Chapter 1 Fling

1043 Words
Nandito sila ngayon ni Sofia sa Death Valley, Utah. Isa itong pinakamataas na pampang kung saan nagpapakatihulog ang mga extreme na adventure explorers na gaya nilang dalawa, bukod sa pagdi-direct ay gustong-gusto ni Glenn ang adventure vacations. Sofia is his assistant for a month now, at masasabi niyang siya ang naging pinakamatagal na assistant s***h fling niya sa mga panahong gaya nito. Kung bakit? Because they clearly do crazy things like this. It’s just a pure companion with benefits, no attachment, just fair play. "Tara na babe!" sabay hila ni Glenn kay Sofia sa gawing iyon. Sofia Mercel is his assistant and his companion in every meeting, kaya siguro mas napalapit ito sa kaniya. "Ayoko bahala ka, ikaw muna!" naiiyak pa na sabi ni Sofia sa binata. Pero imbes na huminto ay mas lalo pa itong hinila ni Glenn papunta sa area na iyon. They are now standing at the main deck area of Utah, at heto nga't kaharap ang cliff peak habang hinihintay ng guide nila upang malaman ang eksaktong diving point. Naririnig pa ni Glenn ang pagmumura ni Sofia habang noo'y nakiki-negosasyon siya sa caretaker. Abala naman silang sinusuotan ng samu’t-saring safety gears sa kanilang katawan ng isang staff doon. Suot nila ang safety gears sa ulo at ang jumper suit na may harness wires sa kabuuan ng katawan. Nagsuot din sila ng knee at elbow padding na kumumpleto sa attire nila that time. Si Sofia naman ay halos hindi na gumagalaw at nakapikit-matang nakatayo sa isang banda, hindi niya ito maintindihan habang nililitanya nito ang ibat-ibang lenggwahe ng mga santo. She's now being paranoid, He get it! Ganito rin si Glenn noon, noong first time niyang umpisahan ang extreme sports. "Animal ka sir Glenn! Sabi ko take me to heaven, bakit mo ako dito sa Death Valley dinala? Animal ka talaga!" sabi pa nito habang nagpupunas ng mumunting mga namumuong luha sa kaniyang mata. Lihim na napangisi si Glenn saka pa napailing. Pero imbes makisimpatya ay tumikhim si Glenn at nagsalita. "I know… I'm right, babe. I'll take you to heaven, trust me." Litanya pa niya kay Sofia at marahas itong hinila at ipinasuot ang mga gears. Ubod-lakas pa siyang pinagsusuntok nito sa braso habang nagsisisigaw. "I hate you sir Glenn!” paulit-ulit na litanya ni Sofia habang siya nama'y panay ang ngisi sa mukhang hindi maipinta. Ganito ang nagustuhan ni Glenn kay Sofia, brutal kasi ito manalita habang kabaliktaran naman ito sa pigura niyang mala-anghel, kumbaga, palaban ito. "Ready?" Sabi pa ni Glenn nang makitang okey na ang gears nila. Nakita niyang isang udyukan na lang ay mahihimatay na si Sofia sa takot. Marahan pa niya itong niyakap at noo'y hinahagod ang mahaba nitong buhok. "I'm s-scared..." Mahinang bulong ni Sofia kay Glenn. "Don't be scared, babe. Kasama mo ako, hindi ka nag iisa." Sabi pa niyang dahilan upang makita niya ang mukha nito na napaimpit sa halu-halong emosyon. "Ready na po ba kayo sir? Ma'am?" singit pa ng operator ng harness wire na nandoon at may kung anong minamaniobra ang kanilang pagbaba. It's a pulley converted wires na abot hanggang ibaba ng pampang. Naroon din sa ibaba ang ibang crew na nag-hihintay sa mga guest at divers na galing sa taas. "Bibilang na po ako, ha. In count of three. One, two, three—" at doon nga'y nagpakatihulog sila ni Sofia sa pampang habang magkayakap. "Ah!" tili pa ni Sofia na halos magpabasag sa tainga ni Glenn. Glenn still managed to wrap her in his arms and let themselves drop dead to that extreme sports. Ilang segundo pa'y tagumpay silang naglanding sa ibaba at iyon nga'y nakita niya ang walang kulay na mukha ni Sofia na tila nasusuka na ewan. Madali niyang hinawakan sa braso at niyugyog si Sofia. "Babe? Okey ka lang?" sabi pa niya sa dalaga na dahan-dahang nagmulat ng mata. "I’m almost died—!" sabi pa ni Sofia sa kaniya habang noo'y bigla na itong nawalan ng panimbang at nahimatay. Mabuti't naagapan agad ito ni Glenn, na rason sa paglanding ni Sofia sa kaniyang bisig at noo'y naiiling na binalingan ang crew. "Medic?" sabi pa ni Glenn na aligagang buhat-buhat ang dalaga. Naisakay nila ito sa isang emergency car at doon isinagawa ang first aid. Hindi pa nagtagal ay nahimasmasan ito at naging okey na rin. "Babe," panimula pa ni Glenn. Umingos ito at ngumuso bago nagsalita. "You’re crazy, ah, pinatay mo ako ngayong umagang tapat! Maghanda ka mamayang gabi, at ikaw naman ang papatayin ko!" sabi pa ni Sofia sa mababang boses. Napa-smirk si Glenn sa sinabing iyon ng dalaga at nilapit ang sarili niya sa tainga nito at bumulong. "Asahan ko 'yan ah?" sabay halik sa malambot na labi nito. Nakipaghalikan rin ito kay Glenn at tumugon sa kapusukan, hindi nila alintana ang paligid sa mga oras na 'yon, ang nasa isip lang nila ay masaya silang nag to-tour dito sa Utah, para e-celebrate ang kanilang first monthsary as boss and assistant with benefits partnership. Nga pala, sino ba si Glenn Guererro? He is Glenn Guererro, a director-producer of Malaya Cinema Company, at siya lang naman ang handler ng mga bigating artista sa industriya. He is managing his own company in Metro Manila, and making his own steps so his father and his mother will be proud of him. Matapos ng eksenang iyon ay nagpatuloy sila sa kanilang daily routine doon sa Utah. They are now walking to that pathway going to their room, katatapos lang nilang kumain sa isang resto. "Saan ba tayo pupunta?" sabi pa ni Sofia sa kaniya. Kakatapos lang nilang kumain sa resto nang may naisip siyang gawin sa oras na iyon. "Basta, let's just wear some formal clothes." Glenn told her wearing his playful smile. "Ikaw sir Glenn ah, may naiisip ka na namang kabulastugan, 'pag ako namatay sa gagawin mong 'yan, mumultuhin talaga kita..." sabay sapak nito sa ulo ni Glenn. Ngsisimula na naman itong maging clingy sa kaniya, panay kasi ito himas sa kaniyang braso. Napatawa na lang siya sa kabaliwan ni Sofia. That is one of a hundred reason why Glenn like Sofia, prangka at napaka-wild nito mag-isip sa bagay-bagay, gaya niya kasi ito na may malawak na isip. "Trust me, babe." Ngisi pa niya sa dalaga saka pinisil ang ilong nito. …Itutuloy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD