“Hey Monet nakita mo ba si Kael?” tanong sa akin ng lumapit kung matalik na kaibigan na si Carissa na siyang girlfriend ni Camerchael Valliente ang crush ng buong university.
“Hindi eh nag wait nga ako sa inyong dalawa para magkasama tayong pumasok.Bakit magkasama kayo kagabi may nangyari ba?”
“Nagkasagutan kami kagabi kasi Bes dahil gusto ko pa mag stay sana pero ayaw na niya dahil tinatawagan na siya ng Daddy niya dumating pala galing Manila. Kaya nagbabanganyan kami ng ihatid ako niya sa bahay eh malimit lang kami lumabas dahil busy siya sa mga kawanggawa niya at nakapag-umpisa na kami sa kasasayaw at nag eenjoy saka tumawag ang Dad niya haist nakakabwesit.”
“Bes isipin mo na lang na ang boyfriend mo ay ginigroom ng Daddy niya maging Politiko kaya nagkaganun at sa inyo naman yan sa future niya imagine ikaw ang asawa nag isang GOvernador di ba ang laki ng pangalan na iyan at the best yan sa negosyo ng pamilya nyo. Si Kael ang isang asset na ayaw mo pakawalan kaya inaaway mg babae na nakipag kaibigan sa kanya dahil dyan masyado ka ng invested.”
“Oo na andyan na ako alam ko yan pero at least naman meron naman sana kami para sa isa’t isa na mag enjoy hindi everytime magkasama kami eh maraming balakid nakakapeste na.”
“Mabuti ka Bes kahit wala kang BF you enjoyed life ako meron nga pero politica naman inaatupag.”
“Caressa tama ka kasi alam ko na maging anak ng politico kahit na Mayor lang si Papa ay aware na ako dyan ang oras niya ay nasa mga tao at bayan, yan na ang buhay namin mula pa noon kaya alam ko paano maging isang anak ng Politico at alam ko ano ang priority ni Kael, yun ay ang mga tao yan ang hard experience ni Mama kay Papa at kami na mga anak ni Papa ay nasa waiting list compared sa mga batang lansangan mas nauuna sila .”
‘Hay naku Monet pareho nga kayo ni Kael mga anak ng politiko kayo na lang sana ang magkasintahan dahil magkaintindihan kayo, eh ako paano ko siya maintindihan kung ang gusto ko ay isang tao na ako ang priority hindi iba.Doon na lang kaya siya magpakasal sa mga Constituents niya no.”pagdadabog ni Caressa.
Kaming dalawa ang magka edad ni Caressa at dahil politiko ang ama ni Kael naging magkaibigan kami mula ng bata pa at ng maging BFF ko si Caressa introduce ko ito kay Kael at mula noon nagkakamabutihan na sila at sa kalaunan ay naging magkasintahan na. At first naenjoy ni Caressa ang paging GF ni Kael dahil palaging meron regalo ito sa kanya at pagbibigay ni Kael noon ay naging palatandaan na kay Caressa na mahal siya nito ng sobre.Lately ng maging busy na si Kael sa kanyang pagbuo ng kanyang pagkatao bilang isang polotiko ay hindi na niya nasusunod ang mga gusto kni Caressa kaya instead na maglalambingan tuwing nagkikita sila nagbabangayan na.
Kung ako lang siguro ang naging GF ni Kael siguro mas natutulungan ko pa siya kaya lang si Caressa ang mahal niya at ako ay isa lang kaibigan na mabait para sa kanya.
“Makasal lang kami MOnet ako ang una sa priority list niya promise hindi pwede na ibang tao.Ako ang asawa so ako talaga ang mauna.Maging lulong siya sa akin promise kaya i will make sure na makasal kami sa lalong madaling panahon before pa siya maging Gobernador ng lalawigan na ito.” ani Caressa.
“Oh andyan na pala siya.”
“Sorry kagabi Baby kailangan lang talaga ako umuwi talaga meron importanting meeting kasi sa bahay about sa pagtakbo this election pina finalize ni Dad ang line-up kaya i was needed there.”bungad agad ni Kael.
Sinagot siya ni Caressa ng masuyong halik.
“It is okay Baby alam mo naman na naiintindihan kita palagi.Tara pasok na tayo ngayon daw i announce sino ang meron medals sa graduation natin sa makalawa.”
