Chapter 9

1121 Words
"Stop the car," malamig ang boses na utos ni Luis sa anak niyang si Levon. Kaagad naman itong sumunod at inihinto ang kotse sa tabi. Lumabas siya at sumunod naman si Juan. He needs to breathe. This is too much for him. Pakiramdam niya hindi na siya makahinga. Lumuwas sila ni Juan dito sa Manila dahil may mahalagang tao silang sasadyain na maaaring makatulong sa pagkawala ng anak niyang si Beatrice. God damn it! It's been a month and there's no news about her daughter's whereabouts. Ayon sa mga authorities ay in-ambush ng mga rebelde ang medical team na nag volunteer sa Mt. Lagpas Village at lahat ng mga kasama sa medical team ay namatay at ang iba ay basta na lang nahukay sa kung saan. Pero wala ang bangkay ng anak niya... Naikuyom niya ang kamao. No... They were hoping that Beatrice is still alive. Wala sa natagpuang bangkay ang anak niya. Dalawa lang ang option nila. Either, inilibing ito sa kung saan katulad ng iba nitong kasamahan, o kaya ay nakatakas ito at buhay pa. Pero na saan ang anak niya? Na saan si Beatrice?! Fuck! "Luis." Juan tapped his shoulder. "You are trembling. Calm down. Mabuti pang bumalik na lang muna tayo sa Venus hotel." "I'm fine, Juan." "No, you're not okay, Dad," ani ni Levon. "Tito Juan was right. We need to go back to the Venus Hotel and take a rest." "I said I'm fine!" naiirita niyang saad. Mayamaya lang ay may lumapit sa kanilang dalawang sexy na babae. "Hi, gentlemen! Gusto n'yo bang magpalamig?" malanding saad ng babae saka kinindatan sila at sumenyas sa kabilang gawi. Oh, s**t! They were outside of the club. Hindi niya 'yon napansin at basta na lang siya nagpahinto sa kung saan. "No, thanks." Juan declined politely. "Let's go, Luis." "No, wait!" awat niya kay Juan na ikinalaki ng mga mata nito. "Let's go inside, Juan." Lumapad ang pagkakangiti ng babae lalo na't hindi niya maialis ang mga mata rito na para bang nabighani siya sa ganda nito. "Dad, are you crazy?" bulong naman ni Levon na hindi makapaniwala sa sinabi niya. "Hey, Luis!" Inakbayan siya ni Juan. "This is not the time for fun, let's get out of here." "No, Juan! Papasok tayo sa club," pagpumilit niya na ikinatulala ni Juan at Levon. Inakbayan niya ang sexy at magandang babae. "What's your name?" "Rose." Ngumisi siya. "Rose, let's go inside and take us to a private room." "God damn it! Venus will kill me," Juan murmured. Iba't ibang kulay na sumasabay sa saliw ng musika ang sumalubong sa kanila sa loob ng club. "Have you been in a club before, Levon?" tanong ni Juan. "N-no, Tito Juan." Namula ang pisngi ni Levon na para bang nahihiya dahil sa edad nito ay hindi pa nakapasok sa club. "Sumunod lang kayo sa akin papunta sa private room," malanding saad ni Rose. Sa second floor ang private room at madaming pintuan ang nakahilera roon. Papasok na sila sa room ngunit bumukas ang pinto ng kabilang room at kapwa sila natigilan. "Isaac?" hindi makapaniwalang sambit ni Juan. Isaac's eyes widened, and his face turned red. "D-Dad... w-what are you doing here?" Lahat sila ay napatingin sa babaeng karga nito at suot pa ang suit jacket nito na halatang itinakip sa katawan ng babae. "What did you do to that woman?" Juan asked. His voice was cold as ice. "I-I... did not..." "Hindi ko akalain na mahilig ka pala sa babaeng nagtatrabaho sa club at mukhang hindi yata kinaya ng babae ang stamina mo," ani ni Juan sa malamig na tono ng boses. "Dad, it's not what you think." "Mag-usap tayo mamaya sa hotel," ani ni Juan saka sila pumasok sa kuwarto. "I'll get you a drink and a hot, fuckable woman!" excited na saad ni Rose. Kaagad na hinila ni Luis si Rose at pabalang na pinaupo sa sofa. Nanlaki ang mga mata nito sa gulat ngunit kaagad din namang napalitan ng pananabik. "Oh, hindi ko alam sadista ka pala," ani nito. Ngumisi siya saka sinakal ito, sapat lang ang lakas para makahinga ito. "S-sir..." "Dad, what are you doing? This is violence against women regardless of their profession! What the hell?!" awat ni Levon sa kaniya sa natatarantang boses. Samantalang si Juan ay nakasandal lang sa may pintuan at matamang nakatingin sa kanila. Inu-obserbahan nito ang sitwasyon. At alam niyang alam ni Juan kung ano ang rason kung bakit nagpumilit siyang pumunta rito. He ignored Levon's statement. Lawyer ito kaya normal lang dito na mag-react sa ginawa niya. He caressed Rose's ears. Naka-messy bun ang style ng pagkakatali ng buhok nito na mas lalong nakadagdag sa s*x appeal nito. But he was not interested in her, even if she was the most beautiful woman in this world! His heart only belongs to one woman–and that's his wife. "S-sir... A-ano po ang gusto ninyo?" nanginginig ang boses na tanong nito. "I am curious of your earings, darling. Where did you get it?" nakatiim-bagang niyang tanong, saka binitiwan ito. "B-binili ko," sagot nito sa nanginginig na boses. He smirked. "Pareho kayo ng hikaw ng asawa ko. I gave it as a gift for our first wedding anniversary, and that was a limited edition. Sa ibang bansa ko pa binili. And my wife gave it to our only daughter." Mas lalo itong namutla. "S-sir... Maniwala kayo–" "Don't you dare lie to us!" palatak ni Levon saka mariing hinawakan ang magkabilaan nitong braso. "You don't know who you're dealing with, Miss! So, tell us, where did you get the earrings?!" Napaluhod ito dahil sa takot. "B-binigay sa akin ng isang babae. Please, ayaw kong makulong!" bulalas nito sa naiiyak Na boses, saka tinanggal ang suot na hikaw at ibinigay kay Levon. "Where did you met her?" malamig ang boses na tanong ni Juan Kay Rose. "H-hindi ko alam... p-p-paggising namin nandoon na kami sa lugar na 'yon. They have very strict rules," paliwanag ni Rose. "Paiinumin muna kami ng pampatulog at paggising namin nandoon na kami sa lugar na 'yon. For almost 2 years ganoon ang routine namin kapag pinapatawag kami." Napatiim-bagang si Luis. Pakiramdam niya ay hindi siya makahinga. He really wanted to see his daughter and to know if she's okay. "She's a doctor, right?" ani ni Rose. Hindi sila nakaimik kaya muli itong nagsalita, "Then, she's safe. Kung hindi niya tatangkaing tumakas, sigurado ako na walang mangyayaring masama sa kaniya." _______ Umalis sila sa club na may pag-asa. At least alam na nila na buhay si Beatrice. "Where's next, Dad?" untag ni Levon. "Let's go to Lieutenant Santos. And call your Tita Trina to accompany us." He will do everything in his power to get his daughter back. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD