Walking Away
"Walking Away"
Written by: Z. Potter
Longest One shot story na nagawa ko.
A one-shot story inspired by Me Before You.
---xxxx----xxxx----xxxx---xxxx----
Ang sabi nila kapag umabot na ang edad mo sa 22 'yon na ang simula ng pagtupad mo sa minimithi mong mga pangarap sa buhay pero paano naman ako? Hindi ako nakatungtong sa kolehiyo, high school lamang ang natapos ko, batid ko na siguradong mahirap ang daranasin ko sa hinaharap.
Inabot na'ko ng gabi sa paghahanap ng trabaho, may bitbit na shoulder bag at folder kung saan nakalagay ang napakaraming copies ng resume ko pero wala parin akong nahanap na trabaho, sino ba naman kasi ang tatanggap na kompanya sa isang high school graduate lang. At kung mamalasin ka umulan pa ng malakas at wala akong payong na dala. Basang-basa na ang damit na pinahiram saken ng nanay ko na mukhang noong 1980s pa.
'Yong make-up ko nalulusaw na din at para na akong isang babae na nagbebenta ng katawan pero walang customer. Hinubad ko ang deadly weapon na heels na hiniram ko sa kapatid ko. Sa sobrang tulis nito mukhang lulubog ako kapag nakatapak ako sa malambot na lupa ang lakas pa naman nang ulan.
Sumilong ako sa isang saradong tindahan at hinintay na humupa ang ulan.
Nilalamig na ako, wala ng masyadong tao sa labas. Habang nag-aantay sa paghina ng ulan pinagmamasdan ko lang 'yong mga mamahalin at magagandang damit na nakadisplay sa kabilang tindahan na katapat ng aking sinisilungan. Nakatulala lamang ako sa mga napakaeleganteng mga damit kahit na paminsan-minsan ay nahaharangan ito ng mga humaharurot na sasakyang dumaraan.
***
"Ano ate may trabaho ka na?" Tanong ng babae kong kapatid no'ng pagbukas ko pa lamang ng pinto.
Wala akong naisagot sakanya bagkus ay sumimangot na lang, siguro alam niya na rin naman ang kasagutan kaya dumiretso na ako papunta sa kwarto ko sapagkat sobrang nanginginig na talaga ang katawan ko dahil sa lamig.
Ganito kahirap ang buhay ko, ako ang panganay kaya kailangan kong tumulong sa mga magulang ko para makapagtapos ang mga kapatid ko at hindi magaya saken.
Nakatulog ako ng gabing iyon na ang daming umiikot na problema sa aking isipan. Paano kaya kami makakaahon sa kahirapan? Ginagawa ko na rin naman ang lahat... Hanggang kailan ako maghahanap ng trabaho? Ilan buwan pa ang gugugolin ko? Sabagay lahat naman ng tao may problema pagandahan na lang sa pagdadala.
***Kinaumagahan
"Tama nga talaga ang meaning ng LOVE para sa mga lalaki do'n sa isinulat ni Alesana_Marie.. LOVE-Legs Open Very Easily. Alam mo yang mga lalaki na yan parang larong Tetris, kapag nakapatong at nakascore na sa'yo bigla na lang maglalaho." Sabi ko sa kaibigan kong si Diane na binuntis lang ng boyfriend niya tapos iniwan.
"Hayop siya!! Akala ko mahal niya ako 'yon pala may iba pa siyang babae!! Iniwan niya lang ako na parang tae!!!" Umiyak iyak pa ang kaibigan ko habang sinusuntok ang kanyang unan. Nandito kami ngayon sa kwarto niya, tinext niya kasi ako kanina. Maghahanap pa naman sana ako ng trabaho pero kailangan ako ng kaibigan ko ngayon kaya pumunta ako dito.
"Pagkatapos niyang magpalabas ng semilya magpapakalayo siya ng milya-milya!! Bwisit siya!!!" Dagdag ni Diane sabay takip ng unan sa kanyang mukha na puno na ng luha.
Bakit ba kasi ang daming lalaking manloloko, 'yong tipong ang galing nila magtago ng sekreto!
"Hayaan mo na siya, hindi pa naman end of the world tutulungan kita... Bestfriend tayo di ba walang iwanan." Tugon ko kay Diane, grabe minahal niya pa naman talaga ang lalaking 'yon ng buong puso tapos lolokohin lang pala siya.
"Maraming salamat Sabrina buti na lang nandiyan ka..." Wika ng kaibigan ko. "Siya nga pala may naghahanap ng katulong, 'yong babae kasi diyan sa tapat ng bahay namin sinabihan kami. Gusto mo ba magtrabaho do'n?" Dagdag pa ni Diane.
Mukhang makakakuha na ako ng trabaho ngayon...
"Oo naman syempre, kahit anong trabaho basta h'wag lang ang pagiging pokpok." Tugon ko sakanya at hinawakan ko ang kanyang kamay dahil lubos akong nagpapasalamat.
"Sige, sasamahan kita.." Alok niya saken habang pinupunasan ang kanyang luha gamit ang kanyang kumot.
"Ako na lang. Dito ka muna.. Tingnan mo oh' namamaga pa yang mga mata mo dahil sa walang humpay na kakaiyak." Sagot ko sakanya at humayo na ako papunta do'n sa nangangailangan ng katulong. Sinabihan ko na rin naman si Diane na kapag kailangan niya ng makakausap i-text o di kaya'y tawagan na lang ako at darating ako sigurado 'yon.
Nagbell ako sa may harap ng mataas na puting gate at agad na rin akong pinapasok ng isang babaeng mukhang mayaman, sa suot niya pa lang malalaman mo na agad.
Ang laki pala ng bahay ng naghahanap ng katulong sa malawak na front yard pa lamang nito ay may nakita na akong tatlong kotse na nakaparada malapit sa hardin. Mapresko at luntian ang kapaligiran.
"So, why should we hire you?" Tanong agad no'ng babae pagkaupo namin sa sofa at parang living room yata nila.
Di niya man lang tinanong ang panglan ko o kung saang planeta ako galing. Siguro dahil hawak niya na 'yong resume ko at binabasa niya 'yon habang naglalakad kami papunta dito.
"Ahmmm.. It's because..ahhmmm" ano ba yan, marunong akong umintindi ng English pero hindi ako marunong magsalita ng lenggwahe na 'yon. Hindi ako mapakali, magkahawak ang aking mga kamay at pinipilipit ang mga daliri dahil sa kaba.
Bahala na si Lola Basyang basta sasagot na ako ng Tagalog.
"Dahil masipag po ako magtrabaho ma'am, masarap po ako magluto, malinis maglaba, mahusay malantsa ng damit, at pwede ko po kayong kantahan sa tuwing na-iistrees kayo Ma'am." Ang sagot ko sakanya at medyo napataas siya ng kilay.
"Not me.. You are going to serve my one and only son." Tugon nito saken na parang nag-aalinlangan na kunin ako.
"Pwede ko pong ipagtimpla ng masarap na kape o tsaa si Sir tsaka dedicated po ako sa trabaho ko. Marahil ay nagdadalawang isip kayo pero 15 years old pa lang ako, ako na ang nag-aalaga at nagbabantay sa mga kapatid ko." Sinabi ko sakanya ng buong tapang kailangan ko na talagang magkaroon ng trabaho.
Kinabahan ako sa mga sinabi kong 'yon sapat na kaya 'yon para tanggapin niya ko? Ang lakas ng t***k ng puso ko habang nag-aantay sa susunod na sasabihin niya.
"You're hired! You can start tomorrow. But now I have to let you meet my son." Sa sagot niyang 'yon halos lumundag ako sa tuwa. Sa wakas may trabaho na din ako.
Pumunta kami sa isang silid kung saan nakita ko ang isang lalaking nakawheel chair at may suot na braces sa kanyang leeg, nakatalikod siya samin nakatingin do'n sa malaking salamin na bintana at tahimik na nagmamasid sa labas ng bahay.
Humarap siya bigla papunta samin no'ng malaman niya na may tao na sa loob ng kwarto niya.
"Alexander, she is Sabrina. She will be the one to take care of you while me and your dad are working." Sabi sakanya ni Mrs. Malcolm at niyakap siya nito.
"Ok" maikling sagot ni Alexander, nakatingin lang ito ng diretso sakin na walang emosyon sa kanyang mukha.
Umikot kami ni Mrs. Malcolm sa bahay at ipinaliwanag niya ang lahat sakin. Si Alexander pala ay isang dating model ngunit dahil sa isang car accident nabago lahat ng 'yon. Itinuturing na second life niya na 'to dahil ang sasakyan niya pala ay nahulog sa isang mataas na tulay at swerteng nakaligtas siya at nalumpo lang.
Ibinigay sakin ni Mrs. Malcolm 'yong notebook kung saan nakasulat ang mga ipapainom na gamot sakanyang anak araw-araw. Sobrang dami nito at ang hirap basahin ng ibang gamot namimilipit muna ang dila ko bago ko ito mabigkas.
Nang maipaliwanag sakin lahat ni Mrs.Malcolm agad na rin akong umuwi sa bahay para masabi ko na rin sa mga magulang ko at sa mga kapatid ko na nakahanap na ako ng trabaho.
***
"Buti naman at may trabaho ka na. Sa wakas at makakatulong ka na rin samin." Wika ng aking ama habang kami'y nasa hapag at kumakain.
"Opo, 'yon naman po talaga ang gusto ko ang tulungan kayo." Tugon ko sa aking ama habang siya'y sumusubo ng pagkain.
"Congrats ate! Celebrate tayo sa kwarto mo mamaya ha!" Ang kapatid ko talaga, masyado siyang masayahin, kaunting kembot lang celebration agad.
Matapos naming kumain ay hinugasan agad namin ang mga pinagkainan at dumiretso na rin sa kwarto ko.
"Ano ba ate ang trabaho mo?" Tanong ng kapatid ko na nakaupo sa monoblock na upuan malapit sa may salamin.
"Magbabantay lang naman ako." Sagot ko sakanya habang naghahanap ng damit na pwede kong maisuot bukas.
"Magbabantay ng ano?"
"Nang mga sumuko nang drug user at drug p****r dahil sa sobrang takot kay President DU30." Pabirong sagot ko sa aking kapatid.
"Ate naman eh!!" At napakamot na lang siya bigla.
"Biro lang, magbabantay ako ng isang 26 years old na lalaki... Hindi niya kasi maigalaw ang kalahati ng kanyang katawan." Sagot ko sakanya at inilagay ko ang mga damit na nakahanger sa aking kama.
"Makasabog ovaries ba siya ate?" Tanong ulit ng kapatid ko at lumapit na siya sa akin habang ako'y namimili ng damit.
"Gwapo naman. Dati siyang model pero mukhang masungit." Sagot ko sa kapatid kong nangangalkal na rin ng damit.
"Naghahanap ka ng isusuot bukas? Ako bahala sa'yo ate, dapat medyo labas ang boobs tapos maikling short." Suhestiyon ng kapatid ko na lumabas at parang may kukunin sa kabilang kwarto.
Mga ilang sandali pa'y bumalik na siya na may dalang mga damit.
"Hindi naman ako p****k bat ganito isusuot mo saken?" Pilit ba naman kasi niyang pinapasuot sakin yung damit na sobrang hapit na hapit at short na sobrang ikli. Mas maigi pang mag bra at panty na lang ako kung ganito rin lang naman.
"Ako ka ba ate, uso yan ngayon 'yong damit na kita pati kaluluwa."
Haaay naku! Ganyan ang kapatid ko ang daming alam na kalokohan.
Hinubad ko pa rin naman 'yon tapos naghanap pa ng ibang damit. Nag-usap pa kami ng kapatid ko tungkol sa pag-aaral niya, nagpillow fight tapos natulog na no'ng pinagalitan kami ni tay dahil sa sobrang ingay.
***
"Good Morning Alexander!!" Bati ko sakanya no'ng pagkapasok ko pa lamang sa silid niya. Nakatitig siya sakin, tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa siguro ay dahil sa damit na suot ko ngayon. Nahanap ko kasi ito sa baul ni lola ginupit ko na lang at pinagpatong-patong at ayon para na akong K-POP ngayon.
Wala siyang isinagot grabe, isnober ang lalaking 'to.
"Gusto mong kape? Mamasyal? Umikot sa bahay o kaya sa hardin? O kaya manuod ng movie, makinig ng music. Gusto mo kantahan kita maganda ang boses ko."
"Ayoko." Maikling tugon niya at tumalikod na paharap sa bintana kung saan parati siyang nagmamasid.
Kasing haba ng buhok ni Rafunzel ang sinabi ko sakanya tapos ang sagot niya ay mas maikli pa sa shower bangs ni Dora!
Umikot ako papunta sa kanyang harapan upang makausap ko siya ng maayos.
"Bat ang lungkot mo? Sige ka magiging kamukha mo niyan si Doraemon." Pilit ko siyang pinapangiti subalit dahil sa sinabi kong 'yon napakunot bigla ang kanyang noo.
"Doraemon?" Sabi niya na may lubos na pagtataka sa kanyang mukha.
"Di mo kilala si Doraemon? Siya ang anak ni DORA at ng isang Pokemon. Lakwatsera kasi si Dora kaya ayon ang napangasawa niya ay isang Pokemon." Pabirong sabi ko sakanya, gusto ko lang naman siya ay tumawa ngunit dahil sa sinabi kong iyon mas dumami pa ang kunot sa kanyang noo.
Hindi niya yata alam ang mga pinagsasabi ko,para akong timang na nakasinghot ng sinunog na goma dito.
"Did my mom tell you na ayoko ng maingay sa kwarto ko? Kaya kung pwede lumabas ka na lang!" Pagalit na sabi niya habang nakaturo sa pinto ng kanyang kwarto.
Kaya ano pa nga ba? Lumabas na ako bago pa siya magalit ng husto. Mukhang sinalo niya lahat ng hinanakit ng mundo, masyado siyang suplado.
Hinayaan ko na lang siya sa loob ng kanyang kwarto habang ako ay naglilinis ng napakalaki nilang bahay.
Hindi ba siya nababagot do'n sa loob ng silid niya? Pwede ko naman siyang ipasyal kung saan niya gusto ngunit ayaw niya. Gusto niya lang yata na parating nakakulong at mapag-isa.
Lumipas ang mga araw na gano'n lang siya, parang babae na parating dinadatnan araw-araw, masyadong moody. Talo niya pa nga ang babae sa tuwing red days.
Gusto ko na nga siyang tanungin kong gusto niya ng napkin with wings pero syempre hindi 'yon pwede baka yun pa ang maging mitsa ng pagkatanggal ko sa trabaho.
