CHAPTER 11 Flashback Nakaupo sa hapag kainan ang batang si Zahra na walong taong gulang pa lamang. Kumakain ito ng paborito niyang piniritong manok. "Kara, pumarito ka muna sandali," tawag ng Ama nito sa kaniyang Ina. Pinanood ni Zahra na magtungo ang kaniyang Ina sa kwarto nila. Masaya lamang na kumakain si Zahra, nang matapos siya ay sumilip ito sa bintana at pinanood ang aso sa tapat ng bahay nila na naglalaro sa lupa. Akmang lalabas na sana si Zahra ng bahay ngunit narinig nito ang hiyaw ng kaniyang Ina. Nag-alala ito kaya agad siyang pumunta sa kwarto ng kaniyang mga magulang. Dahan-dahan nitong sinilip ang nakabukas na pinto, nagulat siya sa kaniyang nasaksihan. Nakapatong ang kaniyang Ama sa kaniyang Ina habang nakahubad ang mga ito, nakita ni Zahra na magk