“Boss, ano ba!” tulak ko kay Krypton at nilapitan ko naman si Mortil dahil natumba ito. “Okay ka lang, Mortil?” I said worriedly. “Oo, okay lang ako, Honey,” sagot naman nito. ‘Di mo naman kasi sinabi na may jowa ka na palang guwapo rito sa siyudad. Sana, inabisuhan mo ‘ko para hindi ako yumakap sa ‘yo dahil nakahihiya naman kasi sa kanya,” buntong–hininga ni Mortil, kaya naman nagsalubong ang kilay ko. “Honey? Shīt! Don't you see that the one you hugged is boyish, then you will call her honey?” gagad naman ni Krypton. “Sa iyon ang tawag ko sa kanya sa probinsya namin, kaya honey pa rin ang itatawag ko, hanggang dito sa siyudad,” depensa naman ni Mortil. “I don’t fvcking mind!” asik ni Krypton. Inalalayan ko na si Mortil na makatayo. At pinukulan ako nang masamang tingin ni Krypton.