Nakarating kami sa resto around 4:45PM. And as expected, nakakatawag pansin talaga si Vlad. Lalong lalo na sa mga kababaihan. Halos walang masyadong tao sa kung saan kami nakapwesto kanina, pero bago pa man natapos iserve lahat ng mga meats and side dishes sa table namin, halos napuno na rin ang mga bakanteng tables sa tabi namin, samantalang ang dami namang vacant. There are a lot of giggling women around us, at yung iba hindi man lang tinatago ang paghanga nila kay Vlad. They are so loud about saying he's handsome and hot. May narinig pa akong gustong hingiin ang number niya. I narrowed my eyes on the unbothered object of their desire. Imposibleng hindi niya naririnig ang sinasabi ng mga babae sa paligid namin. But look at him, it's like he doesn't care about their admiration at all.