Chapter 24 - Again Thank you Nakaalis na nga nang tuluyan yung lalaking nambastos at mananakit nga, sana kay Gia. Pero dahil parang isang superhero ang cute na si Mr. Bachelor na si Troy. Laking pasasalamat talaga ni Gia dito. Matapos ang kanilang hindi maayos na pag-uusap nitong mga nakaraan. Bigla tuloy pumasok sa isip ni Gia ang lahat ng mga nangyari nun sa party. “Ikaw na naman?" ang sabi ni Gia, pero sa mahina na salita. “Ikaw nga rin. Ikaw na naman. Bakit ba ang hilig mong magpakita? Ano bang meron sayo at madalas kita makita?" “Wow ah! Madalas? Ngayon nga lang tayo nagkita mula ng magkita tayo sa bahay mo— Sa pagkakatanda ko. Kahapon lang ba 'yon?" napaisip pa si Gia, habang pahayag at sinabi niya kay Troy. Kahapon nga lang sila mga nagkita na dalawa. Kahapon lang din siy