Napakagat ako sa aking labi nang muling manuot sa akin ang hapdi. Damn Jayson. Hindi pa sya nakuntento nung binugbog nya ako at ipahiya ng mga tatay nya. Pinalagyan pa nya ako ng tattoo! Tang-ina lang. Of all places in my body na pwede nyang paglagyan ng tattoo ko, dun pa talaga sa isang pisngi ng pwet ko!
"Okay na yan, tutal forever ka namang bottom, eh!"
Those were his exact words.
Kung hindi lang talaga ako determinadong makakuha ng blessing mula sa mga magulang nya, magwawala talaga ako. At ang tarantado, pinictureran pa talaga nya yung pangalan ni Ivory na ipinatattoo nya sa pwet ko. Thank God at pumayag sya na tattoo artist ang gumawa nun sa akin dahil talagang ikamamatay ko na kung sya ang magtatattoo sa pwet ko.
After a day, nakuha ko rin ang pagpayag nila. Dali-dali akong kumuha ng flight and after two days, andito na ako ngayon sa Martenei. Haggard na haggard ako. During the flight, hindi ako nakatulog. Siguro sa sobrang excitement na makauwi muli dito sa Pilipinas. Sa excitement na makikita kong muli si Ivory. Sobra din ang kaba ko dahil kung anu-anong pangitain ang pumapasok sa isip ko kapag nakaharap ko na si Ivory.
Sasaya ba sya kapag nalaman nyang nagbalik na ako? Galit ba sya sa akin? Susumbatan ba nya ako? Tatanggapin bilang tagapag-alaga nya habang bulag pa sya o baka naman palayasin nya lang ako?
Hindi ako papayag!
Kahit palayasin nya ako, ipagpipilitan ko ang sarili ko sa kanya. Kailangan kong bumawi. Kailangan nyang malaman na nagsisisi na ako. I have to tell him what I've realized nang magkalayo kami. Ugh! Mahirap mag-explain pero kakayanin kong ipaintindi sa kanya ang mga dahilan kung bakit ko nagawa ang mga nagawa ko. Sana maintindihan nya na ginusto ko lang naman na maranasan ang makawala, ang maging malaya. I know I've hurt him pero handa akong gawin ang lahat para mapatawad nya ako. Handa akong alagaan sya gaya ng pag-aasikaso nya at pag-aalaga sa akin noong nag-aaral pa ako. Nakakamiss din ang mga ginagawa nya para sa akin noon.
Kahit na puyat sya, gigising sya ng maaga para ipagluto ako. Wala kasi syang tiwala kay Jayson. Kapag si Jessie naman ang nagluto, siguradong instant Pancit Canton na naman ang kakainin namin. Pagkagaling ko sa school, matutulog ako. Pagkatapos ay gagawin na ang mga projects ko. Minsan magugulat na lang ako na may nakahanda na akong meryenda sa study table ko paggising ko. Tuwing may sakit ako, daig pa nya si Mommy sa pag-aalagang ginagawa nya sa akin. Aminado ako na hindi man vocal si Ivory, gumagawa naman sya ng mga maliliit na paraan to show that he cared. I was just too dumb not to appreciate them. Binalewala ko lang ang mga ginagawa nya thinking na ginagawa lang nya ang mga yun dahil pinagsisilbihan ko sya tuwing gabi. Ang ipinagpapasalamat ko lang, kapag alam nyang pagod at may mga pinaghahandaan akong exams ay hindi sya nangungulit. Pero kapag free ako, dun sya bumabawi. Halos di na ako makatayo once na tumigil sya. Papaliguan ko sya ng mura. Sya naman ay pangisi-ngisi lang.
Tipid akong napangiti. Masaya rin palang balikan ang mga pinagsamahan namin. Nakakatawa rin pala kapag naaalala ang mga kalokohang pinaggagagawa naming dalawa para makaisa sa isa't isa. Nakakamiss din pala yung mga pag-aaway namin.
What I'd give to have those things back. Gusto ko ulit na maramdaman ang makulong sa katawan nya. Yung kahit hindi nya sinasabi, nadarama kong mahal nya talaga ako. I just didn't try to acknowledge it dahil nga pakiramdam ko ginagamit nya lang ako.
Paano kaya kung hindi ako napangunahan ng galit? Kung narealize ko na agad na mahal ko na pala sya? Kung tinanggap ko ang proposal nya? Baka kasal na kami ngayon. Masaya kahit parang aso't pusa kung magtalo. Siguro, nasa US na kaming dalawa. Nagtatrabaho. Siguro, magdedecide na lang kaming kumuha ng magiging nanay ng mga anak namin. Bumubuo na siguro kami ng pamilya ngayon.
