Chapter 25 Sabrina's POV "Hoy! Wala raw pasok bukas!" ani Jessa habang nakatutok ang mga mata sa phone niya. "Ow?" reaction ni Michael habang tumatagay. Nasa bahay pa rin kami ni Rico. Natuloy ang inuman session. "Ayan oh! Nag-announce na school natin. Kaya naman pala ang lakas ng ulan. Mukhang hindi tayo makakauwi, ah?" "Eh, di dito muna kayo matulog. Bukas na lang kayo ng umaga umuwi, hoy Sab ikaw na!" ani Rico at ipinasa sa akin ang baso. Tinanggap ko iyon. "Hanep Rico, ang taas naman niyang tagay mo?" puna ni Darren dahil kalahating baso iyon. "Okay lang 'yan. Keri," assurance ko kay Darren na katabi ko sa sofa. "Ge na barik na!" susog ni Jessa habang namumulutan pa ng karne. Ininom ko iyon. Straight shot. "Wow! Hardcore ka pala, eh. Di ko kaya 'yon!" palatak ni Michael at