni Mommy habang umiiyak.
Ngumiti lang si Daddy sa kanya at hinawakan ang mukha nito. "Always remember that I love you both," he mumbled, teary eyed.
"Of course we kno—"
"AHHH!" Dad shouted while holding his head. Dali-dali namin siyang inintindi ni Mommy.
"Kuhanin mo ang gamot sa drawer, Cassandra!" sigaw ni Mommy habang hinahawakan ang kamay ni Daddy na nasa ulo niya.
Umiiyak kong hinalughog ang drawer ni Daddy. Pabalik-balik ang tingin ko sa kanila at sa drawer. Natatakot na malingat ang atensyon ko sa kanila.
"Hon, honey, tatawagan ko si Dr. Soriano. Please, stay with us, please... I-I still can't live without you." Mom cried hard as she forced herself to be strong.
Mabilis kong binigay kay Mommy ang gamot na nakita ko. Binuksan niya iyon at kumuha ng isang tableta saka ipinainom kay Daddy.
Why? Bakit ngayon lang nila pinaalam sa akin ito?
Umiyak na lang ako nang umiyak habang nakikita ko si Daddy na dumadaing sa sakit ng ulo niya.
Anong klase akong anak at hindi ko nakita o nahalata ang lahat ng ito? Akala ko dahil sa trabaho kaya mukhang nangangayayat si daddy, akala ko dahil sa katandaan kaya napapansin ko ang pag-unti ng buhok niya. 'Yon pala... 'yon pala may sakit na siya.
Pagkatapos ng ilang minuto ay unti-unti nang kumalma ang ama ko sakto rin na dumating ang doktor at ch-in-eck si Daddy sa kwarto.
Nakahiga na si Daddy ngayon at natutulog. Marahil sa sobrang sakit nang naramdaman niya kanina kaya napagod at nakaidlip. Lumapit si Mommy sa akin nang umalis ang doktor. Nginitian niya ako at saka inayos ang takas kong buhok sa mukha.
"Sige na pumunta ka na sa kwarto mo, anak. Ako na ang bahala sa Daddy mo," she said while combing my hair with her fingers.
"Kailan pa, Mommy? Kailan pa nagsimula ang lahat?" I asked.
Napabuntonghininga naman siya saka ako tinabihan sa upuan at niyakap. "Pagkatapos mong maka-graduate ng college, doon na nagsimula ang matinding pananakit ng ulo ng Daddy mo. Dati pa siyang nakakaramdam nang pananakit ng ulo pero ipinagsawalang bahala niya iyon dahil inakala niya na stress lang 'yon sa trabaho. Pero no'ng ilang linggo pagkatapos mong maka-graduate, doon na tumindi nang todo at nakakaranas na siya ng iba't iba pang sintomas ng brain cancer," panimulang pagkukwento ni Mommy.
"Nagpagamot siya... naggamot siya, anak. Lumaban ang Daddy mo para sa atin. Sa tuwing sinasabi namin sa 'yo na may business trip kami, nagpapagamot talaga s'ya no'ng panahon na 'yon; kemo at iba pa." Pilit na ngumiti si Mommy at malamlam akong tiningnan. "Pero hindi rin mapabayaan ni Daddy mo ang kumpanya, maraming tao ang umaasa sa atin, anak."
"Why? Bakit 'di niyo ko kinausap para makatulong sa kumpanya. Oo, maaaring wala pa akong alam pero pwede ko namang matutunan iyon, Mommy," saad ko na para bang maibabalik niyon ang kahapon.
She just smiled at me then kissed my forehead. "Yes, naisip namin iyan pero masyado kang mahal ng Daddy mo. Alam namin na puro pag-aaral ang inintindi mo buong buhay mo. Wala kang ginawa kundi ang bigyan kami ng dahilan para maging proud sa 'yo. Gustong ibigay sa 'yo ni Deyniel ang kalayaan na gawain ang lahat pagkatapos mong makapagtapos. Gusto niyang i-enjoy mo ang mga bagay na 'di mo naranasan no'ng mga panahong nag-aaral ka."
"I'm sorry. Hindi ko kayang kontrahin ang Daddy mo, mahal din kita at nakikita ko ang punto niya. Gustuhin ko man na patulungin ka sa kumpanya ngunit walang magtuturo sa 'yo dahil malimit nasa gamutan ang Daddy mo. Patawarin mo kami, anak, kung hindi agad namin sinabi sa iyo. Tulad mo, umasa rin kami na aayos ang lagay niya." Malungkot na ngumiti si Mommy.
"Pero w-wala. Siguro talagang ito ang plano ng Panginoon, anak,"'garalgal niyang sambit. "Kahit gano'n, hindi pa rin ako handa, Cassandra. Hindi pa ako handang maiwan, hindi ko pa kayang mag-isa. Hindi ko pa tanggap, anak," she continued as she cried silently.
Wala na akong nasabi pa. Niyakap ko ang nanay ko at sinabayan siya sa tahimik na pag-iyak.
Mahal na mahal ako ni Daddy, lahat ginawa niya para sa 'kin upang maging masaya at maayos ang buhay ko. Sino ako para pagdamutan siya ng kaligayahan niya?
Pinunasan ko ang luha ko at saka matapang na tumingin kay Mommy.
"Who will be the groom and when is the wedding?"