Chapter 20 Napamulat ako nang tumigil si Darren sa paghalik. Nagkatinginan kami. Mga mata lang namin ang tila nag-uusap. Nang muli siyang yumukod at halikan na naman ako ay muli akong tumugon... Mas lumalim ang halik niya at humigpit rin ang yakap niya na parang ayaw akong pakawalan... Humigpit din ang yakap ko sa kanya. Gusto ko ring iparamdam sa kanya na wala akong balak kumawala... At hayun... Sa likod ng puno ng kalamias muli na naman akong nahalikan ng wagas... *-*-*-*-*-*-*-* "Hatid na lang kaya kita?" boluntaryo ni Darren nang makalabas kami sa likod ng puno ng kalamias. Narinig kasi namin ang boses ni Kiko kaya dali-dali kaming nagkalas. Kaya pala ako hinahanap ni Kiko kasi tumutunog daw ang phone ko sa loob ng bag na naiwan ko sa sala nila. Iyon pala tumatawag daw ang dri