CHAPTER 13 - A girl in my room Sobrang toxic today. Halos wala pa akong tulog mula sa aking magdamag na pagpupulong para sa ilang kasosyo sa negosyo at mamumuhunan din sa aming kumpanya. Kaya late na ako makauwi nito, nang dahil sa kailangan ko pa rin magstay, mag-extend ng oras bago ako umuwi sa bahay. Gusto kong matulog, pero kailangan kong tapusin ang lahat ng ito bago ako umuwi. No choice ako. Hindi ko naman pwedeng iwan na lang ito basta at umuwi na lang ng hindi ito natatapos. So need ko talaga siya tapusin. Ang pagkaraming papel na nakakalat sa aking harapan. Sa ibabaw ng table ko, kung saan naman mga ilang pinagkainan ko, nakakalat din. Maging disposable cups nang kape na timpla sa akin ng aking sekretarya— wag lang ako talaga makatulong sa oras ng trabaho ko habang nakikip