Nagtiis ako sa pagiging masungit niya, sa pagiging suplado at irritable niya. Hindi ko siya sinukuan umulan at umaraw parati akong nagbabantay sakanya kahit na ipinagtatabuyan pa niya ako at kahit na ramdam ko na ayaw niya sakin.
Palagi kong binabasa 'yong notebook na ibinigay sakin ni Mrs.Malcolm, minimemorize ko kung ano ang saktong oras ng pag-inom ni Alexander ng sobrang daming gamot na nakalagay sa isang malaking kabinet. Magdamag kong binabasa 'yon mahirap na baka magkamali ako at mali talaga ang maibigay kong gamot sakanya.
***
Sobrang lakas ng buhos ng ulan ngayon kaya ito may dala akong makulay na payong at nakasuot ng bota.
Kanino kaya 'tong invitation letter na nakapatong sa mesa? Binasa ko iyon at para pala ito kay Alexander.
Mga ilang sandali pa ang lumipas ay may narinig akong ingay na mukhang galing sa silid ni Alexander kaya nama'y dali-dali akong tumakbo kahit na bitbit pa ang invitation letter at payong na tumutulo dahil sa tubig-ulan.
Nakita ko na sinisira ni Alexander ang lahat ng bagay sa loob ng kanyang kwarto, binasag ang mga salamin, ginulo ang kama, pinagtatapon lahat ng picture frames na nakadesign sa kanyang silid.
"Ano ba ang nangyayari sa'yo Alexander?" Tanong ko sakanya no'ng pagkapasok ko.
"Then, what do you want me to do? Magpaparty!!!? dahil nalaman kong ang dati kong girlfriend at ang bestfriend ko ay ikakasal na?!!!" Malakas na pagkakasigaw niya sakin, kita sa kanyang mamumugtong mga mata ang bigat ng emosyong kanyang nadarama.
"Tama na!!!" Tumakbo ako papunta sakanya at niyakap siya. Nakita ko kasing may mga sugat na siya sa kanyang kamay at umaagos na ang dugo. Dahil siguro 'yon sa bubog na nagsiliparan at nagkalat sa kwarto.
Bahagya siyang napatigil dahil sa yakap ko. Hinihingal siya dahil sa sobrang galit, ramdam ko ang mabilis na pagpintig ng kanyang sawing puso.
"Alam kong mahirap pero may mga bagay talagang hindi nakalaan para sa'yo ngunit asahan mo na merong darating diyan na kayang tanggapin ang mga pagkukulang mo." Sambit ko sakanya kailangan niya yata ngayon ng taong magkocomfort sakanya, parati lang kasi siyang nag-iisa.
Yumakap na din siya sakin pabalik at tuluyan ng umiyak. Sino ba naman kasi ang hindi? 'yong girl friend mo magpapakasal na sa taong parati mong kasama, sa bestfriend mo. Walang katumbas ang sakit no'n.
"Wala namang masama sa pag-iyak Alexander, ilabas mo lahat ng pighati na nadarama mo. Alam kong lubos kang nasaktan." Hinaplos ko ang kanyang likuran, umagos na ang kanyang luha patungo sa aking balikat at naramdaman ko na ang lamig nito.
Pwede naman sana magpaparty, despidida party sa dating feelings niya do'n sa babae.
"Hindi mo alam kung gaano ko siya minahal, nagbreak agad kami dahil naging ganito na ako, isang lumpo. Iniwan niya agad ako kinalimutan niya agad ang ilang taon naming pagsasama."
Bakit ba lahat na lang ng nakakasalamuha ko ay naiiwan? Una si Diane at ngayon naman si Alexander.
"Marahil ay may ibang plano sa'yo ang Diyos, kalimutan mo na din siya, kaya nga ang mata ay nakalagay sa harapan para tingnan ang bagong dumaraan, hindi para balikan at iyakan ang mga nakaraan. Attend ka ng kasal niya sasamahan kita, ipakita mo masaya ka para sa kanila, ipakita mo na hindi siya isang kawalan, ipakita mo na kahit na aksidente ka patuloy kang lumalaban dahil matapang ka." Wika ko sakanya at medyo napatahan ko siya.
"I think your right, dahil mahal ko siya hahayaan ko na siyang maging masaya. Who will still choose to love me, a man sitting on a wheelchair na kailangang bantayan." Tugon niya sakin at bumitaw na sa pagkakayakap.
Pumayag siya na dumalo sa kasal ng kanyang kaibigan. Matapos ang pangyayaring iyon medyo naging mabait na rin siya sakin at kinakausap na niya ako parati.
Day off ko ngayon kasi Linggo ang mga magulang ni Alexander ang magbabantay sakanya ngayon.
"Yan kasi hindi mo siya binigyan ng Trust!" Sabi ni Rhea kay Diane. Nasa loob kami ngayon ng kwarto niya talagang nag mukmok na siya dito at madalang nang lumabas dahil sa nangyari sakanya.
"Sobrang pagtitiwala ko sakanya kaya nangyari to, akala ko pangangatawanan niya 'to." Tugon sakanya ni Diane na nagsusuklay nang buhok.
"What I mean 'yong kapote. Kung may tiwala ka sakanya bigyan mo siya ng Trust condom shunga!! Eh di sana hindi ka ganyan ngayon." Palokong sagot ni Rhea, gusto niya rin yata mapasaya si Diane.
"Loko! Akala ko kung ano na!!! Mas mahirap makabuo nito PAG t**i WALA!!!" Sabi ni Diane, tapos nagtinginan kaming tatlo sabay tawa ng malakas.
Haaaay naku ganyan kaming tatlo kabaliw pagmagkakasama.
"Oy! Sabrina ang gwapo pala ng binabantayan mo ngayon, yung nakatira diyan sa kabilang bahay." Saad ni Rhea "Tiningnan ko nga 'yong dating magazine kung saan siya nag momodel grabe ang gwapo!!! Hindi ko namalayan nalaglag na pala ang panty ko sa kakatitig sa picture niya."
"Sus! Don't me?! Bat di mo sinama pati napkin? Panty lang talaga?" Pabiro ding wika ni Diane sabay hampas sakanya ng malambot na unan.
"Ano ka ba!! Hindi ko red days that time kaya no need na ng gano'n" tugon ni Rhea " Balita ko ikakasal na daw 'yong dating girl friend niya sa best friend niya."
"Oo nga eh' naawa ako sakanya sobra talaga siyang naapektuhan."
"Kasi nga sino ba naman ang gustong nagpakasal sa isang lumpo? Wala kang mapapala sa taong paralisado." Ang sinabi ni Rhea na medyo nag-painit ng aking ulo.
"Porket ba lumpo siya wala na siyang karapatang maging masaya? Puso ang tumitibok hindi ang mga paa kaya nakakaramdam pa rin siya." Naiusal ko na lang bigla, na nagpatahimik sa kanilang dalawa.
" Relax, ang BP mo..." Sambit ni Rhea at 'yong dalawa ay parang gustong matawa.
"Pasensya na nadala lang ng emosyon, syempre ako kaya ang nagbabantay do'n kaya alam ko nadarama niya."
Labis yata silang nagtaka sa naging reaksyon ko. Nagpatuloy ang aming kulitan sa loob ng kwarto ni Diane, kwentuhan ng mga bagay-bagay tungkol sa aming buhay minsan na lang kaming tatlong makompleto hindi kagaya no'ng high school pa lang kami.