Shit. Bakit ba kasi ngayon ko lang napag-isipan ang mga posibilidad kung tinanggap ko lang ang proposal ni Ivory noon? Masaya na sana kami ngayon at higit sa lahat, hindi sya naaksidente at mabubulag.
Alam ko, isa ako sa dahilan ng nangyari sa kanya. He was so devastated when I rejected him. Hindi ko lang pinagtuunan iyon ng pansin. Kaya ngayon, kinakain na ako ng konsensya. Sabi kasi ni Tita Cles, ayaw daw magpaopera ni Ivory. Nasira na daw ang buhay nya mula nang mabulag sya. Kung pwede nga daw, ayaw nya na ang mabuhay.
Well, now that I'm back, I have to do everything para makumbinsi syang magpaopera na. Hanggang hindi sya nakakakitang muli, patuloy akong bubulabugin ng konsensya ko. I have to make him realize that he doesn't have to live in the dark anymore. Andito na ako. Nagbalik na ako to give him hope. Alam ko, papayag sya agad kapag nalaman nya na mahal ko sya. Sa kabila ng lahat, umaasa ako na mahal pa rin nya ako. And once I've already told him my feelings and have convinced him to have a transplant, pwede na kaming magsimula ulit. And this time, it'll be for real. Mahal nya ako at mahal ko sya. Then, we can be the next Tito Marcus and Tito Francis. Buong puso na akong papayag na magpakasal sa kanya. And maybe, mapapakiusapan ko sya na tulungan akong ihandle ang negosyo ng aming pamilya. And we will live happily ever after.
"Sir, andito na po tayo sa Martenei University."
Napalingon ako sa driver ng sinasakyan kong Taxi.
"Magkano po, Manong?" Masaya kong tanong. Masaya ako bunga ng mga naiisip kong posibilidad kapag nagkaharap na kami ni Ivory.
"One five po." Sagot naman nito sa akin. Inilabas ko ang wallet ko at nag-abot ng two thousand sa driver.
"Keep the change, Manong. Pampagood luck sa akin." Utos ko sa driver nang makita kong inihahanda na nya ang panukli nya sa akin.
"Salamat, Sir at good luck." Masayang sabi nya.
Bumaba na ako mula sa sasakyan at masiglang naglakad papunta sa gate ng school. Hindi ko pinansin ang muling pagkirot ng tattoo sa pwet ko dahil sa paglalakad ko. Nawala na ang kaba ko. Nakakatulong din pala ang pag-iisip ng mga magagandang plano kapag kinakabahan ka. I cannot wait to meet Ivory, ask for forgiveness and tell him I love him. Alam ko, sasaya sya. Alam ko, mahal pa nya ako.
Hindi na ako nagtaka nang agad na bumukas ang gate at pinapasok na ako ng mga guwardya. Sigurado akong naitawag na ni Jayson kay Miggy ang pag-uwi ko dito. Siguradong naikuwento na nya sa kakambal nya ang ginawa nila sa akin sa Russia. Hindi na rin ako magtataka kapag nakita ko na screensaver ni Miggy sa laptop nya ang picture ng tattoo ko sa pwet. Damn Vladimiers.
Sumakay ako sa service car ng Martenei U and after five minutes, nakatayo na ako sa harap ng 7 Demons building. Oh, how I miss this place. Anim na taon ko rin itong naging tahanan. Napakaraming masasaya at malulungkot na karanasan sa buhay ko ang nasaksihan nito.
"So, you're finally, finally back." Napatingin ako kay Jurace na nasa harapan ko na pala.
"Yes. I'm finally, finally back." Panggagagad ko sa kanya.
"Welcome back, bansot!" Masaya nya akong yinakap. Napasimangot naman ako habang itinutulak ko sya palayo sa akin. Ayan na naman sya sa mga nakakainis na pagpapalayaw nya sa akin. Manang-mana talaga sya sa bayaw nyang hilaw.
Inakbayan nya ako at hinila na papasok sa building.
"Buti naman at nagbalik ka na. Makakapagpahinga na si Miggy ko mula sa pag-aalaga nya sa halimaw na si Ivory. You just don't know how happy I am nang malaman kong babalik ka na. Sa wakas, masosolo ko na si Miggy ng walang istorbo. At dahil dyan, mag-iinuman tayo mamayang gabi, dude! Kaya dapat, makausap mo na si Miggy. Dapat sabihin mo na kayang-kaya mo nang alagaan si Ivory na mag-isa ha? Ha? Ha?!" Masayang-masaya nyang pandadaldal sa akin.
