Nag pasya si Viserra na mag punta muna sa grocery para bumili ng mga pagkain niya at iba’t ibang pwede lang bilhin. Bago siya nag puntang grocery dumaan muna siya sa palengke. “Sapphire said the fishes here are fresh.” bulong ni Viserra habang naka tayo sa bungad ng palengke. “Hi ate, bakit hindi pa po kayo pumapasok?” tanong ng batang tumabi sakanya, napatalon naman si Viserra nang marinig ang boses ng bata. “Mygosh!” gulat na sambit nito at hindi makapaniwalang tinignan ang batang naka tingin sakanya ngayon. “Where are your parents?” tanong ni Viserra sa bata nang humupa ang kaba at gulat niya. “Ha? baluktot ang dila ni ate.” bulong ng bata sa sarili niya habang kumakamot ito sa ulo niya. “Sabi ko, nasaan ang mga magulang mo?” ulit ni Viserra sa tanong niya kanina. “Ah, l