SIMULA

1481 Words
Nakatanaw si Womie sa kaibigan niyang ikinakasal sa isa pa niyang kaibigan na si Grey. Pinalakpak niya ang kamay niya habang may luhang kumawala sa mga mata. Lihim niya itong pinunasan habang nakatingin sa dalawa sa unahan na nakangiti sa lahat. Mukha siyang masaya kahit na sa loob niya ay nasasaktan siya dahil ang lalaking lihim niyang minamahal ay kasal na ngayon sa kaibigan niyang si Grey Nayon. “Are you okay, Wom?” ang tanong ng ina ni Grey na itinuring niyang second mom. “Opo tita, masaya lang po ako kay Grey and Rem,” “Naku Wom, kung alam mo lang kung gaano nagpapasalamat si Grey dahil nakilala niya si Rem ng dahil sa ‘yo.” Ngumiti si Wommie, pero hindi na niya ibinuka ang bibig niya sa takot na lumabas ang pagsisi sa labi niya na nagtagpo ang landas ni Grey at Rem ng dahil sa kaniya. Matapos ang picture taking, pupunta na sila agad sa reception. Huli tumayo si Wom na siyang maid of honor sa kasalang ito. Habang palabas si Wommie ng simbahan, una niyang napansin ang isang vintage paper na nasa pinakadulong upuan. Agad niya itong kunuha at kumunot ang noo niya nang makita na isa iyong ticket sa barko. “Kanino galing ito?” takang tanong niya. Binasa niya ang loob ng pirasong papel, nagtaka siya nang mabasa ang pangalang ‘Ship of Tempatation’. “May barko bang ganoon?” aniya pero naputol ang pagtataka niya nang tawagin siya ng isa sa pinsan ni Grey kaya agad niyang nilagay sa wallet ang ticket na napulot niya sa upuan. Sa venue, nagkakasiyahan ang lahat at nagbibigay ng munting handog ang ilan sa mga taong malapit sa groom at bride at dahil siya ang best friend ng dalawa, nagbigay siya ng kanta para saa mga ito. Nakangiti si Grey sa kaniya, ganoon rin si Rem. ‘This is hard,’ ang nasa isip ni Wommie at kumanta siya sa paraang maipapakita niya na masaya siya sa dalawa. At the end of the song that she sang for them, naluha na siya ng tuluyan at naiiyak si Grey habang nakatingin sa kaniya. “Don’t cry, naiiyak tuloy ako,” sabi ni Grey Tumawa si Rem at hinaIikan si Grey sa noo. Ang akala nila ay naiyak si Wommie dahil sa kasiyahan, hindi nila alam na iyon ay kabaliktaran. The couple hugged her. And when it’s time for Rem to hug her, Wommie smiled at him. “Thank you Wommiiies. Thank you for being the bridge to meet my wife,” Rem said na nagbigay lang ng labis na sakit kay Wommie. “Alagaan mo ang best friend ko Remieee ah?” natatawang sabi niya “I will. Thank you again,” Hindi niya gusto marinig na siya ang naging tulay sa dalawa dahil hindi naman niya gustong mangyari iyon. Rem is her best friend dahil magkapit bahay sila and Grey became her best friend too dahil magka-klase sila mula high school hanggang college. After a couple of days, naimbitahan muli si Wommie sa bahay ni Grey at Rem. Grey wanted her to be part of their beginning dahil mahalaga sa kanilang dalawa si Wommie. But as for Wommie, gusto nalang niyang lubayan muna siya ni Grey dahil gusto niyang magpahinga sa sakit na pinagdadaanan niya. “Sige na Woms. Sama ka sa amin sa Hawaii.” “Grey, honeymoon niyo ‘yon. Anong gagawin ko doon? Taga video niyo?” pabalang na sagot niya. Natawa si Rem dito. “Eyyy Wommie naman e. We’ll provide you everything naman doon. Gusto namin na nandoon ka kasi magkasangga tayong tatlo.” Wommie wanted to roll her eyes. Sa kanilang dalawa ni Grey, siya talaga ang masama ang ugali at si Grey naman ang mabait. Kaya siguro ito ang pinakasalan ni Rem at hindi siya kahit siya ang matagal ng kilala. “I can’t come with you,” sabi ni Wommie, nag-iisip ng palusot. “At bakit hindi?” “Kasi…” naalala niya bigla ang ticket na nakuha niya. “My suitor asked me out. Sasakay kami ng cruise ship,” Nakuha niya ang attention ng dalawa. “Suitor?” tanong ni Rem. Tumango si Wommie. “Wait, you didn’t tell me that,” react niya Tumawa si Wommie. “Hindi naman lahat pwede kong sabihin sa inyo and besides, busy kayo sa wedding niyo kaya hindi ko na nabring up,” “Wommie, kahit na. Sino ba itong suitor na sinasabi mo?” Natigilan si Wommie sa reaction ni