FOUR

1671 Words
It was cold and the rustling of the leaves and the soft breeze were comforting to hear. Nasa probinsya na nga siya and the smell of the sea was somewhat nostalgic. She used to stay in the sea for the whole day kahit na sinasaway na siya ng kanyang lola na huwag maglaro sa dagat. But of course, hindi niya sinunod iyon. She has a knack for making her grandma furious just by doing the opposite of what she's told to do. Kaya naman mas lalo pa niyang dinalasan ang pagdalaw sa dagat. She doesn't enjoy it that much. Though, she could somehow find comfort in it, the main reason kung bakit siya nananatili doon ay dahil sa nagagalit ang lola niya kapag ginagawa niya iyon. She became really furious one day that she decided na ikulong siya sa kanyang kwarto and would only be given food and water. Little did her grandma know, she finds it more comforting in the dark corners of her room. And she never found out why. Napalingon siya sa paligid. Alas kuwatro na ng madaling araw. The surrounding was full of fog that the only sign she could see that there are people around are the lanterns they're carrying. Sa bandang kaliwa kasi nila ay may malaking strawberry farm. And she could see the elders in their thick coats and their lanterns picking up the strawberries. "Mga lola!" she yelled and waved her hand. Kahit hindi niya masyadong nakita ay kitang-kita niya ang paglingon ng mga ito sa direksyon niya.  "Ako po ito! Si Ally! Magandang umaga po sa inyo!" bati niya sa mga matatanda. Nagkatinginan ang mga ito bago kumaway pabalik.  "Ally, hija! Mabuti naman at napadalaw ka!" sigaw ng isang matanda. Siya si Lola Karina, ang bestie ng lola niya. Pinagtatanggol siya nito palagi mula sa kanyang lola. Malaki ang pasasalamat niya sa matanda noon. She gave a small bow bago kumaway muli at pumasok sa loob ng sasakyan.  "Naghihintay din si lola sa 'yo sa bahay," saad ni Juno and just thinking about it made her stomach churn.  "That doesn't sound reassuring at all," she blurted out and sighed as she leaned back on her seat. She closed her eyes and tried to imagine her grandma's face the moment she sees her. Iniisip pa lang niya, nananayo na ang balahibo niya.  She faced Juno. "Bumalik nalang kaya ako sa syudad?"  Binigyan lang siya ni Juno ng blankong tingin sabay sabing, "Pwede naman. Pero maglalakad ka pabalik." She clicked her tongue and sighed. It's been a couple of years since she last saw her grandma. Kung noon, binabalewala lang niya ang mga sermon nito, hindi niya alam kung magagawa niya iyon ngayon. For some reason, kinakabahan siya sa maaaring mangyari.  "Lola is fine. Parang hindi ka na nasanay, Ally," Juno said, trying to assure her. Binigyan lang niya ito ng masamang tingin.  "You think I'll be assured with that? You said she's different now. You said she became more intense. She'll nag me twice as intense before. Do you know what that means? Baka pagkatapos ng isang pitong araw kong pananatili ko dito, magkakaroon ako ng depression," litanya niya at napahilot sa sentido.  She heard Juno chuckled. "You're strong. You can face her wrath without even batting an eyelash." Then he made a gesture as if saying 'you got this!' She just rolled her eyes.  Juno made a turn and every detail on the road hit her like a huge wave of memories--good or bad. Napangiti nalang siya sa sa naaalala. She could remember the time sa mismong daan na ito at hinahabol siya ng lola niya ng itak dahil kinuha niya ang pagkaing inihain nito sa altar. Wala naman siyang malay na para pala iyon sa mga diyos. Kinuha niya lang iyon dahil masarap tingnan. Naalala pa niya ang sinumbat niya sa kanyang lola noon: "Sabi mo mabait ang mga diyos na iyan, hindi sila magagalit pag kinain ko tong pagkain nila. Gutom yung tao tas magdadamot pa sila."  Hindi siya binigyan ng hapunan ng lola niya.  "We're here," announced Juno dahilan para manlamig siya. She took a deep breath bago lumabas habang abala naman si Juno sa pagkuha ng mga gamit niya mula sa likod ng sasakyan.  The house looked the same. Malaki ito. May anim na kwarto para sa lahat ng anak ng kanyang lola. One for her mom and one for Juno's dad and the rest of the siblings are living in other cities and countries at may mga sarili na ring mga pamilya. Sila nalang ni Juno ang natira sa kanilang lola. And she noticed the paint was dull enough that she noted in her mind na pipinturahan niya iyon habang mananatili siya dito.  The door opened with a loud thud dahilan para mapalingon siya sa pinanggalingan nito. And then she heard footsteps, careful and heavy. She straightened her back at hinarap ang pintuan.  And when her grandma stood in the door, muntik na niyang hindi ito makilala.  She sighed. "Kakaalay mo sa mga pagkain sa mga diyos mo wala nang natira sa iyo, la. Kumakain pa po ba kayo?" tanong niya habang naglalakad palapit sa matanda. She crouched down a little at kinuha ang kamay nito para magmano. And the moment she let go of her hand, mabilis nitong nakuha ang tungkod at inihampas sa kanya.  "Punyeta kang bata ka. Ngayon ka lang nakauwi matapos ang ilang taon tapos ganyan ang ibubungad mo sa akin?" bulyaw ng kanyang lola habang patuloy siya nitong hinahampas ng tungkod. Mahina lang iyon marahil ay wala nang masyadong lakas ang kanyang lola. Agad namang hinila ni Ally si Juno para gawin itong panangga mula sa kanyang lola. "Oo nga po! Kakabalik ko lang matapos ang ilang taon tas hampas ng tungkod niyo ibubungad niyo sa 'kin. Na na kayo naawa ang sakit ng katawan ko," reklamo niya. Her grandma let out a frustrated sigh at pinandilatan siya ng mata.  "Sinasabi ko lang naman po na ang payat niyo na. Kumakain po ba kayo dito? Kung wala na ho kayong pagkain, iexplain niyo muna sa mga diyos na kung pwede excuse ka muna ngayong araw--"  "Aba! Hindi ka pa rini nagbabago bata ka!" Bumaba na nga ito't madaling naisuot ang tsinelas saka siya nilapitan at pinaghahampas.  "Aray ko, la!" daing niya. Habang si Juno naman ay tumatawa lang kahit minsan ay natatamaan rin ito ng mga hampas ng kanilang lola.  "Kita mo na, Juno? Anong ineexpect mong mangyayari sa pananatili ko dito? Baka pag uwi ko ng syudad wala na akong mga lamang loob dahil kinuha na ni lola," reklamo niya sa pinsan. Tumawa lang ang huli.  "At anong akala mo sa akin? Mangkukulam? Halika nga rito at maturuan kita ng leksyon bata ka. Ilang taon na akong nagtitimpi sa 'yo."  And the chase went on for minutes at hindi niya na maalala kung paano nahinto iyon. After moments of chasing her around, napagod din ang lola niya at pumasok sa loob ng bahay. Of course, she didn't go without banging the door so loud hula niya'y nahulog ang mga picture frame na nakasabit sa dingding.  Juno looked at her and smiled sheepishly.  "Ganoong senaryo ba ang aasahan kong mangyayari araw-araw while staying here?" tanong niya kay Juno as they sat on the sofa. The TV was turned on. Nakasanayan na yata ng lola nila na i-oon ang TV kapag nasa sala sila. They would instantly behave when the TV is turned on. Her grandma still thinks that turning on the TV would have the same effect today. Ang hindi nito alam, mas effective ang panghahampas nito ng tungkod.  Their grandma emerged from the kitchen habang may bitbit na tray. Agad silang napatayo at nilapitan ito para kunin ang hawak na tray.  "Lola, bakit pa ho kayo nag-abala?" Kinuha niya ang tray at agad naman siya nitong hinampas sa braso.  "Anong gusto mong gawin ko, ha?" bulyaw na naman nito. Narinig niya ang mahinang bulong ni Juno na tigilan na ang kanilang lola.  Napangiti nalang siya habang naglalakad pabalik sa sala. Inilapag niya ang tray sa mesa saka umupo.  Their grandma turned the TV off at hinarap silang dalawa ni Juno. Bigla siyang kinabahan. Dahil alam na niya ang pag-uusapan nilang tatlo.  "Oh god, please spare me. Kakarating ko lang," mahina niyang bulong pero sapat na iyon para marinig ni Juno. Juno elbowed her gently. Warning her to keep her mouth shut kung gusto pa niyang mabuhay. She obliged.  Umupo ang kanilang lola sa kaharap na silya bago sila nito tiningnan. "Nalalapit na ang oras," saad nito.  "Oras po para saan?" tanong ni Alaska. Sa isip niya'y huwag naman sanang sabihin ng lola nila na malapit na itong mamatay. Kahit puro hampas ang inabot niya rito, hindi niya gustong mawala ang lola niya.  "Malapit na ang pagbabalik niya," saad ng lola. Juno and Ally looked at each other, trying to figure out who their grandma is talking about.  "Sino po?"  Then their grandma looked at her. Her eyes were wide na para bang nasisindak ito sa kung ano man. Then her grandma grabbed her hand and squeezed it so hard she squirmed. "Malapit na siyang magbalik. Kailangan nating maghanda!"  "Lola--"  Agad naman siyang binitawan ng lola saka uminom ng juice na nakalapag sa mesa. "Milenya na ang lumipas. Hindi ko alam kung bakit napagdesisyunan niyang bumalik ngayon. Kailangan mong mag-ingat, Ally. Kailangan mong maging mapagmatyag," her grandma warned and she couldn't help but feel creep out kahit hindi niya alam kung ano ang pinagsasasabi ng matanda. "Hindi ko na alam ang magiging kahihinatnan kapag napunta siya dito. Pero sigurado ako sa isang bagay, Ally. They will protect you. Kasi mahal ka ng mga diyos." "Sana all mahal--"  "Ally," Juno called, his voice was thinning with patience. Tiningnan lang siya ng pinsan and she cleared her throat.  "Sino po ba itong darating? Bakit kailangan nating paghandaan?"  And her grandma looked at her dead in the eyes before she said, "The Lord of the Underworld is coming."  Her stomach turned leaden.  * * *
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD