"Will, h'wag mo masyadong banatin yang kamay mo. It needs time to heal," anang pamilyar na tinig sa likuran ni Will.
Agad siyang bumitiw sa pull up bar humihingal na hinarap ang may-ari ng tinig.
"C'mon Matt, i-discharge. Malakas na ‘ko.” Flinex niya ang kaliwang braso niya. “See that?”
Isang hampas sa braso niyang may benda pa ang igininawad ni Dr. Matthew Lavigne, ang kapatid na doktor ng kaibigan niyang si Dax.
Agad siyang napahiyaw nang rumehistro ang sakit sa sugatan niyang braso.
"What the f*ck is wrong with you Matt?" reklamo niya, namumula ang mukha.
Nagkibit-balikat lang ang doktor habang nagsusulat sa chart niya. "Just checking.”
"Do you really have to do that? Dammit! That hurts!" reklamo niya ulit. He closes his eyes and sat on the, hawak pa rin ang nasaktang braso.
Matthew then began mumbling beside him.
"Pain. Check. Cussing. Check. Refusal to take medicine. Check. Psychosis. Untreated."
Nalukot na ang mukha niya. "What are you writing?"
"Diagnosis," sagot nito, ang mata nasa chart pa rin.
Mabilis niyang inagaw ang chart niya at binasa ang mga sinulat nito doon.
"Hey! Iniinom ko lahat ng gamot ko, sinong nagsabing hindi? At itong... hell! I'm not psyhotic you idiot! Are you even a doctor?" inis niyang baling sa doktor bago initsa sa dibdib nito ang chart.
Natawa lang si Matt. Mukhang balewala rito ang inis niya. And as if Matt is not enough of a bother, the door opened and Ivan went in to his room with a wide grin on his.
He huffed and shook his head.
"Hey dude, are you dead yet?" bungad agad ni Ivan.
He tsked. "Not yet. But soon I'll be, if I won't get out of this s**t hole now."
Seryosong tumango-tango si Ivan bago tinapik ang balikat niya. "Don't worry dude, your casket is on me."
"The flower's on me plus well say good things on your eulogy," dugtong naman ni Matt.
He scoofed. "What kind of friends are you? That's it! I'm leaving!" gigil na sabi niya.
Mabilis siyang bumaba sa kama at kumuha damit niya sa built-in closet ng hospital suite. Kaso naudlot ang ginagawa niya nang bahagyang hampasin ni Matt ang tagiliran niya.
Napahiyaw siya ulit, umuklo hawak ang tagiliran. He was beaten badly during their last mission, he almost had 3 fractured ribs.
"Are you really trying to kill me?" reklamo niya kay Matt.
"Nope. I'm trying to make you live," sagot ni Matt, itinuloy ang pagsusulat sa chart niya.
"By hurting me?"
"No. By making you realize, you're body is still in pain,” seryosong pahayag Matt na patuloy na nagsulat sa chart. "You've been out for 48 hours. Should one of your ribs snapped, it could've punctured your lungs and you have long been a goner by now, Johnson. And that gunshot in your arm, you could've bled to death you know," dugtong pa nito bago nag-angat ng tingin.
He sighed. Totoo ang sinabi nito. He had heard the narrative about him sleeping for two whole days. He just woke up six days ago. That's when he learned he had mild concussion, bruised sides, 3 almost broken ribs, and a gunshot wound in his arm.
"Buti na lang malakas ang backer mo sa taas," patuloy pa rin ni Matt. "You had defied death again for the nth time. Kaya mag-ingat ka na sa susunod. And as your doctor, I am imposing right now that you stay for another 3 days."
He tsked and looked away.
"Dude, listen to the doctor. He maybe a psycho like his brother but he had the word doctor attached to his name. So give him a little credit will you?" nakangising singit ni Ivan, inaangat-angat pa ang mga kilay.
Napailing na lang si Matt sa sinabi ni Ivan. "I can't wait till the day you kiss my ass and beg for my help, Sandoval. At kapag nangyari ‘yon, I'll make sure your pocket will bleed to death dahil sisingilin kita ng professional fee in dollars!"
Humalakhak lang si Ivan bago kumuha ng mansanas sa bedside table at kinagatan iyon.
Bumaling ulit si Matt sa kanya. "Stay for a few more days. After that, puwede ka na ulit makipagpatintero kay kamatayan." Bumuntong-hininga ito bago nagpatuloy. "And those gym equipment needs to go. Papahakot ko na 'yan mamaya sa hospital staff ko. When you asked my permission to exercise, simpleng walking at stretching lang ang naisip ko. I never thought that you’d bring a whole gym franchise in your hospital suite!” Pumalatak ito bago umiling. "I'll be back again tomorrow to check on you," anito na marahan pang tinapik ang balikat niya bago tuluyang naglakad patungo sa pinto.
Nasa pintuan na ito nang muli itong lumingon, ang mga mata nakatitig kay Ivan.
"By the way, your girl got a rockin' body. Nice catch," nakangising pahayag nito. Agad naman na dumilim ang mukha ni Ivan.
"What girl?" takang tanong niya, nakadirekta rin kay Ivan.
"Can you leave now, psycho doctor?" si Ivan, ikinumpas pa ang kamay.
Humalakhak si Matt bago tuluyang sinara ang pinto.
"Psycho,” bulong ni Ivan. “Dapat hindi na nanggagamot si Matt. Mukhang nahawaan na ni Dax e," naiinis na dugtong nito bago muling kumuha ng ponkan sa fruit basket na bigay ni Raine— ang asawa ng kaibigan nilang si Carlo.
Mabilis na binalatan ni Ivan ang prutas.
"So, who's the girl?" diretsong tanong niya.
Hindi umimik si Ivan, bagkus ay nagpatuloy lang sa pagpilas ng balat ng ponkan.Napangisi siya.
"Nagbibinata ka na Sandoval!" aniya, ginaya pa ang pagtapik nito sa balikat niya noong huli silang mag-inuman.
"Shut up, psycho!" angil pa nito.
He chuckled. Ivan is beginning to get pissed. But it ain't a good reason for him to stop.
"Pakilala mo naman ako. It seemed she ain’t your type. Akin na lang,”patuloy niya.
Agad na natigilan si Ivan, pinukol siya ng matalim na tingin.
"You know what, sana napuruhan ka na lang. Bakit ko siya ipapakilala sa 'yo e may Cassie ka na? Sa kamay braso ang tama mo, hindi sa ulo para makalimutan mo ‘yong prinsesa mo.”
He chuckled. "How many times do I have to tell you, dying ain't my business. And for the nth time, Cassie and I are not a thing? Pinauwi ko na nga e. For all I know, baka nagba-bar-hopping na naman ngayon 'yon,” he said, annoyed.
Lumipad ang tingin niya sa bintana. He can see the city lights sparkling from a far.
Is Cassie really out there, making another scene, doing another bet, getting herself drunk and writing another version of her bitchy tale?
Napatiim-bagang siya.
Cassie is the least of her concerns now. Malinaw ang usapan nila. At alam niya, she would gladly go back to the comfort of her mansion than to stay in the tenement.
Pero bakit gan'on, may parte ng pagkatao niya na gustong isipin na sana nanatili pa rin ang prinsesa sa unit niya kahit halos sampung araw na siyang hindi bumabalik?
I'll see you Will. I'll still see you Will.
"Walang kayo pero nambubugbog ka ng lalaking umaaligid sa kanya?” Ivan scoffed and slowly shook his head. "Kung talagang ayaw mo sa prinsesa, balato mo na lang siya sa akin," sabi pa nito, inangat-angat ang mga kilay.
More than Ivan's gesture, he instantly found his words annoying.
"Cassie ain't a toy, and she never will be," seryosong sabi niya.
Tumayo na siya at dumiretso sa banyo upang mag-shower. Pawisan kasi siya matapos niyang gugulin ang ilang minuto sa threadmill at pull up bar.
Paglabas niya ng banyo, narinig niyang may kausap si Ivan sa mismong cellphone niya.
"Ano? Busy pa siya e. Hindi puwede," anito, bago tumingin sa kanya. Tinakpan nito ang mouthpiece ng cellphone bago siya kinausap. "You have a call. Sinagot ko na."
A call? That's the first in 10 days. His phone had been silent for more than a week now
"Ha? Sino daw?"
"Ella daw e. But... he sounded like a gangster from the Bronx," nakangiwing balita nito. "Dude, namamakla ka na ba?"
Magaan niyang sinunto ang braso ng kaibigan. “Gago! Akin na nga ‘yan,” sabi niya bago inagaw sa kamay nito ang cellphone niya.
The call just went for a few seconds. Nang tapusin niya ang tawag, madali siyabg nagpalit ng damit panlakad. He really needs to go out now!
"Where are you going?" si Ivan.
"I need to find Cassie. She's missing," nagmamadaling sagot niya habang sinusuot ang t-shirt niya. Napangiwi pa siya nang bahagyang kumirot ang braso niyang may sugat. Inilahad niya ang isang kamay kay Ivan habang isinusuot naman sa kabilang braso ang leather jacket niya. "I need your car."
Nagsalubong ang mga kilay ni Ivan. "Now?” Kumurap ito. “Now, I get it. Heroes do need horses." Atubili nitong iniabot ang susi ng kotse nito sa kanya. "Hindi pa kayo niyan ha?" komento pa nito.
"I'm her guardian. Trabaho ko 'to," aniya, bago mabilis na tinungo ang pinto.
May mga sinabi pa si Ivan pero di na niya narinig, dahil mas malakas ang ingay ng pagkabog ng dibdib niya na sinasabayan pa ng malakas na buhos ng ulan sa labas.
Madilim. Maulan. Nawawala si Cassie.
At kahit na anong pilit niya, kahit na anong pagtanggi niya, hindi maikakaila na nag-aalala siya, para sa prinsesa kahit hindi naman sila.