CHAPTER EIGHTEEN ZEUS'S POV "ANONG MAYRO'N at nagyaya kang mag-inom?" tanong ko kay Xander. Ngumisi lang naman ang gago. "Masama na bang yayain kang uminom? Lagi naman natin itong ginagawa, ah." "Kilala kita Xander, palaging ako ang nagyayaya sa 'yo kaya palaisipan sa akin na nagyaya ka ngayon." Humalakhak naman ito. "Kilalang-kilala mo talaga ako, ha." "Of course! Bata pa lang tayo kilala na kita. At alam ko kapag gusto mo lang makatsismis." "Whoa!" "Anong gusto mong malaman?" tanong ko. Mas'yado ko itong kilala kaya may hinala na ako sa bigla nitong pagyayaya sa akin. "Totoong girlfriend mo ba talaga ang Amanda na iyon o palabas lang?" "What?" gulat na tanong ko. "C'mon, Ze. Tell me, she's not your real girlfriend, right?" "I don't know what are you talking about." "Of