NGUMUSO ako habang nasa harapan kami ng hapag. Ngayong araw, dahil linggo ay kompleto kami sa pag-aagahan. At dahil linggo, hindi kami makakapag-solo ni Yohann. Maghapon naming makakasama sina Lola Miranda at Lolo Fernando! Bumuntong hininga ako at pasimpleng sinulyapan ng tingin si Yohann na abala sa pagkain. Ganoon din ang lolo't lola niya. Napailing na lang ako at itinuon na muli ang atensiyon ko sa pagkain. Nang matapos, isa-isa na silang tumayo sa kinauupuan nila. "Misty, hindi ka pa tatayo?" tanong ni Lola Miranda nang mapansing nananatili lang ako sa bangko ko at tila walang planong tumayo. Tumango ako. "Tutulungan ko po si Yohann sa paglilinis dito." Mabilis na umiling si Lola Miranda. "Hayaan mo na si Yohann dito, baka mapagod ka pa." Napipilitan akong ngumiti at umiling. "H