Chapter 41: Broken

2130 Words
"Marga! Come here!" pasigaw na tawag ni Fred kay Marga mula sa ikalawang palapag ng bahay.  Agad na tinambol ng kaba ang dibdib niya. Mabilis siyang tumayo mula sa hapag at nagmamadaling tinungo ang hagdan. Lalong tumindi ang kaba sa dibdib niya nang masilayan si Fred na nakangisi sa itaas ng hagdan. Nakaroba lang ito at halatang bagong paligo. "Schneller! (Faster!)" naiinip na utos nito sa kanya nang makita siya. Tumalima siya, ngunit mabagal. Pakiramdam niya ang iilang baitang ng hagdanang iyon ay napakahaba. Nanginginig ang mga binti niya dahil sa magdamag na paggamit nito sa kanya. Kaya ngayon ay halos pa-ika kung siya ay maglakad. She used to live in so much love and freedom, not until... Nanakit ang lalamunan niya nang maalala ang unang beses na inangkin siya nito. Ang unang beses na pinagsamantalahan siya nito pitong taon na ang nakararaan. Masakit. Marahas. Nakakababa ng pagkatao. Kahit sabihing minahal niya ito nang mga panahong iyon, hindi iyon naging sapat upang hindi siya mamuhi nang tuluyan sa asawa niya na ngayon ay kung ituring niya ay demonyo. She would've kept the incident to herself but she knew how a scandal can hurt their name. Lalong  wala siyang nagawa nang ipakasal siya ni Ernesto kay Fred dahil nagdalang-tao siya. Nagbunga ang kahayupan nito sa kanya.  Isang sanggol na akala niya ay tatapos sa paghihirap niya sa piling ng lalaking  minahal niya at siya ring bumaboy sa kanya. Ngunit hindi iyon nangyari. Nawala ang bata nang minsan siyang maging biktima ng pagmamalupit nito. Sa puntong iyon, ginusto na niyang kumalas at magsumbong sa mga kinauukulan. Ngunit... Hindi lingid sa kanya ang matagal nang paghahangad ni Gerald sa pamangkin niya. Si Cassandra. Kailangan niyang protektahan si Cassandra. Hindi ito maaring matulad sa kanya. Habang papalapit siya kay Fred ay lalong bumigat ang mga paa niya. Bawat baitang sa hagdanan ay tila pagdaan sa matinik na daan. Masakit. Sumusugat. Agad itong ngumisi nang tuluyan siyang makalapit dito. Pinatatag niya ang kanyang huwisyo. Sa pitong taon nang pagtitiis niya kay Fred, nalaman na niya na lalo itong mananakot kapag nakita nito ang takot sa kanyang mga mata. Napag-aralan na rin niya kung paano ikubli maging ang iba pa niyang mga emosyon. At iyon ang ginagamit niya para protektahan ang sarili niya. "I need 10 Million. Write a cheque," anito bago inihagis sa kanya ang cheque book niya. Tumama iyon sa dibdib niya bago nahulog sa sahig. Kinalma niya ang kanyang sarili at dahan-dahang pinulot sa sahig ang sariling cheque book. Naglakad siya patungo sa kuwarto nilang mag-asawa, ang piping saksi  sa  kahayupan ni Fred sa kanya sa  loob ng nakalipas na pitong taon. Hinila niya pabukas ang drawer sa bedside table, kumuha roon ng ballpen at mabilis na pinirmahan ang dalawang tseke. Isang blangko at isang naaayon sa hinihingi nitong halaga. Palagi ay dapat na may extra itong bitbit na cheke. Nagagalit ito kapag nabibitin ito sa pagsusugal. Mabilis niya iyong iniabot kay Fred na nakangising naghihintay sa kanyang harapan. She quickly surveyed him with disappointment and disgust. Fred is a good looking man. Matangkad, maamo ang mukha, at maayos kausap. He carefully choses his words and he used it to gain the trust of people around him. At maging siya ay isa sa mga taong napaikot nito. Nadala siya sa matatamis nitong salita. Kusa niyang sinira ang nauna niyang pangako sa sarili na hindi siya iibig sa sinuman dahil sa lalaki. Umabot pa hanggang langit ang kahangalan niya nangg ibigin niya ito ng totoo. Iyon pala ay...   Fred used to work as a marketing director for a big German car company. They first met, 13 years ago, when Capitol Cars was expanding overseas. Nakapalagayang-loob ito ni  Ernesto, lalo pa at marami itong koneksiyon sa linya ng negosyo ng kapatid niya. After a few years, Fred became Ernesto's closest business advisor. Ernesto trusts him like a family. Never his brother knew na nag-aalaga ito ng ahas sa sarili nitong bakuran. "Yan ang gusto ko sa 'yo Marga, you are very obedient. Hayaan mo kapag natapos na ang mga plano namin ni Gerald, mahihiga ka pa rin sa pera kagaya ni Cassandra," anito, may halong banyaga ang punto. Iniangat nito ang ulo niya upang mapatingala siya bago marahas siyang na binigyan ng halik ang mga labi niya. Alak at sigarilyo, iyon ang lasa ng bibig ni Fred. Sa tuwing inuutusan siya nitong makipag-siping dito ay ayaw niyang umiyak ni magsalita man lang. Iniisip niya ang pinagdaanan nila ni Ernesto habang sila ay lumalaki. Ang mga pasakit na kailangang pasanin ni Ernesto para lang marating nito ang kinalalagyan nito ngayon. Na sa kabila ng maagang pagpanaw ng kanilang mga magulang ay napagtagumpayan nila ang lahat ng pagsubok dahil sa sipag at tyaga ng kuya niyang si Ernesto.  Hindi. Hindi siya ang sisira niyon. Hangga't kaya niyang magtiis gagawin niya. Kahit na paulit-ulit siyang gamitin ni Fred, titiisin niya. Tutal siya ang unang nagkasala. Nagpadala siya sa matatamis na salita mula sa mga labi ng lalaking inibig niya kahit hindi niya lubusang kilala.  Siya. Siya ang dahilan kung bakit unti-unti, natutupad na ang mga plano ni Fred. Kung sana ay hindi siya umibig. Kung sana ay hindi siya pumayag sa pag-aaya nito sa kanya na mamasyal isang gabi ng Abril pitong taon na ang nakararaan. 'Di sana ay malaya pa siya, silang dalawa ni Cassandra maging ang kapatid niya.  Ngunit alam niya, kahit gaano nito kagustong mawala siya sa landas nito, hindi siya basta-basta kayang idispatsa ng demonyo niyang asawa. Dahil bukod sa sampung porsyento ng stocks na personal na pag-aari niya sa Capitol Cars,  nasa pangangalaga rin niya ang tatlumpong porsyento ng kumpanya. Napunta sa kanya iyon ng mamatay si Elena, ang asawa ni Ernesto. Siya ang tagapag-ingat niyon at hindi maaring galawin hanggang sa hindi pa tumutuntong ng ika-dalawampu't tatlo si Cassie. Aayusin na sana niya ang pagsasalin niyon sa pangalan ni Cassandra ngunit naging abala silang lahat ng madisgrasya ang pamangkin niya ilang buwan na ang nakararaan. She also had a chain of cafe's on that part of the country. She is quite a catch herself kaya hindi siya kayang bitawan ni Freiderich Martin. Idagdag pa na maganda siyang cover up para sa mga ilegal na aktibidades nito. Fred is a big time drug supplier all over Asi. Sila ng anak nitong si Gerald.  Katakot-takot na pananakit ang tinamo niya mula rito nang malaman niya ang lihim nito at ng Triad na kinabibilangan nito. Pero dahil kailangan pa siya nito ay hindi siya nito nagawang patayin kahit pa nagmakaawa na siya noon pa na tapusin na nito ang paghihirap niya. Paghihirap na wala na 'atang katapusan kasama ang demonyong lihim na sumisira sa kanyang pamilya. Nang tumigil ang halik ay muli itong ngumiti habang nakatitig sa kanya. Pilit din siyang ngumiti kahit na ang totoo,  nandidiri siya sa kanyang sarili. Gusto niyang linlangin si Fred na ayos lang sa kanya ang lahat ng ginagawa nito. Na sunud-sunuran siya sa lahat ng kagustuhan nito. Kahit na ang totoo, ay matagal na siyang may plano. Papabagsakin niya ang demonyo na sumira sa buhay niya, sila ng anak nito. Tumunog ang cellphone niya sa bedside table. Nag-flash sa screen ang unregistered number. Tinambol ng kaba ang dibdib niya. 'Wag naman sana, lihim niyang usal. Agad ang pagtalim ng mata ni Fred sa kanya. "Erwarten sie einen anruf von jemandem? (Are you expecting a call from someone?)" tanong nito sa matigas na tinig. Salang-sala ang kasi ang mga tumatawag sa kanya. Agad siyang umiling, pilit na sinikil ang kaba sa kanyang dibdib. Naningkit ang mata ni Fred. Agad naman siyang nanginig. Walang sabi-sabi, bigla nitong kinamal ang buhok niya at hinila siya patayo. "Fred, please. Baka wrong number lang 'yan,"  paliwanag niya. Nagsimula nang mangilid ang luha niya dahil sa sakit ng pagkakahawak nito sa buhok niya. "Sigurado?" bulong nito sa mismong tenga niya, lalong hinigpitan ang pagkamal sa buhok niya. Sa puntong iyon, kumawala na ang luhang kanina pa niya pinipigil. "O-oo, Fred. M-maniwala ka, please." Fred devilishly chuckled before throwing her onto the bed. Pinagpasalamat niya na sa kama siya bumagsak ngayon dahil kung hindi, sigurado siya, mas lalo siyang masasaktan. Kakailanganin na naman niyang magtago ng ilang araw dahil sa pasa kapag ganoon. Nagpatuloy sa pagtunog ang cellphone niya. "Fix yourself and answer your phone!" mariing utos nito. Mabilis siyang tumalima habang pinapakalma ang sarili. Maging ang kanyang pagsigok ay pilit niyang pinigil sa pamamagitan nang pagtikhim ng ilang beses. Madali niyang sinagot ang tawag at ini-on ang loud speaker. "H-hello?" nag-aalangang