CHAPTER 17 - Finally I'm home Ate, kauuwi mo pa lang?" “Obvious ba? Parang hindi naman. Oo, kakauwi ko lang." tanong niya, sagot niya rin at inis na pabagsak naupo sa maliit nilang sofa. Obvious na obvious naman sa itsura niya pa lang ay talagang badtrip pa siya mula sa mga nangyari kangina. Asar na asar siya sa mga kamalasan na nangyari sa kanya kangina Hindi siya makapaniwala na ang kanyang virgin lips ay napunta lang sa isang lalaki na gaya ni Mr. Bachelor. Hindi niya matanggap na nakadalawa pa itong halik sa kanya. Hindi pala, dahil may pangatlo pa… Ang pinakamatagal na halik na nakuha niya sa pakikipagbuno sa mga palitan nila ng salita. Pulang-pula siya n'on. Nang mangyari ang huling halik na 'yon. Ang lakas ng t***k ng puso niya, kinakabog ng husto. “Bakit tulala ka?" bula