"Umuwi na tayo, Ivory. Ayoko na dito." Pakiusap ko kay Ivory. Kaninang magising ako ko pa ipinapakiusap sa kanya ang bagay na yan ngunit nagbibingi-bingihan pa rin sya. Nakatingin lang sya sa kawalan habang hinihintay namin ang pagrarounds ng mga doktor. "Ivory, ano ba? Umuwi na sabi tayo eh. Akala ko ba isang araw lang ako dito? Nakakatatlong araw na ako! Baka mamaya kung anu-ano na naman ang gawin nila sa akin. Umuwi na tayo. Ayoko na dito." Mas linakasan ko pa ang boses ko para kapag nakulitan na sya sa akin ay iuwi na nya ako. "Hindi ka pa okay." Sa wakas nagsalita na sya pero napasimangot naman ako sa sinabi nya. "Anong hindi okay? Okay na ako. Wala na yung sakit sa puson ko at hindi naman na ako nagbibleeding. Hindi na nga ako nakadiaper di ba? Wala ng problema kaya okay na ako."