Chapter 28

1958 Words

CHAPTER TWENTY-EIGHT AMBER'S POV KUMAKAIN AKO SA CANTEEN ng ZSD Tower nang lapitan ako ni Zeus. Umupo ito sa katapat ng upuan na kinauupuan ko. Nag-angat ako ng tingin at nakita kong nakatitig ito sa akin. Balak pala nitong maki-share ng table kaya ito umupo roon. Hindi ko naman ito pinansin at nagpatuloy lang ako sa pagkain ko. Nagmadali na ako dahil gusto ko siyang iwasan. Isang linggo na akong umiiwas sa kaniya, hindi naman mahirap gawin dahil ibinalik na ako nito sa dati bilang encoder. Bumalik na rin kasi ang secretary nitong si Ma'am Celeste. Hindi ko malunok nang maayos ang kinakain ko dahil ramdam ko ang mga mata ni Zeus sa akin. Idagdag pa ang mga mapanuring tingin ng mga kasamahan ko. Nagtataka siguro sila kung bakit biglang nagbago ang pakikitungo ni Zeus sa akin.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD