It's been days since the incident and it felt like yesterday. Ramdam niya pa rin ang takot noong gabing iyon kung kailan nangyari ang lahat. Some weird creature decided to attack sa kadahilanang hindi niya alam hanggang ngayon. At sa gabing iyon namatay ang lola niya. Juno was still unconscious. Nagigising ito ngunit agad ring natutulog so she never got the chance to ask him anything. And for some reason, after what happened, the monsters did not attack her again. She couldn't wait for Juno to wake up para sabihin sa kanya lahat nang nais niyang malaman.
Her grandma's funeral was quick. She didn't want it to last long. Sigurado din siyang iyon din ang kagustuhan ng lola niya. She placed her grandma's urn in her favorite spot—sa tabi ng bintana. She mourned for weeks. Kahit na hindi siya masyadong malapit sa lola ay inalagaan pa rin siya nito. And she blamed herself for her death.
Galit siya sa nangyari. Her grandma said they wouldn't hurt her ngunit namatay ito dahil sa mga nilalang na iyon. Somehow, she wished Juno would wake up. Para maipaliwanag nito ang lahat sa kanya. Para kung alam na niya ang dahilan, she wouldn't be blaming herself anymore. Ngunit alam niyang makasarili iyon. So she wallowed in her grief and blamed herself for what happened. Dahil kahit saang anggulo niya tingnan, siya ang dahilan. Siya ang puntirya ng mga nilalang na iyon. If she only stayed and gave they want kahit hindi niya alam kung ano iyon.
It was one afternoon while she was packing her clothes when she heard footsteps outside. Agad siyang lumabas para tingnan kung ano iyon only to see Juno walking around the living room. Wala itong saplot sa itaas at kitang-kita niyang bumabalik na ang lakas into.
"Juno?" tawag niya sa pinsan. Juno looked at her and tears were streaming down his face. Hindi niya napigilan ang sariling luha at napaiyak na rin siya. She never cried during her grandmother's funeral. All her pent-up emotions bottled up and now it's overflowing. She ran towards Juno at hinagkan ito. They both cried in the living room and that was when her grandma's death felt more real.
Juno was the first one to pull away from the hug. He wiped his cheeks hastily with the back of his hand.
"Juno, anong nangyari? Grandma told me they don't attack others except me. But...anong nangyari?" tanong niya and his cousin immediately knew what she was talking about.
"She lied to you, Ally. Glenrils attack whoever or whatever gets in their way."
At doon siya napahagulhol. Hindi niya mapigilang sisihin ang sarili sa pagkamatay ng lola. Agad naman siyang hinawakan ni Juno sa balikat.
"Hindi mo kasalanan ang nangyari. Glenrils did it to our grandma. Hindi ikaw."
"But—"
"You did what Grandma told you to do. Hindi mo alam. And besides, what grandma really wants is for you to be safe."
"Bakit ako? Anong kailangan nila sa akin, Juno? Bakit nila ako hinahabol? Did I do something I didn't know?"
Umiling si Juno sa kanya. "You didn't. It was the gods. They—" he sighed and looked at her. "What you saw in the past days, those were Glenrils. They're sea creatures. At ang sinabi ni lola sa 'yo noon, about sa isang diyos na babalik, he's coming very soon. And he will be with you. Ikaw ang una niyang hahanapin. But don't worry, he is not going to hurt you."
"A he?"
"Or a she. Depends. Gods have immortality. Pwede nilang palitan ang kasarian nila, depending on their mood and to somehow keep the boredom away but that's not the point."
"Our family has a long history with the gods. The god of the underworld—"
"Scias, yes. I have heard about him. Bukambibig iyan ni lola noon."
"Yes. He was cursed. His heart was taken out literally from him. Kaya naman unlike other gods, sina Miura at Dreylar, Scias didn't dare leave the underworld. Nanatili siya doon para bantayan ang pusong kinuha sa kanya. Dahil kapag makuha ito ng kung sino, pwede siyang mamatay. The way to kill him is to break his heart, literally."
"Anong kinalaman ko sa kwentong iyan?" direkta niyang tanong.
"Gaya ng sinabi ko kanina, our family has close ties with the gods simula pa noon. Milenya ang nagdaan at napanatili ni lola ang tradisyon. Umaasa si Lola na ikaw ang magiging susi para matanggal ang sumpa ni Scias and I was trained to protect you at all cost. The Glenrils attacked you because they don't want you to break the curse. I think you already know about the war between the gods."
She held up a hand dahil hindi pa rin siya makapaniwala sa narinig. Naaalala niya ang lola niya noon na pilit siyang pinabasa ng mga libro tungkol sa mga diyos ngunit hindi niya ito sinusunod. Kaya naman, minsan, pinilipilit nalang siya nitong making sa mga kwento. And somehow, she had little knowledge when it comes to the gods.
