“Guys, food is ready. Tara na! Lapit na kayo sa mesa. Kakain na tayo." malakas na sigaw ni Romina. Tumulong siya sa paghahanda ng food sa mga Uncle at Auntie niya habang nag-prepare pa ang mga ito ng food sa kusina. Hindi nagpahuli si Romina na tumulong lalo na't habang gumagalaw ang kanyang kamay ganun din ang bilis ng buka ng kanyang bibig. Daldal siya ng daldal kasama ang kilos ng kanyang mga kamay dahilan para mas tumagal ang kanilang paghahanda ng pagkain sa loob ng kusina. “Maupo na kayo sa mga pwesto niyo. After I came back. Kakain na tayo." pahayag ni Romina tumalikod ulit ito sa mesa. Iniwan niya muli ang mga pinsan at ang kaibigan niya na ngayon inaasikaso naman ng ilan sa mga babaero niyang pinsan. Okay lang naman sa kanya at kabisado rin naman niya ang mga ito. Mababait ang mg