“Maghiwalay na tayo, Celes. Hindi ko na kaya ang kasinungalingan mo!”
“Aaron sandali—”
Ngunit hindi na naituloy ni Celesti ang iba pang sasabihin nang bigla siyang binabaan ng telepono ng asawa. Napakapit siya sa kalapit na upuan at humigpit ang pagkakahawak sa cellphone. Biglang sumikip ang dibdib niya at nahirapan siyang huminga. Dumausdos ang katawan niya paupo sa sahig. Ang pait sa kanyang lalamunan dahil sa pigil na pag-iyak ay tumindi at hindi niya mapigilang mapahagulgol.
“Bakit, mahal ko? Bakit?” Patuloy siya sa paghagulgol habang nakasalampak sa sahig. Tila ulan na bumubuhos ang kanyang luha at hindi niya iyon kayang pigilin.
Hindi akalain ni Celesti na matapos ang tatlong taong pagsasama nila ng asawa ay bigla na lang itong mag-a-announce ng divorce. Hindi niya kaya dahil mahal na mahal niya ang asawa.
Simula nang unti-unting malugi ang negosyo ng pamilya niya ay nagbago na rin ang trato sa kanya ni Aaron. Hindi na rin ito umuuwi sa villa nila sa Laguna dahil ayaw siya nitong makita. Hindi na alam ni Cel;esti kung saan pupulutin ang sarili. Ni wala na siyang maisustento sa sarili. Ilang araw na rin siyang gutom dahil ubos na ang supply ng pagkain niya. Lahat ng kanyang ipon ay naubos sa pagpapagamot sa kanyang ina na ngayon ay nakaratay sa ospital dahil hindi makayanan ang sinapit ng pamilya nila.
Maging ang kanyang ama ay hindi nakaligtas. Kinitil nito ang sariling buhay upang takasan ang magabundok na problema. Ang iba nilang kamag-anak ay tila hindi na sila kilala. Nag-iisa lang si Celesti kaya wala siyang ibang maaasahan kundi ang asawa niya ngunit kahit ito ay iniwanan na rin siya.
“Arghh!” Malakas na napasigaw si Celesti nang biglang sumigid ang matinding kirot sa kanyang sinapupunan. Then she felt wet flowing out from her openings. “No! No! Please, baby kumapit ka. Kahit ikaw man lang sana ang manatili sa akin… please, baby!”
Celesti dialed an ambulance, but before it came she passed out.
***
Nang magmulat siya ng mata ay puting kapaligiran ang sumalubong sa kanya at amoy ng gamot ang nanoot sa ilong niya. Muli siyang pumikit dahil bigla siyang nakaramdam ng pagkahilo. Her eyes remained closed until she heard slow and unhurried footsteps coming towards her.
“You awake?”
A familiar voice that gave Celesti excitement made her open her eyes. Pero nanatili siya sa pagkakahiga dahil hindi pa kaya ng katawan niya ang bumangon. Hindi niya alam kung nabagok ang ulo niya noong nahimatay siya at wala rin siyang ideya kung paano siya napunta sa hospital.
Matamlay siyang ngumiti at nilingon ito. It was Claud, the guy who always helps her. “Yeah…” Her voice was hoarse. Sinubukan niyang bumangon pero mabilis siyang nilapitan at pinigilan ng binata.
“Stay still, Celesti. Hindi pa kaya ng katawan mo ang bumangon. Hayaan mong pagsilbihan kita kung may kailangan ka.” Hinila ni Claud ang upuan na nasa isang sulok at umupo ito sa tabi ng kama. Kinuha nito ang kamay ni Celesti at marahang pinisil.
“No.I-i–” Celesti choked on her voice. Pero nanatili siya sa pagkakahiga. “How’s my baby, Claud? Ano’ng sabi ng Doktor? Ayos lang ba siya?”
Natigilan si Claud at hindi nakasagot. Iniwas nito ang mata kay Celesti.
“About that—“
Nahinto ang iba pa nitong sasabihin nang biglang bumukas ang pinto. Iniluwa niyon ang asawa ni Celesti kasama ang babae nito, si Steffi. Bumahid ang tuwa sa mukha ni Celesti pero nang makita ang madilim na mukha ng asawa ay biglang napalis ang kanyang saya. The temperature in the room turned cold. Ang maaliwalas na kuwarto ay tila dumilim
“What a disgusting wh*re! Ano, hindi ka na makapaghintay at dinala mo na ang lalaki mo rito? Tama lang pala na pinalaglag ko ang bata sa sinapupunan mo!” Lumapit si Aaron sa kama na kinahihigaan ni Celesti at may inihagis na papeles.
”A-anong sinabi mo?” Hindi makapaniwala na tanong ni Celesti. Binalewala niya ang papel na hinagis nito. Ni hindi rumihestro sa isip niya ang ibang sinabi ng asawa kundi ang tungkol lamang sa sanggol sa sinapupunan ang narinig niya. “A-anong pinalaglag?” Her voice choked. Hindi niya alam kung ano pa ang sasabihin. Basta naluluha na lang siya at sumisikip ang dibdib sa matinding kaba.
