Nang magbukas ang pinto ay agad na lumapit si Cadnys, gayundin si Glenn. "K-kamusta po ang bata, doc? Okey lang po ba siya?" The doctor smiled and tap her shoulder. "He's fine, simpleng sinat lang 'yon, siguro'y dahil sa panahon, his body is adjusting." "Okey lang po ba ang blood pressure niya?" "He's fine. He needs rest, and I wrote down the medicines he need to take." Sabi ng doktor sabay lahad ng resitang dapat nilang pagtuonan ng pansin. "Thank you so much, doc." Ani ni Glenn na sinabayan ang doktor. Naiwan naman sa pintuan si Cadnys saka dahan-dahang sinilip ang siwang ng pintuan. Nakita niyang natutulog na ito ng mahimbing. Lumapit siya rito at naupo sa kama. Maluwang ang kwartong iyon, pu-pwede silang tatlo ni Glenn doon, para kahit papaano ay masasamahan nila ang bata.