“Salamat manong.” nakangiting sambit ni Deimos sa lalaki pagkatapos siyang tulungan ng lalaki iakyat ang mga gamit sa condo ni Viserra. “Walang anuman po, salamat din po" nakangising sambit nito at tinaas ang ilang libo na binigay ni Viserra sa lalaki. Nagpaalam na ang lalaki, pinuntahan ni Deimos si Viserra na nag luluto sa kusina. May kausap ito sa ipad nito, babae ito. Hindi gusto ni Deimos makinig sa usapan ng may usapan pero ayaw niyang maistorbo ang dalaga. “Ate I told you, it's nothing. Hindi ko sinaktan si Sheri okay? Napaka bayolente ko naman yata sa isip mo.” natatawang sambit ni Viserra, napangisi naman si Deimos nang marinig ang mapag larong tinig ng dalaga. “Nako Vis ha, sinasabi ko sa'yo! Pauuwiin talaga kita ng Portugal.” sagot ng tinig ng babaeng tinatawag na ate ni