”You heard Aaron, Celesti. Wala na ang anak niyo kaya wala nang dahilan para panghawakan mo pa ang kasal niyo. Just sign the divorce papers so Aaron and I could get married.” Steffi wound her arm around Aaron's with a triumphant grin plastered on her face.
Hindi pa rin makapaniwala si Celesti sa narinig. Wala na? Wala na ang anak nila ni Aaron?
“B-bakit? Bakit nagawa mo sa akin ‘to, mahal ko? Paano mo nagawang patayin ang anak natin?” Nag-uunahan sa pag-agos ang luha ni Celesti. Ang sakit-sakit ng dibdib niya at halos hindi siya makahinga. It feels like something is squeezing her heart ‘till it bleeds dry. Ang nag-iisang pinanghahawakan niya sa relasyon nila ni Aaron ay nawala.
”Anak natin?” Matalim na sinulyapan ni Aaron si Claud at dinuro. “O anak ni’yo ng lalaki mo? I’ve been faithful to you, Celesti. Pero ikaw ‘tong sumira sa pagsasama natin! Pirmahan mo ngayon din ang papeles at kahit papaano ay may awa pa ako sa ‘yo para bigyan ka ng salapi.”
“Anong nagawa kong mali at tinatrato mo ako ng ganito, Aaron? Minahal kita. Tinulungan kita, pati ang papalubog mong negosyo, pero bakit ito ang iginanti mo sa akin? Did you even love me?”
Mapait na napatawa si Celesti pero puno iyon ng panibugho. Halo-halo na ang nararamdaman niyang galit at awa sa sarili at hindi na siya makapag-isip nang maayos. Kahit lumuluha ay nanginginig ang kamay na kinuha niya ang papeles na nagkalat sa kama at isa-isa iyong pinirmahan. Pagkatapos ay walang buhay na inabot niya iyon kay Aaron at walang emosyong nagsalita.
“Eto na ang gusto mo. Magagawa mo na ang gusto ni’yo ng babae mo. Now, get out. Ayaw ko nang makita ang pagmumukha mo.” Tinatagan ni Celesti ang loob kahit tila tinatarakan ng punyal ang puso niya. Kung ito man ang hatol sa kanya ng Diyos, kung ano man ang naging kasalanan niya, ay tatanggapin niya.
“Akin na!” Si Steffi ang humablot ng papeles. “Still acting so cocky?” ismid nito. “From now on, hinding-hindi na magpapakita sa ‘yo si Aaron dahil akin na siya. Magkaka-baby na kami kaya wala ka nang karapatan na panghimasukan ang buhay niya. Disgusting wh*re!” She spat.
Ikinuyom ni Joanne ang kamao. Nanghihina pa siya kaya ayaw niyang patulan ang babaeng sumira sa pamilya niya kaya pinigilan niya ang galit. Tahimik lang si Claud sa gilid at nagpapasalamat si Celesti dahil nirespeto nito ang desisyon niyang huwag ito mangialam.
“Here.” May inabot na tseke si Aaron.
Kinuha iyon ni Celesti pero hindi tiningnan kung magkano.
“Look at your state, Celesti. Dahil sa panlalaki mo kaawa-awa ka na. Ni inaabuluyan ka na lang ng isang milyong piso? Kawawa ka naman!” Steffi sneered. Pumilantik pa ang daliri nito habang nakatingin kay Celesti na puno ng pangungutya.
“Huh!” Celesti finally looked up as she crumpled the check on her hand. “Eto?” Itinaas niya ang tseke at sa harap ng dalawa ay walang pangingiming pinunit niya iyon.
Nanlaki ang mata ni Steffi at bumakas naman ang galit sa mukha ni Aaron.
“You!”
“Once and for all, get out.” Itinuro ni Celesti ang pintuan. “Kayo na ang nagsabi, ayaw ni’yong makita ang pagmumukha ko. Now, get out!” Tumaas ang boses niya na tila sinaniban ng kakaibang lakas.
Steffi rolled her eyes and sneered while walking towards the door. Her heels clanking the tiled floor, the only sound in the room sounded in the room.
Nang makaalis ang dalawa ay saka humagulhol si Celesti mula sa sakit na kanina pa niya pinipigilan. Mabilis naman siyang nilapitan ni Claud pero hindi niya ito hinayaang makalapit.
“Iwan mo muna ako, Claud. Gusto kong mapag-isa.”
Hinaplos ni Claud ang buhok ni Celesti saka hinalikan siya sa noo. “Alright. Please tell me if you need anything.”
Tumango siya. Nang makalabas ang binata ay bumalik sa pagkakahiga si Celesti. Eto na ang simula ng delubyo ng buhay niya. Pero hindi siya makakapayag na hindi makakaranas ng delubyo ang taong sumira sa buhay niya.