Derecho kami ng auditorium kasi doon mag distribute ng mga programs and invitation para sa graduation at doon din malalaman sino ang meron awards.Kaya doon kami naghihintay ng aming mga secretary g bawat colleges. Nang dumating sila hinintay na naman namin na tatawagin ang aming mga pangalan at kunin ang program and invitations na mag serve na diploma sa rehearsal na ito.
Nang ang pangalan ko na ang tinawag pumanhik na kaagad ako sa hagdanan
“Ma. Cristy Monette Alquizar AB Political Science Graduate, SUMMA CUMLAUDE!”
Kahit rehearsal pa masigabong palakpakan na ang inani ng pangalan ko, ako naman ay buong sayang rumampa sa stage patungo sa Administration Officer na siyang EMCEE ng graduation right at nakuha ko ang invitation na siyang naging diploma ng rehearsal na ito.Meron pa akong narinig na sumigaw GO GO MONET at si Kael pala iyon at iba pang mga lalaking may gusto sa akin na naging basted naman lahat dahil isa lang ang lalaki sa buhay ko si Kael lang at kahit may ibang mahal na siya at best friend ko pa okay lang sa akin basta maligaya siya.
Natapos ang aming Rehearsal at nagyaya si Kael mag lunch sa isang Pinoy Cuisine na restaurant. Ayaw sumama ni Caressa dahil meron daw sila lakad ng Mom niya sa Baguio so ang nangyari kami na lang ni Kael ang natuloy.
Habang kumakain kami daming babae tumitingin kay Kael alam ko isa sila sa mga gusto mapansin ni Kael kaso hindi yun ang nasa isip ng lalaki. Alam ko palaging ang mga tao ng Sta Josefa o ng Probinsya ang nasa isip niya palagi.
“Monet nagtataka lang ako sayo bakit ayaw mo magkaroon ng Boyfriend? ang dami naman na may gusto sayo hindi pa sila naka diga sayo binabasted mo na.”
“Ayaw ko sa kanila eh, meron ako preference sa lalaki at wala sa kanila yun lahat.”
“Alam mo Monet you are an only daughter at walang mag continue ng political career ng Papa mo baka ikaw ang nasa isip niya but kung meron kang asawa siya ang mabigyan ng korona magpatuloy ng political lines ng Papa mo.”
“No I’d rather be the one than a husband who doesn't what He is in to. Ayoko madungisan ng ibang tao ang pangalan ko o pangalan ni Papa. Kaya nga ako nag Political Science para if kailangan ako ni Papa pwede ako ang pumalit sa kanya at aya ako hindi nag boyfriend Kael dahil ayoko na dahil sa pag-ibig ay mapunta ako sa taong hindi bagay sa ambisyon ko.Like you politika ang gusto ko pasukin.”
“Hmmp ayaw mo mag proceed ng Law Monet akala ko mag lawyer ka?”
“kahit naman maging public servant pwede pa rin ako mag study ng Law sa araw ng sabado at linggo, kaya okay lang yan kaya ko yan”. Nakita ko siyang nakatingin sa akin.
“Hanga ako sayo MOnet ako hanggang AB PolSci lang ako tamad ako mag study eh at saka kakandidato na ako sa sunod na eleksyon kasama sa line-up ko Si Uncle Nes sana you will help us.”
“Of course nasa campaign nyo ako ni Papa makakasama nyo ako palagi.”
"But before that yayain ko muna ng kasal si Monet mas gaganda daw ang kandidatura ko kung meron akong asawa.Tama kaya yun Monet? Okay ka ba sa kasal namin ni Monet magkaroon kaya ng effect yun sa pagka elect ko?”
Nagulat ako doon.
“Kael dapat isaalang-alang mo muna ang part ni Caressa, siya muna dapat ang kausapin mo kung okay ba siya magpatali agad after graduation alam mo naman hindi sila politically inclined sa negosyo sila nakalinya. Kaya pag usapan muna nyo yan.”
“Okay gagawn ko yan Monet, kasi kung ako lang ang masusunod kasalan agad bukas. Nagmamahalan naman kami ni Caressa at alam ko na gusto din ako ng mga magulang niya para sa kanya kaya madali lang sana iyon kung. okay sa kanya.”
“Sige Kael sabihin. mo lang sa akin kung ano na ang plano nyong dalawa andito lang ako susuportahan ko kayo.”
“Maraming Salamat Monet best friend talaga kita. Sa lahat ng taong kilala ako ikaw ang pinaka malapit sa puso ko maliban kay Caressa kaya importante sa akin ang opinyon mo. Maraming salamat!