***
"Magandang umaga Alex!!" Bati ko kay Alexander na parang may pinapanuod sakanyang laptop at agad niya itong isinara.
"Gusto mo ipasyal kita?" Alok ko sakanya habang naglalakad papunta sa likuran niya.
"Sige tara!" Masayang tugon niya sakin tapos pinaandar na niya ang kanyang wheelchair at nauna na sakin.
Sinundan ko siya papuntang hardin doon sa pinakalikod kung saan malalasap mo ang lamig ng hangin, ang hininga mula sa luntiang mga d**o at halamang umuosbong ang mga mahalimuyak na puti at bughaw na bulaklak.
"Dito ang pinaka paborito kong lugar kasi it looks like the garden where I first met my girl friend. We both wish here in this wish-granting well." Pumunta kami sa isang lumang balon na napapalibutan na ng tuyong dahon at mga bulaklak.
"Ang ganda ng lugar na'to, napaka kalmado." Tugon ko sakanya habang ako'y tumatakbo at hinahabol siya.
"Bakit ba pumayag ka na bantayan ako?" Tinanong niya ako no'ng maabutan ko siya.
"Kasi kailangan ko ng pera para sa pamilya ko. At wala na akong mapapasukang ibang trabaho." Ang sagot ko sakanya tapos humarap siya sakin.
"Ano ba talaga ang pangarap mo?"
"Gusto kong maging isang fashion designer pero malabo nang mangyari 'yon." Tugon ko ulit sa katanungan niya at mas lumapit pa siya sakin.
"Kaya pala para kang makulay na fireworks, dahil diyan sa mga suot mo para kang clown." Sabi niya sabay ngiti.
"Clown mo naman talaga ako, kasi gusto ko parati kang masaya." Sa wakas at ngumiti rin siya, ang hirap niya kayang pangitiin parati kasi siyang nakangiwi.
"Para kang nakakulong. Alam mo ang kahirapan ay hindi dapat maging hadlang para maging malaya ka. Tingnan mo ngayon nakasunod ka lang sakin imbis na malaya kang nagpapakasaya at gawin lahat ng gusto mong mga bagay."
Nasasabi niya lang yan kasi ubod sila ng yaman paano mo naman matutupad ang mga pangarap mo kung wala kang pera? Pera ang kailangan para makapag-aral ako.
"Hindi ko na iniisip ang mga bagay na 'yon. Para na lang 'to sa mga kapatid ko."
"Here get this gold coin." At kinuha ko din naman agad iyon.
"Hindi tinutupad ng wishing well na 'to kapag humiling ka para sa sarili mo dapat iba ang gumawa nito para sa'yo." Dagdag niya pa at lumapit na kami sa bukana ng balon.
"Sige ako ang hihiling para sa'yo." Sambit ko sakanya sabay tingin sa gintong barya.
"Then I will be the one to fervently wish for you too." Tugon niya sa akin.
Ako ang naunang humiling at naghulog ng barya sa balon saka naman siya sumunod.
"Anong hiniling mo para sakin?" Tinanong niya agad ako no'ng matapos niya ihagis ang barya sa matandang balon.
"Hiniling ko na sana mahanap mo 'yong babaeng magpapaligaya sa'yo, 'yong babaeng tatanggapin ka ng buong puso." Sagot ko, wala na rin naman akong ibang mahihiling sakanya meron na siya ng lahat, madaming pera, magagarbong damit, mamahaling sasakyan at malaking bahay. "Ano naman hiniling mo para sakin?" At tinanong ko rin siya.
"I wish that all your dreams will come to reality." Tugon niya sakin.. "Hahahahahaha!!! Grabe para tayong mga bata na naniniwala sa wish-granting well." Totoo ba 'to tumatawa na siya?
"Ok lang 'yon 'no. Wala namang masama."
"Ahaahahaha. Tama ka wala namang masama do'n. Salamat Sabrina at naramdaman ko ulit ang maging bata parang 'yong dati." Wika niya sabay ngiti sakin. Nananaginip ba ako? Tinawag niya ako sa pangalan ko. ^_^√
"Pasok na tayo sa loob, shave natin yang mahahaba mong balbas para ready ka na sa pag-attend ng kasal bukas."
Pumayag na siya at siya na mismo ang nagpagalaw ng kanyang wheelchair, hi-tech kasi ito kaya kahit wala ng tumutulak ay kaya niya itong paandarin sa pamamagitan lamang ng pagpindot ng mga buton.
Wala siyang reklamong nagpashave sakin at nakatingala lang siya para mas mapadali ang ginagawa ko, hindi niya na siguro naasikaso ang sarili niya dahil sa kawalan ng self-esteem.
"Oh di ba? Ang gwapo, gwapo mo na ulit." Sabi ko sakanya, nabigla ako sa sinabi ko baka ibang isipin niyang kahulugan no'n.
"Thank You Sabrina! Pwede ba paliguan mo rin ako?" Utos niya sakin sabay ngiti na may halong kung anong hindi ko mawatasan.
Ako ang magpapaligo sakanya? My ghaaad!!!
"Virgin pa ang mata ko sa mga ganyan! Ayoko..."
"Ibig mong sabihin mata na lang ang virgin sa'yo? Nakipagsex ka na pala." Iba ang iniisip nitong si Alexander. Napasmirk pa siya.
"Hindi ahh' wala nga akong boyfriend tapos makikipag-ano." Sagot ko sakanya sabay talikod.
"You mean kapag may boyfriend ka there's a possibility na mag gano'n agad kayo?" Ang kulit talaga neto ni Alexander, may pagkaloko din eh.
Mukhang wala akong laban sa mga katanungan niya, sunod-sunod at 'yong mga tanong na hindi ko pa kayang sagutin.
"Haay naku Alexander Napoleon Malcolm!! Tara na nga!" Pumayag na ako dahil sa palagay ko'y hindi niya ako titigilan hangga't hindi napapapayag.
"Yes!!!" Masayang pagkakasabi niya. Ano kayang balak nitong si Alexander? May pagkapilyo din kasi eh.
Tinulungan ko siyang makaalis sa wheelchair papunta sa cr at pinaupo sa isang plastic na upuan na kinuha ko kanina.
Hinubad ko ang suot niyang T-shirt, naging iba na rin ang hubog ng kanyang katawan dahil sa kawalan ng ehersisyo at dahil sa parati na lang siyang nakaupo. Nawala na ang six-pack abs niya at 'yong dating perpektong hubog ng kanyang dibdib. At ang natirang saplot niya sa katawan ay shorts na asul na lamang.
Pinaluguan ko siya gamit lamang ang isang tabo dahil kung sa shower pwede din akong mabasa. Ako ang nagsabon sa kanyang katawan, nakakailang nga, 'yong tipong ako yung humahaplos sa lahat ng parte ng kanyang katawan maliban na lang do'n sa parte na iniisip niyo ngayon.
****
"Ingat! Mahahawakan mo na 'yong ano ko!" Natapos ko na siyang paliguan at binibihisan ko na siya ngayon.
Muntik ko na yatang matamaan 'yong ano niya, nakapikit kasi ako habang binibihisan siya, syempre kapag nakadilat ako malamang kitang-kita ko na ang ano, basta 'yong ano niya.
"Idilat mo kasi yang mga mata mo." Wika niya sakin at parang natatawa siya , ramdam ko sa boses niya.
"Ewan ko sa'yo gamitin mo kaya yang isang kamay mo, nang makapagbihis ka na." Suhestiyon ko sakanya habang nakapikit pa rin ang aking mga mata.
At nang maisuot niya na ang karsonsilyo at shorts niya makalipas ang ilang taon ng kapaan.. Jusko! Iminulat ko na ang aking mga mata at binihisan siya ng puting t-shirt.
Madami kaming ginawa ng araw na iyon nanuod kami ng mga movies, ayaw niya ng love story kaya namili ako ng ibang genre, tapos no'n tinuruan niya ako magsalita ng English at ipinangako niya sakin na araw-araw niya daw akong tuturuan hanggang sa maging matatas na akong magsalita ng wikang 'yon.
6 pm umuwi na ako samin, dumating na kasi 'yong mga magulang niya at sila naman ang magbabantay kay Alexander.
Sa bahay ang kulit na naman ng kapatid ko naghahanap kasi ako ng damit na pwede kong isuot para bukas.
"Ooyyyyy si Ate may date bukas kay Kuya Alexander! Ako mag-aayos sa'yo ate ha..." Alok sakin ng kapatid ko habang pinagmamasdan ako na palit ng palit ng combination ng damit hindi ko kasi makuha 'yong tamang terno.
"Hindi kami magdidate, aattend kasi kami ng kasal bukas ni Alexander." Tugon ko sakanya sabay palit ulit ng damit, nasa harap ako ng malaking salamin.
"Sana sa susunod kayo naman ang ikasal ate! Bagay kasi sa pangalan mo 'yong apelyido niya... Sabrina Laine Malcolm! Oh di ba parang yayamanin!" Kapatid kong 'to kapag bagay ang apelyido sa pangalan gano'n-gano'n lang?
Ibang usapan ang kasal, hindi lang yan kapag maganda sa pandinig habang binibigkas mo ang pangalan mo kasama ng kanyang apelyido.
"Samantha hindi biro ang magpakasal." Sagot ko sakanya sabay palit ulit ng damit.
"Sige ate matutulog na ako! Ako magcurl ng mahaba mong buhok bukas ah!" Sabi niya saken at pumunta na patungo sa kanyang kwarto dahil mag-10:30 pm na pero wala pa rin akong nahahanap.
****Kinabukasan
"Yan ate ang ganda mo na diyan sa big curls ng hair mo, ayan kaunting dampi ng foundation, kaunti blush on lang para di ka mag-mukhang clown, kaunting maskara, pink glossy lipstick sabay lagay ng lipliner. Congrats ate mukha ka ng babae!" Loko talaga 'tong kapatid ko ako na naman 'yong nakita.
"Anong akala mo sakin lalaki?"
"Biro lang ate! Hahaha basta ang isipin mo kayong dalawa ang ikakasal para maging masaya si Kuya Alexander. Sige na ate humayo kana at magpakarami ay este pumunta ka na kay prince charming mo maging happy." Iba talaga 'tong kapatid ko, ang daming alam.
Kaya naman pumunta na ako sa bahay nina Alexander walking distance lang naman kasi 'yon galing sa bahay namin.
Nakita ko siya, si Alexander na malungkot at nakasimangot, nakasuot na siya ng tuxido, binihisan na yata siya ng parents niya.
Naglakad ako papunta sa harap niya at kumanta...
"May tatlong bibe akong nakita, malungkot, masungit , Alexander..."
"Itigil mo nga yan... Hahahaha ang panget mong sumayaw nakakaasiwa. Hahaha" sabi ni Alexander, buti na lang at napatawa ko siya. Sumayaw kasi ako na parang patong ikinakampay ang mga pakpak.
"Ba't ba kasi ang lungkot mo? Dapat masaya lang tayo."
"You're right. Isuot mo na 'yong damit mo na ipinabili ko para sa'yo." Kinuha ko 'yong isang malaking kahon na nakapatong sa kanyang kama.
Nagpasalamat ako sakanya at humanap na ng kwarto kung saan pwede akong makapagpalit ng damit.
****
"Ayos na ba?" Tanong ko kay Alexander no'ng bumalik ako sa kanyang kwarto dahil sa ako'y nakapagpalit na ng damit.
Suot ko ngayon ang isang royal blue na dress, at parang mas pinaputi pa ako nito, nagpalit rin ako ng necklace, ngayon ay suot ko na ang isang silver na kwintas na may cerulean amethyst sa gitna at may kapares din itong mga magagandang hikaw. Nagpalit din ako ng heels, puting heels accented with shining silver na sobrang bagay sa damit na suot ko ngayon.
"Wow! You're beautifully awesome!You look perfect!" Sabi ni Alexander na namilog ang mga mata nang makita ako.
"Tara na! Baka mahuli tayo!" Wika ko sakanya at sabay na kaming lumabas papunta sa parte kung nasaan ang kanilang kotse.
Magkahawak ang aming kamay habang papunta sa simbahan palagay ko'y kinakabahan siya, magiging napakasakit nito para sakanya ang makita na ikakasal ang taong mahal niya sa matalik niyang kaibigan, 'yong tipong parang pinagtaksilan ka nilang dalawa.
Pagdating namin sa loob ng simbahan ang daming taong mayayaman, napakabuhay ng paligid, punong-puno ng bulaklak ang simbahan, at mararamdaman mo talaga ang pagmamahalan.
Nagsimula ang seremonya na relax lang si Alexander dumaan sa gitna ang ring bearer, flower girl, mga abay, at si Adelaine, ang babaeng dating naging kanya, hanggang sa umabot 'yong oras na maghahalikan na 'yong dalawa.
Pinagmasdan ko si Alexander, ipinikit na lamang niya ang kanyang mga mata para iyon ay hindi niya makita.
*Sa Reception
Ang ganda ng reception nila napakaelegante, ang sasarap ng mga pagkain at desert, para akong nasa loob ng isang mamahaling restaurant na pinalamutian pa ng mga mabangong bulaklak.
Meron ring malaking space sa gitna kung saan pwedeng magsayaw.
"Sayaw tayo Sabrina." Niyaya ako ni Alexander na sumayaw habang iniaabot ang kanyang kanang kamay.
Hinawakan ko naman ito bilang isang simbolo nang pagpayag na gusto ko ring sumayaw kasama siya.
Now Playing: Love Me Like You Do
Paikot-ikot kaming sumayaw hindi inalintana ang mga taong pinanunuod kami, at walang pakialam sa kanilang sasabihin. Naupo ako sa tabi niya meron pa rin naman kasing space sa wheelchair. Nakatingin lang kami sa isa't-isa nakangiti at tumatawa. Sobrang saya namin ng gabing iyon. Pagod kami pero masaya naman.
No'ng nagpahinga kami lumapit samin si Adelaine , kinumusta kami at nagpasalamat.
"Thanks sa regalo mo Alexander 'yong... 'yong..."
"Mga pinggan! Yun!" Hindi matapos ni Adelaine ang kanyang sasabihin kaya si Alexander na ang dumogtong.
"Oo, salamat sa mga pinggan mo ang gaganda!" Sabi ni Adelaine at umalis na rin naman agad.
Nagtinginan kaming dalawa ni Alexander sabay tawa, hindi naman kasi mga pinggan ang iniregalo niya kundi mga mamahaling tasa.
Umuwi kami sa bahay nila na sobrang saya, mukhang darating ang panahon na makakalimutan niya din si Adelaine.
"Thanks pala sa damit na ipinahiram mo sakin. Lalabhan ko na lang tapos isasauli ko sa'yo sa makalawa." Sabi ko sakanya no'ng nakapagpalit na ako ng damit. "Ito na pala 'yong hikaw at kwintas." At iniaabot ko na sakanya ang mga iyon.
"Para sa'yo talaga 'yon. Ano ka ba? Ang ganda mo nga noong suot mo 'yon. Huwag mo ng isauli." Sagot niya sakin sabay ngiti. "Thanks for making me so incomparably happy tonight Sabrina! I haven't felt anything like this before." Dagdag niya pa at niyakap ako ng mahigpit. Halatang-halata sa kanyang mukha ang kaligayahan.
"Yun ang dahilan kong bakit ako nandito, ang pasayahin ka." At niyakap ko rin siya pabalik. Labis akong nagpapasalamat kasi masaya siya ngayon, iba rin sa pakiramdam na 'yong inaalagaan mo ay masaya.
Umuwi ako sa bahay namin na may lubos na kagalakan. Sana mag tuloy-tuloy na 'to, ang maging masaya siya at hindi niya maramdaman na nakaupo lang siya sa wheelchair.
***Kinabukasan
"We are so thankful na ikaw ang nakuha naming mag-alaga kay Alexander. He changed a lot. Hindi na siya gaya ng dati na parating galit at ayaw lumabas ng kwarto." Sambit sakin ni Mrs. Malcolm, nakaupo kami ngayon sa L-shaped couch dito sa sala na limang beses ang laki sa bahay namin.
"Wala po 'yon. Iyon naman po talaga ang trabaho ko at ayoko pong biguin kayo sa mabilis na pagtanggap sakin." Tugon ko kay Mrs. Malcolm na katabi ang kanyang asawa.
"And because of that we'll gonna help you look for another job that you are very much suited." Saad ni Mr.Malcolm. ano ba ang gusto nilang sabihin? Gusto na ba nila akong paalisin?
"Ayos na po ako sa trabaho kong ito." Sagot ko sa daddy ni Alexander.
"Alam mo kasi hija..." Mabagal at malumanay na sabi ni Mrs. Malcolm, nag-iba ang ekspresyon ng mukha no'ng mag-asawa, nag-iba din bigla ang atmosphere ng paligid na napuno ng kalungkutan. "Alexander already decided about this few months ago, gusto niya ng manahimik kapag ikinasal na lahat ng kaibigan niya. Wala na rin naman daw na magkakagusto sakanya kaya gusto niya ng mamatay sa legal na paraan." Paliwanag ni Mrs. Malcolm na bigla na lang naiyak at niyakap na rin naman agad siya ng kanyang asawa.
Sino ba naman ang hindi maiiyak na ang kaisa-isa mong pinakamamahal na anak ay pinili nang mamatay? 'Yong anak na naging rason na rin nila para mabuhay.
"Bakit niyo naman po siya pinayagan? It is good as suicide." Wika ko, labis ang pagpintig ng puso ko dahil sa kaba. Marahan na ring namumuo ang mga butil ng luha sa aking mga mata.
"Because he insisted, ayaw niya na daw na mahirapan siya at pati rin kami. Nawalan na siya ng pag-asa." Tugon sakin ni Mr.Malcolm.
"Paano kung maiba ang desisyon niya, 'yong pipiliin niyang mabuhay pa hanggang sa Diyos na lang ang kumuha sakanya?" Alam kong meron pang pag-asa na magbago ang desisyon niya.
"Please help us Sabrina.. Ayaw pa naming mawalay sa nag-iisa naming anak."
Three months na lang at pupunta na sila sa ibang bansa kung saan legal ang gustong gawin ni Alexander.
" Nandito ka na pala Sabrina?" Wika ni Alexander na pumasok na rin sa sala. Agad na pinunas ni Mrs. Malcolm ang kanyang luha.
Nag-paalam 'yong mag-asawa sa kanilang anak at agad na rin namang umalis dahil may trabaho pa sila at mukhang late na.
***
Lumipas ang mga araw at parati niya akong tinuturuan mag English at parati rin akong gumagawa ng paraan para mas madagdagan pa ang kanyang rason para manatili sa mundo at mabuhay.
Parati rin kaming nagkukwetohan tungkol sa sarili namin.
"Alam mo no'ng bata ako parati akong sumasali sa mga singing contest pero ni minsan hindi nanunuod o sumusuporta ang mga magulang ko hindi kagaya sa ibang contestant na after ng performance nila, may yumayakap sa kanila sa backstage at sasabihing 'ang galing mo anak'. Wala raw kasi akong mararating sa pagkanta kaya itinigil ko. Ikaw maswerte ka kasi mahal na mahal at suportado ka ng mga magulang mo kaya huwag na huwag mo silang iiwan." Mga naiusal ko sakanya. Nandito kami sa paborito niyang lugar sa hardin dinadama ang masarap na simoy ng hangin.
"You should walk by your own feet never let anyone dictate where you should go." He answered back nang nakatingin ng maigi sakin. "Natupad ko lahat ng gusto ko kasi naging malaya ako ngunit iba na ngayon nakakulong na ako sa bakal na wheelchair na'to." At nalungkot na siya, siguro dahil ay naisip at naalala niyang muli 'yong nakaraan kung saan nagagawa niya lahat ng gustohin niya.
Ginawa ko lahat-lahat, nagbasa ng mga inspirational book kahit abutin ng magdamag at inalam ko lahat ng ginagawa niya noong hindi pa siya naaaksidente.
Isang buwan na lang at pupunta na sila sa ibang bansa, noong makakuha ako nang tsempo binuksan ko 'yong laptop niya habang siya'y natutulog at nakita doon 'yong mga pictures niya noon, mga larawan ng kahapon.
Dati pala siyang nagsusurfing, nagswimming at nagscuba diving. So nakaisip ako ng paraan para magawa niya ulit ang mga iyon.
Kinausap ko ang mga magulang nya na pumunta kami sa isang resort o kaya island at ipaexperience ulit sakanya ang mga dati niyang nagagawa noon. At pumayag rin naman sila pero hindi daw makakasama ang dalawa sapagkat pareho silang may trabaho.
****
"Tara na ate!! Bilisan mo!" Sigaw ni Samantha na may bitbit na naglalakihang bag at naglalakad na papasok sa private plane na sasakyan namin patungo sa island.
Pumayag sina Mr.Malcolm na isama namin si Samantha dahil nagpumilit talaga ito.
"Papunta na kami diyan." Tugon ko sakanya habang kami'y ni Alexander ay nagpapaalam sakanyang mga magulang.
Pumasok na kami ni Alexander sa plane at si Samantha ay nakaupo na at nakaheadset pa.
Meron ding parang steward sa loob para magsilbi samin, wala rin naman kasi akong alam dito sa plane na'to baka kung ano pa ang madampot ko at magcrash na lang bigla ang plane na sinasakyan namin.
Iniwan ko muna si Alexander dahil parang may iniisip siyang malalim kaya naman ay tumabi muna ako kay Samantha malapit sa may bintana. Pinagmasdan ko ang ulap at ang mga bagay sa ibaba na kasing liit na lamang ng mga langgam.
Makalipas ang ilang minuto..
"BwaAERrrErAaaHhaaa!!!"
"Ano ba yan ate ang baboy mo!! Buti na lang talaga at may plastik akong dala dito." Wika ng kapatid ko at ibinuka na niya ang plastic sa harap ko dahil nasuka na lang ako bigla.
