Isang linggo na rin ang nakararaan. Wala naman nagbago kay Gia. Ganun pa rin siya pasok sa trabaho at sa school. Minsan sinasama pa rin siya ng kanyang kaibigang si Romina sa paggagala nito sa mga party at paglabas-labas nito sa mga oras na maiisipan nito ang magtungo sa mall. Hindi naman niya din mahindian ang kaibigan. Si Gia ang tipo ng babae na mahirap hindi mapahindi lalo na kung minsan ay boredom siya sa kanyang sarili. Napahirap din nga naman ang mag-isip kung saan ay sadyang totoo talaga kahit anong gawin niya sadyang mahirap pa rin siya. Wala lang. Madalas lang maisip ni Gia sa tuwing kasama niya ang kanyang kaibigan na si Romina napapaisip siya. Sana tulad nalang talaga ako ni Romina. Easy-going lang lahat. Easy ang buhay na parang walang iniisip at sobrang gaan para dito