Rem. Mukhang narealize din ni Rem ang sinabi niya kaya naitikom niya ang labi niya. “Kung iyon ang desisyon mo Wom, mag-iingat ka. Sana makilala namin ni Rem ang suitor mo,” nakangiting sabi nalang ni Grey sabay sulyap sa asawa niya. Hindi na nagsalita si Rem. “Kailan alis mo?” Grey asked. “Bukas,” sagot niya at hindi naman siya nagsisinungaling dahil iyon ang date na nakita niya sa ticket. Pero dahil sa kasinungalingang sinabi niya, wala siyang choice kun’di ang umalis at puntahan ang lugar na nakasaad sa ticket dahil alam niyang pupuntahan siya ni Grey para kumpirmahin kung umalis ba siya o hindi. “Tama ba itong sinasabi sa google map?” takang tanong ni Wommie sa sarili nang makita na napunta siya sa isang abandonadong factory at puro pa containers ang naka-display. Nang masiguro niyang walang tao, binalak pa sana niyang bumalik sa sasakyan niya nang biglang dumating ang isang magarang sasakyan kung saan may isang man in black na lumabas. “May I see your ticket, ma’am?” magalang na sabi nito. Napakurap-kurap si Wommie at agad na binigay ang ticket sa lalaking iyon. Nang makita ng lalaki ang ticket, agad siya nitong pinagbuksan ng pintuan ng sasakyan. Nagulat pa siya na kinuha no’ng lalaki ang maleta niya mula sa sasakyan niya at nilipat sa magarang sasakyan na dala nito. “Let’s go, ma’am.” Nagdalawang isip si Wommie dahil baka ay mapahamak pa siya. “Hindi po ako masamang tao.” Nakagat ni Wommie ang labi niya pero sa itsura no’ng lalaki, mukha naman itong mabait. “Ang sasakyan ko po?” tanong niya, kinakabahan. “Magiging maayos lang po ang sasakyan niyo ma’am. Huwag po kayong mag-alala. Makukuha niyo pa rin iyon pagbalik niyo dito.” Pumasok na sila ng sasakyan pero nagulat si Wommie na ang guard at ang driver ay nagsuot ng mask at bago pa siya nakareact, biglang umusok ang loob ng sasakyan kaya nawalan siya ng malay. Ang gas na nilabas ay pampatulog, ginagawa iyon ng may-ari ng cruise ship para hindi malaman ng mga passenger ang lokasyon ng barko. Nang magising si Wommie, nagulat nalang siya nang makita na nasa upuan na siya kaharap ang malawak na dagat. Nilibot niya ang paningin at napagtanto niyang para silang nasa isang isla. “Huwag kang matakot, ligtas naman tayo,” napatingin si Wommie sa katabi niya at napatitig siya sa isang babae na maganda at tan ang balat. “First time mo? Sino ang benefactor mo?” tanong nito “Huh?” gulat na tanong ni Wommie, hindi alam ano ang tinutukoy nito. “Benefactor. Ang nagbigay sa ‘yo ng ticket,” “H-Hindi ko alam ang sinasabi mo. N-Napulot ko lang ang ticket na iyon,” Nanlaki ang mata ng kausap niya. “You must be lucky then. By the way, I’m Serina.” “Oh. Hello, Wommie nga pala. By the way, anong lugar ito? Saka itong ship, ano ba ito? Bakit may benefactor?” “Hmm.. Paano ko ba ipapaliwanag? Oh, here… ang cruise ship na ‘to ay kilala sa tawag na Ship of Temptation. It’s a paradise, perfect for vacation. But this ship is somewhat like a s*x ship.” Nanlaki ang mata ni Wommie sa pahayag ng kausap niya. “WHAT?” Natawa si Serina. “Pero kung hindi mo gustong makipags3x sa gwapings diyan sa loob, wala namang pipilit sa ‘yo. Top priority pa rin ang security ng mga passenger. Basta, you can enjoy when you get on board.” “B-Bakit hindi ko alam na may ganitong barko?” “Because that’s the rules. Secret lang talaga ang tungkol dito kaya pinapatulog tayo no’ng hinatid tayo dito sa isla. Kung gusto mong makasakay, you need to find a benefactor na magbibigay sa ‘yo ng ticket.” “I assumed that this ship is a business exclusive for bachelors,” agad na nasabi ni Wommie. “You got it right. Lalaki lang talagang pwede mag avail. Through them, saka tayo mga babae mabibigyan ng privilege makasakay. Napatingin si Wommie sa dagat dahil naririnig na nila ang ingay ng barko. “The ship is coming,” narinig niya, sabi ng isa pang babae na nasa likuran nila ni Serina. Hindi alam ni Wommie, pero bigla siyang na-excite nang makita ang magarang barko na papalapit sa kanila..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD