“ Anong ginagawa mo rito? Umalis ka labas " sigaw na sabi ni Apollo kay Eula matapos makita ito sa loob ng kanyang kwarto “ Sir nakahain na po yung pagkain niyo sa baba. Kumain na po kayo " Pilit niyang inaayos ang sarili at huwag lamunin ng sobrang kaba at takot ng sa wakas nagkaharap muli sila ni Apollo. Pero gaya ng kanyang expectations galit na galit ito ng makita siya! Sinigawan pa nga siya at pinalalabas “ I don't care! Leave at huwag ka nang makapasok pasok rito " sigaw pa muli nito kay Eula. “ Pero Sir Kailangan niyo pong kumain " Akto pa rin ni Eula. Hindi siya pupwede magpaapekto sa nais nito. “ Sir kagabi pa raw kayo hindi kumakain sabi ni Manang. Halina po kayo at bumaba na ng makakain na kayo " Pilit na pinahihinahon ang kanyang sarili subalit talagang napakalakas