Tss. Lumabas din ang totoo. Masaya sya hindi dahil sa pagbabalik ko. Masaya sya dahil aakuin ko na ang trabaho ng boyfriend nya at masosolo nya na ito. Wow, Jurace, wala ka pa ring ipinagbago.
"So since, narito ka na at ikaw na ang mag-aalaga kay halimaw, dun na sa akin matutulog si Miggy. Ayoko kasing natutulog dun sa suite nila eh. Laging parang nakaapak ako sa balat ng itlog. Tsaka alam mo ba, tuwing naaamoy ako ni Ivory eh nagwawala sya? Blah... blah... blah..."
Hindi ko na pinakinggan pa ang iba pang sinasabi ni Jurace habang naglalakad kami patungo sa opisina na kinaroroonan ni Miggy. Tita Cles told me na silang dalawa nga daw ni Jurace ang pinagkatiwalaan ni Tito Marcus na magpalakad sa Martenei U.
"Pierre Robert Salvador. Do you have any idea how much I want to strangle you right now?" Napalunok ako sa malagom na boses ni Miggy nang bumangad kami ni Jurace sa opisina nya.
Muling bumalik ang kaba ko nang maglakad sya pasalubong sa akin. Matatalim ang kanyang mga mata na tila mga kutsilyo na handa akong hiwain anumang oras.
Napahawak ako sa braso ko na pinananayuan na ng mga balahibo nang umakyat-bumaba ang kanyang mga mata sa buong katawan ko.
"M-miggy." Napatingala ako nang tumapat sya sa akin.
"Simula sa araw na ito, ikaw na ang magiging yaya ni Kuya. Ikaw ang magpapatulog, gigising, magpapaligo, magluluto ng pagkain nya, magpapakain, aalalay sa pagbabanyo nya at kasama nya saan man sya magpunta. Since ikaw naman ang dahilan ng lahat ng nangyari sa kanya, ikaw ang magiging tagapag-alaga nya hanggang sa pumayag na syang magpaopera. Lahat ng gusto nya ay gagawin mo. Lahat ng iuutos nya ay susundin mo." Itinampal nya sa dibdib ko ang isang folder at ipinahawak ang isang ballpen.
"Pirmahan mo yang kontrata dahil maniniguro na kami ngayon. Tandaan mo, walang expiration date ang gagawin mo na kapag napagod ka ay pwede ka na namang tumakas pabalik sa America. Ipasok mo sa kukote mo na kapag tinakbuhan mo ang obligasyon mo at serbisyo sa kapatid ko, hindi lang demanda ang aabutin mo. Hahuntingin kita nuncang ipako kita sa krus at dadalhin pabalik dito." Puro tango lang ang naisagot ko sa mga sinabi nya.
"Ano pa ang hinihintay mo?! Pumirma ka na!" Bulyaw nya sa akin kaya taranta akong napatakbo papunta sa malaking mesa. Binuklat ko ang mga papeles at nangangatog na hinanap ang pangalan ko at pumirma. Nakakatakot pala si Miggy kapag nagagalit.
"Akina yan nang mapirmahan na ng abogado!" Dali-dali nyang inagaw mula sa akin ang folder nang makitang babasahin ko na ang nakasaad sa kontrata.
"Di ko pa nababasa eh." Pagrereklamo ko sa kanya.
"No need dahil nakalagay lang naman dito na pagsisilbihan mo ang kapatid ko hanggang gusto nya. Bakit? Wala ka bang tiwala sa akin?!" Masungit nyang tanong. Namumula na naman ang mga mata nya at magkadikit na naman ang makakapal na kilay.
"H-hindi naman sa ganun..." pag-alma ko.
"Wala ng marami pang reklamo! Tara na at oras na para gisingin si Kuya. Pasalamat ka at nakapagluto na ako ng breakfast kundi magluluto ka pa bago mo sya gigisingin." Nagpatiuna na syang maglakad palabas sa opisina habang kipkip ang kontrata na tila masusunog yun kapag binitawan nya. Patakbo namang sumunod sa kanya si Jurace at inakbayan sya. Wala naman na akong magawa kundi ang sumunod sa kanila.
Habang nasa loob kami ng elevator ay panay ang sulyap nila sa akin. Si Miggy kung makatingin parang tatakas pa ako. Si Jurace naman, antatamis ng mga ngiting ibinibigay sa akin na para bang iniligtas ko ang boyfriend nya sa impyerno.
Nang marinig ko ang tunog hudyat na pabukas na ang elevator, bigla akong sinalakay ng kaba.
Heto na. Magkikita na kaming muli ni Ivory. Sana mapatawad nya ako agad kapag nagsorry na ako. Hindi sa ayaw ko syang pagsilbihan pero gusto kong makapagsimula na kami agad. Sana kapag nagkasundo na kami, magpaopera na sya para muli na nyang makita ang mundo. Para makawala na sya sa kadiliman ng kawalan ng piningin.
Isang sulyap pa ang ibinigay sa akin ni Miggy bago nya iswipe ang card para bumukas ang pinto. Biglang nanginig ang mga tuhod ko nang humakbang ako papasok ng suite ng mga Vladimiers. Pinilit ko na lang ang humakbang kahit na tila anumang oras ay mababali na ang mga tuhod ko. Irinelax ko ang sarili ko sa pamamagitan ng pagtingin-tingin sa mga muwebles na nakadisplay sa suite. Wala itong ipinagbago mula noong huling andito ako.
"Ikaw na ang gumising kay Kuya. Ihahanda namin ang breakfast nyo. I bet hindi ka pa kumakain. Sabayan mo sya mamaya." Utos sa akin ni Miggy. Tumango ako sa kanya. Binitawan ko muna ang maleta ko bago ko tinungo ang direksyon papunta sa kuwarto ni Ivory. Abot-abot ang kaba ko nang nasa harap na ako ng pintuan nito. Ilang malalalim na paghinga ang ginawa ko bago ako nagkaroon ng lakas ng loob na pihitin ang seradura ng pinto.
"Ivo----" nanatiling nakabilog ang mga labi ko nang makita ko ang nakahiga sa kama. Or I'd rather say MGA nakahiga sa kama.
Hindi ko alam kung ano ang una kong gagawin, magiging reaksyon o sasabihin. Pakiramdam ko napakabigat ng katawan ko pero lumulutang ako. Gusto kong umatras, kunin ulit ang maleta ko at umalis na lang. Pero ultimo mga mata ko, ayaw gumalaw paalis sa dalawang hubad na katawan na nasa ibabaw ng kama.
Bakit?
Bakit Ivory? Akala ko ba mahal mo ako? Bakit naghanap ka na ng kapalit ko? At putang-ina, may boobs pa?!
Bago ko pa napigilan ang sarili ko, I just found my self pulling the sleeping, naked girl out of the bed. Nagsisigaw ito sa gulat habang binabalot ko sya ng makapal na kumot. Nanlaban sya sa akin, nagsisipa at nagtititili na syang ikinagising ni Ivory.
"WHAT THE f**k IS HAPPENING HERE?! MIGUEL!"
Sigaw nya na nagpaestatwa sa aming dalawa ng babae.
"MIGUEL! WHAT THE HELL?!" Sigaw nyang muli. Napatingin ako sa pintuan nang patakbong bumungad si Miggy doon. Tumingin muna sya sa akin bago sya sumulyap sa tabi ko. Napasulyap din ako doon ngunit agad na bumiling ang mukha ko nang agad itong pasalubungan ng sampal ng babaeng kinaladkad ko pababa sa kama.
"Who the f*****g hell are you na gawin sa akin yun?!" Sigaw nya sa akin bago nya ako muling pagsasampalin. Agad ko namang isinangga ang mga braso ko para makaiwas sa mga pananakit nya.
"Michelle! Pasensya ka na at hindi ka nya kilala." Miggy came to my rescue. Agad nyang pinigilan ang pagwawala ng babae.
"s**t nyang lalaking yan kung sino man sya!" Galit na galit pa ring sabi nung babae. Matatalim na tingin ang iginawad nya sa akin bago nya pinagpupulot ang mga damit nyang nakakalat sa sahig. Nagmamartsang tinungo nya ang banyo.
"Ano ba ang ginawa mo? Bakit galit na galit sayo si Michelle?" Takang tanong sa akin ni Miggy. Nakasimangot akong umiling. Tinignan ko ng mga braso kong nagkandasugat mula sa kalmot ng bruhang babae. Sino ba ang babaeng yun?! At ano ang karapatan nyang matulog ng hubad sa kama ni Ivory?!
"She's kuya's nurse and... constant companion." Sagot ni Miggy sa walang tinig kong tanong.
Constant companion?
So, aside from being Ivory's nurse, she's also his f*****g hoe?
"Miguel! Sino ba ang kausap mo? At bakit nagwala si Michelle kanina?" Sabay kaming napatingin ni Miggy kay Ivory na nakaupo na sa kama at nakatingin sa ibang direksyon.
Tumingin muna si Miggy sa akin bago lumapit sa kapatid. Nakita kong inalalayan nya si Ivory patayo. Napalunok ako nang muling sumulyap sa akin si Miggy bago sya nagsalita.
"Kuya, may bisita ka. At mula ngayon, sya na ang mag-aalaga sayo." Pasulyap-sulyap sya sa akin habang sinasabi iyon. Halos hindi naman ako makahinga sa kinatatayuan ko.
"I don't need anyone else. Sapat na sa akin si Michelle. Paalisin mo na sya." Napasinghap ako sa naging tugon ni Ivory sa sinabi ng kapatid nya.
"Kuya, you don't understand. It's.... it's.... Robby." Bumangon ang pag-asa sa aking puso nang makita ko kung paano matigilan si Ivory sa sinabi ni Miggy. Bumilis ang t***k ng puso ko nang hindi sya agad nakapagsalita. Sigurado akong papayag sya na ako na ang mag-aalaga sa kanya. Mas kaya ko syang alagaan kesa sa Michelle na yun. Kaya ko ring maging constant companion nya kung gugustuhin nya. Pagsisilbihan ko sya ng buong puso at kaluluwa.
Ngunit iba ang naging desisyon ni Ivory na labis na nagdulot sa akin ng takot at sakit.
"Then, mas lalo mo syang dapat palayasin."
Nagmamadali akong lumapit sa kanya. Hindi ako aalis!
"Ivory, please listen to me. Nagsisisi na ako sa ginawa ko. I'm so sorry. Please, hayaan mo akong bumawi sayo. Hayaan mo akong pagsisihan ang mga nagawa ko sayo. Let me take care of you." Napahawak ako sa braso nya ngunit dagli nya itong hinila paalis sa pagkakahawak ko.
"Look at me, Robby! This is what your selfishness has done to me!" Bulyaw nya sa akin. Hindi ko na napigilan ang mapaiyak habang pinagmamasdan ko ang mga mata nyang kulay puti na ang kulay ng dati ay matingkad na itim, ang hapis ngunit balbas-sarado na nyang mukha at ang mahaba nyang buhok na lampas balikat na, indicating na wala pa syang matinong gupit mula nang iwan ko sya.
Nabali ang mga tuhod ko at napaluhod ako sa harap nya. Sa kauna-unahang pagkakataon sa harap nilang dalawa, umiyak ako na parang bata. Puno ako ng pagsisisi.
"I-i'm so sorry kung naging selfish ako, kung hindi ko inisip ang kalagayan mo. I'm so stupid to do that to you. Please, bumalik ako para alagaan ka. Para tulungan ka. Patawarin mo na ako. Wag mo naman akong... wag mo naman akong paalisin." Umiiyak ako habang nagmamakaawa sa kanya.
"Hindi ganun kadali ang hinihingi mo, Robby." Malamig nyang tugon pagkaraan ng mahabang sandali.
"Sige, kung hindi mo ako mapapatawad agad, let me earn it. Let me earn your forgiveness, Ivory. Pagsisilbihan kita at aalagaan. Lahat ng gusto mo, ibibigay ko. Lahat, Ivory. Just let me stay with you." Muli kong pakiusap sa kanya.
Napakatagal na katahimikan ang bumalot sa amin bago sya muling nagsalita.
"Living with me is like living in hell, Robby." Waring pagbabanta nya sa akin. Ngunit imbes na matakot ay napangiti ako kahit luhaan pa rin ang aking mga mata. Isa lang ang ibig sabihin ng sinabi nya. Pumapayag na sya.
"Believe me, Ivory. Living without you is worse than living in hell." Seryoso kong sagot sa sinabi nya. Natigilan syang muli nang marinig ang sinabi ko na tila ba nagsisisi na sya sa ginawa nyang pagpayag. Pwes, wala ng bawian. I'm here to stay. Pero muli syang humirit.
"Baka pagsisihan mong bumalik ka pa, Salvador." Napangiti na ako ng tuluyan.
"Mas pagsisisihan ko siguro kung hindi ako bumalik, Vladimier."
"Tama na nga ang mga pakornihan nyong dalawa. Robby, tumayo ka na at alalayan mo nang magbanyo si Kuya." Utos sa akin ni Miggy. Agad naman akong tumayo mula sa pagkakaluhod. Pinunasan ko na rin ang mga pisngi kong basa bago ko hinawakan si Ivory at inalalayan sa paglalakad nya patungong banyo.
Alam ko na mahihirapan ako sa bagong role ko sa buhay ni Ivory but it'll be worth it, basta kasama ko sya.
....
Just imagine na pwet ni Robby yan at ang nakatatto ay 'Ivory Phoenix Vladimier'. hahahahaha
Oh, Khalil. Yan na yung napanaginipan mo. Hahaha