Huni ng Ibon

1184 Words
HUNI NG IBON Isang magandang araw ang muli ay sumilay sa aking paningin. Isang masayang atmospera ang muli ay sumalubong sa akin papasok sa aming classroom. Kahit ilang araw na lang ang natitira bago matapos ang Summer Class na ito, hindi ko ipinapakita sa kanila na ngayon pa lang ay nalulungkot na ako. Lalong lalo na kay Ayan. "Oi, ayan na naman si Margareth oh. Naku, iba talaga itong si Ayan," dinig kong ani ng isa kong kaklase at tila ba pumantig ang aking tenga nang mabanggit nito ang pangalan ni Ayan. Sinundan ko ang tinitignan nila at mula sa bintana na malapit sa aking pwesto ay nakita ko ang dalawang pigura na nag-uusap. Kakababa lang ng babae sa bisikleta ni Ayan na pinarke niya sa parkehan ng mga bisikleta sa may bukana ng paaralan. Ang babaeng iyon ay si Margareth. Tila nabingi ako sa mabibigat na t***k ng puso na naririnig ko sa kung saan. Hanggang sa sumakit ang aking dibdib at napagtanto ko na sa akin pala iyon galing. Napahawak ako doon at nagtatakha na napatanong sa aking sarili, bakit ako nakakaramdam ng ganito? Nakikipag-usap lang naman si Ayan sa isang babae, pero bakit parang masakit sa akin? Bakit may kakaibang emosiyon sa aking kaloob looban akong nadarama? "Sila pa rin siguro, ano? Naku, best couple ng highschool batch natin iyang dalawa." Sila? Couple? May relasiyon silang dalawa? Nang marinig ko iyon ay tila nawalan ako ng pandinig. Tila isang mahinang tunog na kagaya sa life machine na nagkaroon ng straight line ang tangi kong naririnig sa ngayon. May umuusbong na kakaibang kulo sa kaibuturan ng aking puso. Galit? Tampo? Muhi? Bakit ganito? Masakit sa dibdib? "Beu? Beu!" Isang tawag ang pumukaw sa akin sa matagal na pagkakatulala. Nang tiningala ko ang tumawag sa akin ay isa pala iyon sa aking kaklase. "B-bakit?" "Ayos ka lang? Napansin ko kasi na maputla ka? May masakit ba sa iyo? Inaatake ka ba?" alala talaga nitong sabi sabay hawak nito sa aking noo. Tila nawalan ako ng dila. Nakatulala lang ako sa mukha nito. Hanggang sa isang kamay ang marahas na umalis sa kamay nito na noon ay nasa aking noo. Gulat at sabay kaming napabaling kay Ayan na tila kakapasok lang. Dikit ang kilay niya at diretso ang tingin sa aming kaklase na napaatras ng bahagya dahil sa tingin na ibinibigay ni Ayan dito. Umawang ang aking labi habang nakatulala sa mukha ni Ayan. "Anong nangyari?" bumaling siya sa akin pagkatapos niyang sabihin iyon. "May problema ba, Beu? Teka? Bakit maputla ka?" Agad nitong hinila ang kaniyang upuan palapit sa akin at pagkatapos ay hinawak hawakan din ako sa noo. Nakatitig lang ako sa kaniya, hindi nakapagsalita. "Iyan nga rin ang sabi ko sa kaniya, kung kaya tinignan ko kung mainit siya, pero hindi naman," iyong kaklase namin kanina. Nanatiling nakatitig si Ayan sa akin, tila hinihintay na magsalita ako. Nakita ko na naman sa aking isipan ang imahe nila kanina ng babaeng iyon na bumaba sa bisikleta niya at masayang nag-uusap. Wala sa sariling bahagya akong umiwas sa kaniya natakot. Nakita kong nanlaki ang mga mata niya dahil doon, pero mabilis ding bumalik sa dati. "A-ayos lang ako," nakaiwas ang tingin na tugon ko kay Ayan. Nanatili akong ilap sa kaniya hanggang sa pagsisimula ng klase. May pinagawa na activity sa amin kung kaya nagtungo ang section namin sa library. Nanatili akong umiiwas kay Ayan dahil pakiramdam ko, hindi na ako maaring dumikit sa kaniya. Pakiramdam ko ay wala akong posisyon sa tabi niya, kung hindi ang babae lang na