Nahilo ako at humiga sa malambot na upuan..
"Kuya Alexander gusto mo ng lugaw? Ito ohh may dala ako." Sabi ni Samantha kay Alexander. Nakapagdala pa talaga siya ng lugaw.
"Anong lugaw?" Parang hindi alam nito ni Alexander kung ano 'yon.
"Ito yun!" Sagot ng kapatid ko at itinaas ang plastik kung saan nakalagay ang suka ko.
Kaya naman bigla akong napatayo sa kinahihigaan ko at hinila pabalik si Samantha.
"Mas baboy ka pa sakin.. Bat mo ibibigay yan? Suka ko yan di ba? "
"Oh di ba ate nawala 'yong pagkahilo mo, kaya don't me! Magpasalamat ka sakin." Tugon ni Samantha, sino ba naman ang hindi makakatayo agad sa ganoong sitwasyon? Nawala nga 'yong pagkahilo ko. "Wala naman akong balak na ibigay yun sakanya, bibiruin ko lang siya." Dagdag pa ni Samantha.
Nagpatuloy na kami sa pag-uusap dahil hindi na'ko nahihilo. Pumunta na rin kaming dalawa ni Samantha kay Alexander at nagkulitan hanggang sa makaabot na kami sa aming destinasyon.
***
"Hindi ko kaya... Ayoko! Nakakatakot!" Sabi ko kay Alexander na nakaupo lang sakanyang wheelchair habang ayon si Samantha nag scuba diving na.
Pinipilit ako ni Alexander na gawin ko daw iyon para maging masaya siya.
"Magagawa mo lahat Sabrina! Maniwala ka sakin. Papanuorin na lang kita mula dito sa bangka." Pinapalakas pa ni Alexander ang loob ko.
Kaya habang nasa likod ko ang mabigat na oxygen ay lumubog ako pailalim. Marami akong nakitang ibat-ibang uri ng isda at makukulay na korals kitang-kita ko ang mga iyon dahil sa malakrystal na tubig-dagat. Ang ganda pala sa ilalim parang ibang mundo ang pinagmamasdan ko.
"Ang ganda Alexander!!!" Tuwang-tuwa ako na sinabi 'yon sa kanya.
"Gawin mo lahat ng gusto mo Sabrina, maging malaya ka, abutin mo lahat, experience mo lahat." Sabi sakin ni Alexander at may gumuhit na lang na matamis na ngiti sa kanyang mga labi.
Kasama ko siyang nag sun bathing sa gilid ng dalampasigan naririnig ang halakhak ng mga alon sa dagat. Magkasama kaming nagswimming at inalalayan ko siya, magkasabay kaming lumubog pailalim sa napakalinis na dagat habang pinagmamasdan ang mukha ng isa't isa, nakangiti pa rin siya sakin habang dumadaan ang mga bula mula sa kanyang bibig. Nagsurfing din kami grabe ang saya naming dalawa. Sana talaga mabago pa ang desisyon niya.
Dumaan ang mga araw at paulit-ulit namin ginawa ang mga bagay na 'yon. Magkatabi kami sa kama kasi ayaw niyang iwan ko siya.
**after 3 days
Nasa may dalampasigan kami at pinagmamasdan ang napakalaking bilog na buwan katabi ang mga nagniningning na bituin sa kalangitan habang ang maliliit na alon ng dagat ay umaabot sa aming paanan.
"I want to say something to you Sabrina." Sambit niya na may napakaseryosong mukha. Kami na lang ngayon ni Alexander ang magkasama si Samantha kasi ay natulog na.
"Ako din. May gusto din akong sabihin sa'yo Alexander. H'wag mo ng ituloy ang balak mo maraming nagmamahal sa'yo." Sabi ko sakanya at hinawakan ko ang kanyang mga kamay at inilagay ito sa mga pisngi ko.
"Nalaman mo na pala. Sinabi na pala nila sa'yo. No one can change my decision Sabrina." Sagot niya sakin pero naiiyak na ako sa panahong iyon.
"Alexander, don't think that you are unfortunate at magpapakamatay ka na lang, just think that many people are happy because you exist. Masaya akong makita ka. Masaya akong makasama ka." Tugon ko sakanya at may namumuo nang butil ng luha sa gilid ng aking mga mata. "Gusto kong makita kang parating masaya. Gusto kong tuparin 'yong hiling mo."
"Natupad mo na 'yong hiling ko Sabrina, the day that you started serving me is the day that I started to realize the true meaning of life. You've already granted my wish years ago which is to be incandescently happy and be free. Sobra mo akong pinasaya Sabrina. You made me truly happy which I didn't experience before. Ang makilala ka Sabrina ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko." Sa sinabi niyang 'yon tuluyan ng tumulo ang luha mula sa aking mga mata.
"Pero bakit gusto mo pa ring mamatay!! Masyado kang makasarili! Alam mo ba kung anong ginawa ko para lang maiparamdam ko sa'yo na masaya ang mabuhay sa mundo. Halos gabi-gabi natutulog akong sobrang pagod dahil sa kakabasa ng tamang oras ng pag-inom mo ng gamot dahil ayokong magkamali at mamatay ka, ginawa ko lahat sumayaw, kumanta at nagpatawa kahit para na akong baliw mapangiti lang kita. Tapos iiwan mo lang pala ako." Patuloy na umagos ang mga luha papunta sa aking mukha, nalalasahan ko na ang dagat. Naiiyak na rin Alexander.
"Sa tingin mo ba maaatim ko na makita kang ikakasal sa ibang lalaki? Makakaya ko kayang tunghayan ang paghahalikan niyong dalawa? Magugustuhan ko kayang kinakantahan at sinsayawan mo ang lalaking makakasama mo habang-buhay? Hindi ko kayang makita kang kasama ng ibang lalaki dahil mahal na mahal na kita Sabrina." Umiyak na rin siya ng tuluyan, nanginginig na rin ang kanyang boses, ramdam ko 'yong sakit dahil iiwan niya din ako sa kabila ng pagsasama namin ng ilang buwan.
"Mahal din naman kita Alexander!!"
"I don't want to be selfish, ayokong ipagkait sa'yo ang pagiging malaya. Gusto mo bang mapangasawa ang isang lumpo? Ang isang inutil? Hindi mo magagawa lahat ng gusto mo kapag kasama mo ako." Ramdam ko lahat ng hinanakit, hapdi, at kirot sa bawat salitang kanyang binibigkas.
"Hindi! Makasarili ka! Makasarili ka!" Sigaw ko sakanya kaya habang pinupunas ko ang aking luha sa pamamagitan ng aking braso ako'y tumatakbo papalayo sakanya. Hindi ko na kaya ang sakit sa loob ng puso ko.
"Sa langit man o impiyerno ikaw pa rin ang iisipin at mamahalin ko!!" Sigaw niya din sakin bago ako nawala sa kanyang paningin.
***
Habang papauwi hindi kami nagpansinan ni Alexander tanging si Samantha lamang ang tumutulong sakanya.
At kahit sa eroplano ay wala kaming imik na dalawa.
"What happened Sabrina?" Tanong ni Mrs. Malcolm ang tono ng kanyang boses ay parang nag-aantay ng maganda at positibong kasagutan.