"What do you mean ako ang susi para matanggal ang sumpa?" She let out a breath. "Juno, baka nakakalimutan mong hindi ako naniniwala sa mga ganyan?"
"But you do now. After what happened that night, alam kong naniniwala ka na. Ngunit alam kong may parte pa rin sa iyo na hindi makapaniwala. Hindi kita masisisi. Take your time."
"And how am I supposed to break the curse?"
This time, umiling lang ang pinsan niya. "Iyan ang hindi ko na alam. Ikaw lang ang makakalam niyan."
She swallowed hard as she tried to digest what her cousin just said.
"What does...what does Scias look like? I mean, if...if he's coming for me then I should be at least aware of what he look like, right?"
Juno sighed. "More monstrous than the Glenrils. The underworld would shake in his wrath. Kaya niyang patayin ang lahat ng tao sa lugar na ito kung gugustuhin niya. Kung nakakatakot ang mga Glenril para sa'yo, mas nakakatakot si Scias. He appears on people's nightmare sometimes. But as you will be the one to break his curse, he won't hurt you," his cousin said, as if adding frosting on top of a terrible cake. It didn't assure her at all.
"But...but what if hindi ako iyon? What if I am not the one who will break his curse? Anong gagawin niya sa akin? How are you so sure na ako nga ang hinahanap niya?"
Natahimik si Juno habang nakatingin sa kanya. "You will instantly know once you see him. You'll see the sign."
Gusto pa niyang tanungin kung anong klaseng sign ang tinutuky nito ngunit biglang sumakit ang ulo niya. Ilang araw na rin siyang walang tulog at walang masyadong kinakain. She was just too preoccupied with what had happened that she lost her appetite. Natatakot rin siyang matulog sa gabi dahil baka biglang umatake ang mga Glenril and take her and Juno. Hindi niya hahayaang mangyari ulit iyon.
And now that Juno is awake, she felt at ease. And it was then that she felt the hunger and the sleepiness. Ngunit mas nanaig ang antok niya at hinayaan ang sarili niyang matulog. The last thing she remembered was Juno putting a blanket over her.
The forest was dark as usual at ramdam na ramdam niya ang lamig ng panahon. Her clothes were not thick enough to shield her body from the cold. Sa pagkakaalala niya'y nasa kalagitnaan sila ng summer ngunit hindi niya matiis ang lamig ng panahon. She knew that it's just a dream ngunit naramdaman niya ang kirot sa kanyang braso. It was the same cut she got that night she was being chased by a Glenril. Fear started to build up in her system at nagpalinga-linga siya sa paligid, making sure she was alone and no Glenril was there. And then she heard whispers. Tila nagbubulungan and mga puno sa paligid niya. It started to become louder and louder until she could make out what they were whispering about.
"It's her..."
"It's her..."
Nagsimula siyang maglakad hanggang sa naging takbo iyon. Tumakbo siya nang napakabilis. Hindi niya ininda ang mga sanga na sumasabit sa damit niya o ang mga sugat na natatamo niya sa matutulis na sanga. It felt like the trees were doing it on purpose. Tila sinasadya ng mga itong sugatan siya ngunit hindi siya nagpatalo. Mas binilisan pa niya ang pagtakbo hanggang sa nagpagulong-gulong siya sa lupa. Her body ached all over at halos hindi na siya makatayo sa sobrang sakit.
Dahan-dahan siyang bumangon, grunting with the pain. And when she looked at the forest where she came from, a dark figure was moving--walking slowly towards her. Hindi niya makilala kung sino iyon or kung ano man iyon. Ngunit ang takot na naramdaman niya noon sa Glenril ay walang-wala sa takot na nararamdaman niya ngayon.
Gusto niyong tumakbo ngunit hindi siya makagalaw. Napako siya sa kinauupuan at tiningnan ang nakaitim na pigura na palapit sa kanya. And then the whispers started again.
"It's her..."
"It's her..."
Paulit-ulit nila itong binibigkas hanggang sa tila sumisiksik sa tenga niya ang mga bulong nito. And she couldn't take it anymore, she covered her ears and screamed to drown the sounds.
And then she woke up. Nagpalinga-liinga siya sa paligid only to realize she was in a car. Masyado yatang mahimbing ang tulog niya dahil hindi man lang niya namalayang inilipat siya ni Juno sa kotse. Nang tingnan niya ito ay nakatingin ito sa kanya -- no -- on her neck where her necklace is supposed to be.
"Nasaan ang kwintas?" tanong ni Juno.
Humikab siya at hinawakan ang leeg kung saan naroon sana and kwintas.
Tiningnan niya ang pinsan sabay sabing, "Isinangla ko na."
"Ano?" bulyaw ng pinsan niya. She could have sworn his voice echoed throughout.
"Bakit? Anong problema?"
Tila nakakita ng multo ang pinsan niya habang nakatingin sa kanya. Namumutla rin ito sabay sapo sa mukha.
"Please tell me you're joking," saad nito ngunit umiling siya.
"Bakit ako magbibiro ng ganyan? Sinangla ko kasi wala akong pero panggastos sa burol ni lola. Mahal magpacremate!"
Napapikit nang mariin si Juno na parang hindi makapaniwala sa narinig. "Oh my god," saad ng pinsan niya habang napasapo sa mukha.
"Bakit ba? Babalikan ko naman iyon kapag nagkapera na ako—"
"No. Kailangan na nating kunin iyon. We have to get it. Hindi mo dapat sinasangla 'yon! Ally naman!" Agad nagmaneho si Juno papunta sa sentro kung nasaan ang pawnshop na pinagsanglaan niya. Mag-aalas kwatro na ng hapon at hula niya'y nagsasara na ang pawnshop. Ngunit hindi na niya sinabi kay Juno iyon dahil baka mas lalong mastress. She just have to wait for him to get stressed later.
But to her surprise, bukas pa ang pawnshop. Juno didn't say another word at agad nagpunta sa pawnshop. Sumunod naman siya. Walang sabi-sabing pumasok ito kung nasaan ang mga empleyado dahilan para magulat ang mga ito. The guard had his gun pointed towards Juno at hindi niya maiwasang mapamura.
Agad siyang tumakbo papunta doon ngunit hinarang siya ng guard. Inaakala siguro nito na kasabwat siya ni Juno.
"Teka lang. Nagkakamali po kayo. Hindi po kami narito para mangholdap," panimula niya at tiningnan nang masama si Juno. At mukhang natauhan naman ito dahil bigla itong tumikhim at inayos ang suot na coat. Napapikit nalang siya nang mariin.
Juno then bowed to apologize at lumabas doon habang nakataas ang dalawang kamay.
"Pasensya na po talaga, may ADHD po kasi itong pinsan ko. Madaling maexcite. I am so sorry." Hingi niya ng paumanhin. Napakurap naman ang guard at ang mga empleyado sa loob ay tahimik na nanunuod na para bang inaasahan nilang kahit anong oras ay maglalabas siya ng baril. Napabuntong-hininga nalang siya. Juno stood beside her, halatang nahiya sa nagawa. Nginitian niya ang mga empleyadong kabado pa rin sa nangyari.
"Pasensya na po pero naalala niyo pa po ba ako? Nagpunta ako dito noong nakaraang linggo. Ako po iyong nagsangla ng kwintas," magalang ninyang tanong.
One of the employees recognized her. "Ah, oo! Naalala kita. Gusto mo bang kunin ulit iyon?"
At doon niya napagtantong wala siyang perang pantubos. Ngunit labis nalang ang gulat niya nang lumapit si Juno at naglabas ng pitaka. Napaatras naman ang empleyado sa loob, halatang takot pa rin kay Juno. He cleared his throat before he asked, "How much do we owe?"
Napakurap ang empleyado bago kumuha ng isang pirasong papel at ibinigay iyon kay Juno. Napapikit naman nang mariin si Juno nang makita ang presyo niyon.
"'Wag kang mag-alala, may natira pa namang pera doon. Hindi ko naman naubos 'yon no."
Juno didn't say anything at inilagay ang pera sa isang maliit na basket na lagayan ng pera. "Please wait a moment," saad ng empleyado bago nagpunta sa likod kung saan nakadisplay ang mga alahas. Kinuha nito ang isang asul na kahon saka ibinigay sa kanila. Tiningnan niya iyon at napahinga nang maluwag nang mapagtanto niyang ito nga ang kwintas na isinangla niya. Ngunit labis nalang ang gulat niya nang marinig si Juno na napasigaw dahilan para magulat din ang mga empleyado.
He then looked at her, as if he just saw a ghost, and then back to the necklace that was neatly placed on the box. His jaw slacked and he staggered on his feet.
"Ano bang problema mo, Juno?" inis na tanong niya dito.
"Wala na," he mumbled.
"Anong wala na?"
"Wala nang saysay ang kwintas na iyan. That doesn't have a value anymore."
"Anong ibig mong sabihin? Ang mahal-mahal ng binayad mo tas sasabihin mo 'yan?"
Imbes na sagutin siya ay hinablot nito ang kwintas mula sa kahon at ipinakita iyon sa kanya.
"There's nothing inside the pendant anymore," saad nito and when she looked closer at, tama nga si Juno.
Wala nang laman ang loob ng pendant. And somehow, she has a feeling it was bad news.
* * *