CHAPTER 13 Zahra's P. O. V Nagulat ako nang makita si Jehiel sa tabi ko. Walang kahit sinong lalake ang pinayagan kong matulog sa tunay kong kwarto at kama. Bukod tangi palagi si Jehiel! Ano bang meron sa lalakeng 'to?! Tumayo ako at pumunta sa kabilang kwarto, kwarto ng magulang ko, kinuha ko ang kutsilyo sa ilalim ng unan. Agad akong bumalik sa kwarto ko. Napatitig ako kay Jehiel. Dapat matagal ka nang patay, hindi tama ang saktan kaming mga babae! Hindi kami laruan na pagkatapos kayong maligayahan ay itatapon niyo na lang. Kung nagawa mong saktan si Scarlet noon sa bar, pwes sa akin ay hindi mo pwedeng gawin ‘yon. "You're serve what you deserve," bulong ko at saka tinaas ang kutsilyo. Napapikit ako nang ibagsak ko ang kutsilyo kay Jehiel. "Zahra," napadilat ako nan