Hindi na ako sumagot , tumalikod na lang ako bitbit ang aking bag at tumakbo habang umiiyak. Marahil ay alam na rin naman nila ang sagot, binigo ko silang dalawa.
Sumunod na rin sakin si Samantha at umuwi na sa bahay.
"Salamat at may trabaho na rin kami ng nanay niyo." Wika ng aking ama no'ng pagkapasok namin sa pinto pero tuloy-tuloy pa rin akong nagtungo sa aking kwarto.
Isinarado ko ang pinto. Nagpalit ako ng damit at humiga sa aking kama sabay talukbong ng kumot. Dati si Diane at Alexander ang iniwan, ngayon ako naman. Iiwan ako ng taong natutunan ko na ring mahalin, ng taong pinaglaanan ko ng oras ko at itinuring na higit pa sa isang trabaho. Ginawa ko lahat para sakanya pero mas pinili niya pa ring iwan ako. Umaagos pa rin ang luha sa mga mata ko at hindi ko iyon mapigil. Pilit kong pinapahinto ang luha, ang sakit, ang kirot ngunit iba ang lalim ng sugat na idinulot niya.
***
Dumaan ang mga araw nabalitaan ko na lang na pumunta na sila sa ibang bansa. Wala na akong magagawa. Umalis na siya.
Pinipilit kong maging masaya ngayong kaarawan ko, pinipilit kong kalimutan siya. Heto ako ngayon sa bahay ng kaibigan kong si Rhea kasama si Diane naghanda kasi sila ng isang maliit na salu-salo.
May iniabot saking envelope si Diane at ito'y may tali pang ribbon. Hindi ko muna iyon binuksan dahil sabi ni Diane ay sa bahay na lang daw namin.
Nagpasalamat din ako sa kanilang dalawa sapagkat naaalala nila ako pero ramdam ko na may kulang sa kaarawan kong yun, hindi ko lang mawari kung ano.
Sa kwarto binuksan ko 'yong envelope at may laman iyong certificate, sinasabing scholarship sa isang university na may kaugnayan sa fashion designing. At may laman din itong sulat. Kinuha ko iyon at marahang binasa.
Dear Sabrina,
Alam ko galit ka ngayon kasi iniwan kita pero sinigurado ko namang lahat ng pangarap mo ay matutupad.
Binigyan ko ng trabaho ang mga magulang mo para hindi sila umasa sayo at maging malaya kang gawin ang gusto mo.
I told Diane, your friend to give that scholarship during your birthday. Gusto ko kasi na sa pag-ihip mo ng kandila matupad agad ang pangarap na hinihiling mo.
(Tumulo na agad ang luha ko ng hindi ko namamalayan, siguro'y dahil namimiss ko na rin siya.. Humihikbi na akong nagbabasa ng kanyang sulat..)
Alam mo mamimiss ko talaga 'yong pagkanta at pagsayaw mo, pati yang pagsuot mo ng kakaibang makukulay na damit at pati na rin ang jokes mo na hindi nakakatawa. Mamimiss ko lahat-lahat sa'yo. Yung halakhak, ngiti, tawa, boses at ang magandang mukha mo. Salamat at hinayaan ng Diyos na makilala ko ang isang kagaya mo.
(Namimiss ko na rin 'yong makasama siya, 'yong kakulitan, at kasungitan niya dati... Mas lalo pang umagos ang luha sa mga mata ko, malaya itong bumubuhos.. Nakisama sakin ang kalikasan. Madilim na ulap, malungkot na paligid at umiiyak na kalangitan.)
Sa loob lamang ng ilang buwan na nakilala kita tinumbasan mo lahat ng kasiyahan na nadama ko ng ilang taon.
Hindi kita makakalimutan Sabrina, ang babaeng minahal ko, pero iniwan ko dahil ayokong maging hadlang sakanyang mga pangarap.
Just be alive and experience everything in life..
Be free Sabrina...
Yours forever,
Alexander Napoleon Malcolm
At tumulo na nga ang luha sa sulat na ibinigay sakin ni Alexander... Hindi ko rin ikaw makakalimutan Alexander, salamat sa lahat ng tulong at sa walang katumbas na pagmamahal mo.
Nakatingin lang ako sa langit na parang kinakausap si Alexander habang ang ulan ay patuloy na bumubuhos ng malakas.
***
Ginamit ko 'yong scholarship na ibinigay niya at hindi iyon sinayang nag-aral ako ng maigi at naging isang c*m laude. Inaalay ko lahat ng tagumpay ko para kay Alexander sa taong naniwala sa kakayahan ko.
Naging isa akong sikat na fashion designer.. Ito ang gusto ko kasi di ba? Sa bawat damit na ating isinusuot binibigyan tayo nito ng confidence, ito ang gusto kong iparamdam at ibigay sa mga tao. CONFIDENCE kapag wala tayo niyan mahirap marating ang mga pangarap natin sa buhay.
*After 6 years*
"Wake up Sabrina!!" nakakainis naman ginigising agad ako ng isang lalaking kamukha ni Alexander sa loob ng aking kwarto.
Iminulat ko ang aking mga mata at bumuhat na mula sa pagkakahiga.
"Alexander is that you?" I asked him.
"Ya' I am Alexander! I really miss you Sabrina!" Tapos niyakap niya ako ng sobrang higpit.
Pero wala na siyang wheelchair, nakakatayo na siya at nakakapaglakad ng maayos.
"Am I dead already? Tell me.. Nasa langit na ba ako?" Tinanong ko ulit siya at kinurot ang pisngi ko dahil baka nananaginip lamang ako.
"Buhay tayong dalawa Sabrina..." Sagot sakin ni Alexander at hinalikan niya ako sa labi.
Hindi nga ako nananaginip, hindi rin ako patay. Totoo itong lahat, totoong buhay siya at maayos na ang kalagayan niya ngayon.
Ipinaliwanag niya sakin ang lahat. Nakakilala daw siya ng isang magaling na doctor at pinagaling siya nito sa loob ng ilang taon. Hindi niya daw talaga kayang mawalay sakin ng tuluyan.
Naging masaya ulit kaming dalawa, ginawa 'yong dati at parati naming ginagawa noong nakawheelchair pa siya. Bumalik ang hubog ng kanyang katawan at naging modelo ng mga damit na idinidisenyo ko. Model naman talaga siya dati di ba?
Niyaya niya akong magpakasal at pumayag naman ako at ang mga magulang ko.
Nahanap namin ang katuparan ng aming mga pangarap sa bawat isa. Totoo 'yong wishing well natupad lahat ng hiniling namin.
"Mahal kita Rina alagaan mo ulit ako kagaya no'ng dati pero hindi na ako ngayon magiging pabigat sa'yo." Sabi niya sakin at hinalikan ako sa noo.
"Mas mahal kita Alex... Ikaw ang wishing well na tumupad lahat ng pangarap ko." At niyakap ko siya.
"At ikaw naman 'yong barya kung hindi dahil sa'yo hindi magsisimula ang pangarap ko."
Ikinasal kaming dalawa at nagkaroon ng isang napakagandang anak, siya na rin ang naging model ng mga damit na ginagawa ko.
We started to walk away from the bitter past,
We continued to walk away from the sad memories...
And now we are walking away from those tears and pains of yesterday while making new wonderful moments with the man I decided to be with for rest of my happy life.
Hope you will also find the man whom you can be with and experience every little thing in life.
Thanks for reading the story of love...
This is Sabrina Laine Malcolm..
S i g n i n g
O f f...