bungad niya bago nag-angat ng tingin sa asawa. Nag-aapoy ang mata nitong nakatingin sa kanya. Sandaling katahimikan. "Royal Laundry? Is this Royal Laundry?" anang boses babae sa kabilang linya. Nangunot siya at bahagyang umiling. "N-no. You've got your number wrong," aniya. "Oh, so sorry," sagot naman ng babae sa kabilang linya bago tuluyang tinapos ang tawag. Marahas na sinapo ni Fred ang pisngi niya gamit ang isang kamay at pinilit siyang makipagtitigan dito. His eyes were blood-shot and fiery. He didn't look that way before when they first met. She was 36 and he was 44. He was then kind and gentle. So dashing, almost dreamy.  Or so she thought. But she was wrong. Fred is pure evil. He doesn’t know love at all, nor kindness. Muli itong ngumisi at hinigpitan ang paghawak sa mukha niya. "You got lucky this time, Marga. Mukhang magaling umarte ang kakampi mo. Akala mo hindi ko alam na pinapaimbestigahan mo ako? Kami ni Gerald? I am telling you, wala kang mahihita," pagbabanta nito. Lalong naningkit ang mga mata nito. "I will get everything you have, including that of Ernesto's. And my son will have your wild niece as his slave. Just like you Marga. Just like you. Naiintidihan mo ba, ha?" Lalo siyang nahindik sa sinabi nito. She wanted to scream and cry at the same time. Kaya lang nagpigil siya. She knew Fred does not take her objections lightly. She bit her lower lip instead. "Sagot!" sigaw ni Fred na ikinakislot niya. "O-oo, Fred. Oo. H-hindi na mauulit, j-just please...please let me go," pakiusap niya sa pagitan ng pagsigok. Marahas siya itong binitawan bago tinapik ang kanyang ulo sa ganoon ding paraan. Sisigok-sigok siyang nahiga sa kama, nakalaylay mga paa niya sa isang bahagi niyon. Gusto niyang umalis ng kuwarto ngunit hindi niya magawa dahil hindi niya kayang tumayo sa sobrang panginginig ng kanyang mga tuhod. Tahimik siyang nanatili sa ganoong ayos hanggang sa matapos si Fred sa pagbibihis. " 'Yung extrang cheke na binigay mo, ibibigay ko kay Gerald. Dalawa kaming maglalaro ngayon sa casino. Baka humigit kumulang 20 Million ang magagastos namin," paliwanag nito. Hindi siya umimik. "H’wag kang magrereklamo. Kapag ayos na lahat ang plano namin ng anak ko, babayaran ko rin sa 'yo," dugtong pa nito bago tuluyang umalis ng silid. Ang pera niya ay pera rin ng mga nito, pero ang pera ng mga ito ay sa kanila lang mag-ama. At kahit pa bahaginan siya ng mga ito, hindi rin niya tatanggapin lalo pa't alam niyang galing sa masama. Someday, both of you will rot in hell, lihim na usal niya. Hinintay niyang marinig ang tunog nang papalayong sasakyan ni Fred bago siya tuluyang bumangon sa kama. Hawak niya ang nasaktang anit habang naglalakad siya patungo sa sarili niyang walk-in closet. Huminto siya sa tapat ng mga sapatos, yumuko at hinawi ang ilang pares ng sapatos na nakahilera sa pinaka-ilalim ng display case. Sa gilid niyon ay may maliit na vault. Lihim niya iyong pinakabit bago sila lumipat sa bahay na iyon. Alam niya darating ang araw, may paglalaanan siya ng vault na iyon. Mabilis niyang pinindot ang passcode ng vault. Awtomatiko iyong bumukas. Naroon ang kopya ng mahahalagang papeles, isang USB at extrang cellphone. Lalong nanikip ang dibdib niya sa isiping handa siyang mamatay anumang oras. Ngunit kasabay niyon ang pag-asa na bago man lang sana siya pumanaw, ma-isaayos niya ang lahat para sa Kuya Ernesto niya at kay Cassie. Lalo na kay Cassie. Ang kaawa-awa niyang pamangkin. Halos limang taon na rin mula nang huli silang makapag-usap nang maayos. Tinikis niya ito, para na rin sa ikabubuti nito. Ngunit ngayon nagsisisi na siya kung bakit ngayon lang siya kumilos. She had been too weak for so long. At ramdam niya, kung ano man ang binabalak ni Fred at Gerald, tiyak niyang pagkatapos niyon ay susunod na ang kamatayan niya. Mariin siyang napapikit, huminga nang malalim upang pakalmahin ang sarili. Alanganin niyang kinuha ang cellphone at tumipa doon ng numero. Sumikdo ang dibdib niya sa unang tunog palang ng kabilang linya. Binalot ng kaba at pag-asa ang dibdib niya. Nahintay niya ang tatlong ring bago umangat ang kabilang linya. "I...I got your message from your earlier call. G-gawin mo na, sa lalong madaling panahon," pakiusap niya sa nanginginig na tinig.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD