Chapter 1
"Ang sakit niyo naman po sa tainga, ma. Hindi ka po ba nauubosan ng laway riyan? Hindi ba sumasakit ang lalamunan mo sa kasesermon sa akin araw-araw? Tss." akma na akong tatalikod nang hilahin ni mama ang kamay ko sa aking kaliwang braso.
"Ganyan ba ang natutunan mo sa mga kaibigan mong puro pagpapaganda lang ang alam, ha? Kamille? Hindi kami nagpapakahirap ng ama mo para lang iwaldas mo sa kung anong luho na gusto mo. Lahat ng pagkakayod-kalabaw namin ay para sa pag-aaral mo. Kaya sana kaunting respeto naman sa amin ng ama mo, Kamille. Hindi ka naming pinalaking ganyan, hindi tayo mayaman, kaya umakto ka kung ano lang ang mayroon tayo!" walang humpay na bulyaw ni mama sa akin na ikinainis ko na.
"Kahit naman anong gawin ko, puro naman mali ang tingin niyo sa mga kilos ko, kaya ko namang mag-aral, ma. Nakakawalang gana lang kasi...dahil wala man lang kayong maibigay sa akin tuwing matataas ang marka ko sa klase. Puro sabi lang kayo ng I am proud of you, anak, ano 'yon? Nagagamit ko ba iyon? Nabibili ko ba iyon? Duh!" nag-walk out na ako at baka hindi ko kayaning kontrolin pa ang sarili ko.
Pagod na pagod na akong maging mahirap. Buong buhay ko, simula Elementarya, wala man lang akong natanggap na kahit anong magandang regalo galing sa kanila. Puro ukay-ukay o mga bigay lang ng mga kakilala.
Gusto kong maranasan ang kagaya nang nakikita ko sa iba kong mayayaman na kaklase, may mga magagandang bag, magagarang pencil cases, may mga baon na perang sobra-sobra.
Bakit pa kasi ako pinanganak na mahirap. Nakakainis!
Hanggang ngayong graduation ko, wala pa rin akong natatanggap na regalo. Gumala lang naman kasi ako kasama ang mga mayayaman kong kaibigan kasi inimbita nila ako na mag-pool party raw sa isa sa bahay ng kaibigan ko. Ginabi na sa pag-uwi kaya nabulyawan ni mama. Wala ngayon si papa sa bahay dahil nga nag-overtime sa trabaho niya sa munisipyo.
Ang trabaho nilang dalawa ay nasa munisipyo ng aming lungsod. Tiga arrange ng mga papeles o files, habang si mama naman ay tiga encode. Si papa lang ngayon ang nag-o-overtime. Maliit lang ang sinasahod nila sa munisipyo.
Sinabihan ko na nga silang umalis na riyan sa trabahong iyan dahil maliit ang sahod, pero gustohin man daw nila, pero hindi nila magawa, kasi raw wala naman daw silang natapos na degree. Mga highschool graduates lang silang dalawa.
Galit ako sa kanila dahil sila ang sinisisi ko palagi kung bakit hindi nila ako mabigyan ng mga bagay na gusto ko. Eh, kung tutuosin, ako lang naman ang nag-iisa nilang anak.
Palibhasa kasi, lulong din sila sa sugal. Wala na lang ibang ginagawa kung 'di waldasin ang ibang pera sa pagtaya ng lotto. Nagbabakasakali. Lalo na sa swertres. Tsk!
Kung sana ang itinaya nila, binigay na lang nila sa akin, magiging masaya pa ako.
Malalim na ang gabi, kaya nagpasya na akong pumasok sa loob ng aming bahay na yari lamang sa kahoy, ang sahig lamang ang sementado, ang bubongan ay nipa. Maliit lamang ang bahay namin, kasya lang kaming tatlo, may sarili akong kwartong maliit, namilit kasi ako sa kanila noon na gawan ako ng silid na akin talaga dahil ayaw ko silang makatabing matulog.
Nahihiya akong ipaalam sa mga kaibigan ko ang kalagayan ng buhay ko. Kinakahiya ko ang trabaho ng mga magulang ko at higit sa lahat ikinakahiya ko ang bahay namin kaya hindi ko pinapapunta ang mga kaibigan ko rito.
Baka ano pa ang masabi nila sa akin, ibang-iba ang pananamit at kilos ko sa paaralan, para akong isang mayamang anak ng isang mayor kung makaasta. Maarte ang paraan ko ng pananalita.
Ang saya na uniporme ay mas pinapaiksi ko pa, ang labi ay putok sa pula, blush on na pink at saka on fleek na kilay.
Lahat ng gamit na mayroon ako ay mga bigay sa akin ng mga kaibigan kong mayayaman. Pero hinihindian ko madalas ang bigay nila dahil sa mataas ang pride ko at ayaw kong palagi na lang bigay ang matatanggap ko. Kaya hindi nila alam na may sideline at raket akong trabaho para magkapera.
Walang nakakaalam, dahil hindi ko pinapaalam sa kahit na sino. Kaya napapansin ako sa paaralan namin na mamahalin ang gamit, may magagarang model ng phone. At higit sa lahat, laging nag-aaya ng libre sa mga kaibigan kong mayayaman din.
Ngayon, iniisip ko kung saan ako mag-aaral ng college. Wala rin namang binabanggit ang aking mga magulang sa kung anong kurso ang gusto kong kunin. Kaya wala akong choice kung 'di pumili ng course na kaya kong gastusan. Matalino naman ako, I am proud to say that, dahil totoo naman. Valedictorian nga ako e, saka, kahit naman ganito ako. May angkin akong mga talento at kakayahan.
Hinding-hindi ako gagaya sa mga magulang ko na mga highschool graduate lang. Dahil ayaw kong maging mahirap habang-buhay.
Bago matulog, naglalagay muna ako ng mga pang gabing skincare. Maalaga talaga ako sa mukha ko, lalo na sa katawan ko, lalong-lalo na at ito ang aking puhonan sa bawat raket na aking pinapatulan. Alam kong hindi madaling kumita ng pera, kaya nga mas napili ko ang trabahong ito dahil sa isang click lang, may pera agad.
Natapos na akong maglagay ng kung ano-ano sa mukha ko, nahiga na ako sa kama kong gawa lang sa kawayan at nilagyan ko lang ng banig. Tanging nagbibigay lamig lang sa silid ko ay ang hangin na galing sa maliit na ceiling fan.
Malamig din naman ang silid ko dahil ang dingding ay plywood lang. Basta kabuoan ng bahay namin ay nature friendly, tanging sahig lang ang sementado.
Kung nagtatanong kayo kung may TV kami? Siyempre...wala. Iyan ang kinaiinisan ko, kahit TV hindi man lang makabili. Saka kapag may project na kagaya ng mga papanoorin kami ng palabas na Sineskwela o Mathinik, nakikinood na lang ako sa kapitbahay. O 'di kaya ay ginagamit ko ang phone ko para makapag-video sa TV ng kapitbahay.
May inuutusan akong bata at binayaran para gawin iyon. Nakakahiya kaya kong makikinood lang.
Irap lang ako nang irap kapag naiisip ko ang mga kagagahan ko sa buhay dahil sa kahirapan na mayroon kami ngayon. Bwiset!