iyon. Nagtungo ako sa pinakadulong shelf ng mga libro at doon naisipang maghanap ng maaari kong pagkuhaan ng sagot sa ibinigay na mga katanungan ng aming guro. Dahil hindi ako kataasan, nahihirapan ako sa pagkuha ng mga libro na kailangan ko, na nakapwesto sa matataas na bahagi ng shelf. Hanggang sa isang pigura ang nagtungo sa aking likuran para ako ay tulungan. Nang nilingon ko iyon, sinalubong ako ng mataas na si Ayan. Seryosong seryoso ang mukha niya. "Salamat," sabi ko pagka-abot niya sa akin ng libro, pero mabilis niya akong kinulong sa kaniyang mga bisig. "Iniiwasan mo ba ako, Beu?" aniya, halata ang lungkot sa tinig. Mabilis na tumibok ang aking puso. Habang tinitignan ko ang malungkot niyang mga mata ay nalulungkot din ako. "H-hindi," sagot ko at biglang yumuko. "Bakit lumalayo ka sa akin? Bakit hindi ka makatingin sa akin? Beu?" kulit ni Ayan habang sinusubukang silipin ang mukha ko sa pagkakayuko. "May nagawa ba akong kasalanan kay Beu? Hm?" "W-wala," nakagat ko ang ibaba ng aking labi at ang nanginginig na mga kamay ay kumapit sa magkabilang laylayan ng kaniyang uniporme. Masakit ang dibdib ko mula pa kanina. Mula pa nang makita ko sila ng babaeng iyon. Bakit ganoon? Bakit ako nakakaramdam ng ganito? Hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi at ini-angat ang aking ulo para magtama ang aming paningin. Binigyan niya ako ng halik sa aking noo na hindi ko napaghandaan. Tila nagkaroon ng masayang huni ng mga ibon sa labas. Kahit ang ihip ng mainit na hangin ay hindi nakalagpas sa aking pandinig. Ang pakiramdam ng malambot niyang labi sa aking balat ay nagbigay ng kiliti sa loob ng aking tiyan. Tila ba'y may mga paro-paro na parito at paroon sa loob. "Kung anuman ang bumabagabag kay Beu, wala iyon. Hindi kita hahayaang lumayo, Beu. Dito ka lang sa tabi ko, naiintindihan mo?" malumanay niyang saad, nakangiti na nakatingin sa aking mga mata. Ang mga salita niyang iyon ay tila hinihele ang aking damdamin. Nawala ang bigat. Nawala ang sakit. Guminhawa ang aking pakiramdam at napalitan ng kakaibang saya. Kung kaya, nakangiti akong tumango sa kaniya. Ginulo niya ang aking buhok at sabay na kaming bumalik sa pwesto ng aming mga klase. Ang kaninang imahe na aking iniisip ay tila naglaho ng parang bula. Napalitan nang imahe niya na binibigyan ako ng halik sa aking noo. Bakit nag-iinit ang pisngi ko? "Beu, maari ba kitang makausap?" Nakasalubong ko sa gate ng paaralan ang babaeng nagngangalang Margareth. Ayos na ako, pero kapag nakikita ko siya, naiinis ako. Bakit kaya? Hindi naman ganito noong una kaming nagkakilala ah? Natagpuan ko na lang ang aking sarili na nakatayo sa malawak na field ng paaralan kung saan sa dulo ay may net na para sa soccer. Nakatayo kami sa gitna noon. Kanina kasi ay tinawag si Ayan ng aming guro sa faculty room at ipapacheck yata sa kaniya ang activity namin kanina, kung kaya nauna na ako sa kaniya na umuwi. Ngayon, ano kaya ang kailangan ni Margareth sa akin? Hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi at ini-angat ang aking ulo para magtama ang aming paningin. Binigyan niya ako ng halik sa aking noo na hindi ko napaghandaan. Tila nagkaroon ng masayang huni ng mga ibon sa labas. Kahit ang ihip ng mainit na hangin ay hindi nakalagpas sa aking pandinig. Ang pakiramdam ng malambot niyang labi sa aking balat ay nagbigay ng kiliti sa loob ng aking tiyan. Tila ba'y may mga paro-paro na parito at paroon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD