Another Chance for Love Chapter 14

1085 Words
Nasa Fan Signing ang AA Band ngayon kaya naman nag- update na lamang si Ace kay Gabbie na hindi sya nito masusundo sa trabaho. Okay lang naman sa dalaga dahil magkikita kita sila ng kanyang kababata na si Louise at Nicholo. "Hi Ace" bati ni Veronica na nakahanay para magpa autograph. "hello" sagot naman nito. "pumila pa talaga ako ha para lang sa autograph mo. hindi mo kase sinasagot ang mga tawag ko" wika nito habang nakaupo sa harapan ni Ace at hinihintay ang album ng AA band na pinipirmahan ni Ace. Si Veronica ay kasamahan nya noon sa Banda pero nag desisyon na maging solo artist. Nang matapos ang fan signing ay agad syang dumeretso sa bahay nila Gabbie ngunit wala pa ito doon kaya naman nag desisyon syang mag hintay na lamang sa inuupahan nyang unit na pag-aari nila Gabbie. "grabe ka Gabbie ha? kung hindi ko pa napanood ang concert sa TV hindi ko pa malalaman" sabi ni Louise dito sabay irap. "sorry bruh. balak ko naman talagang sabihin sa inyo ni Nick kaya lang naisip ko abala kayo sa sarili nyong buhay diba? kaya sa personal ko sana sasabihin pero nauna na yung concert sa pag- uwi nyo dito sa Pinas kaya hindi ko na nasabi sa inyo" paliwanag ni Gabbie. "pero di ko talaga akalain. totoo pala yung sa bouquet at garter" natatawang sabi ni Louise "akala ko kasabihan lang yun e" dagdag nito sabay subo sa kinakain "bakit nga ba napasagot ka agad ng lalaking yon?" matabang na tanong ni Nicholo "hmmm. di ko rin alam e. basta para akong nahipnotismo" sagot naman ni Gabbie sabay kibit ng kanyang balikat "ehem ehem. i smell something fishy" pang- asar naman na sabi ni Louise "ano ba kayo! kahit may boyfriend na ako hindi ko kayo kakalimutan" sabi ni Gabbie "kunwari ka pa! kinalimutan mo na nga kame e!" biro naman ni Louise. Tinutukoy pa rin nito ang hindi pagsasabi ni Gabbie sa kanila na mayroon na syang kasintahan. "kayo naman tampo agad e! ohh sya group hug muna" sabi ni Gabbie sabay yakap sa dalawa nyang kababata. "na miss ko kayong dalawa" dagdag nya pa. Marami pa silang napag kwentuhan kaya naman inabot na sila ng gabi bago makauwi. Inihatid muna nila si Gabbie sa bahay ng mga ito bago umuwi sa kani- kanilang tahanan ang dalawa nyang kababata. Pagkadating nya sa loob ng bahay ay nakita nya si Ace na tulog na tulog sa sofa. "Babe" gising ni Gabbie dito habang inuuga ang katawan aalis na sana si Gabbie para maligo muna ngunit nahawakan na agad sya ni Ace sa pala pulsuhan ata agad na hinila papalapit sa kanya dahilan para mapahiga sa kanya si Gabbie. "bakit ngayon ka lang? kanina pa kita hinihintay. Nainip na ako sa unit ko kaya lumipat ako dito" mahinang saad ni Ace sabay yakap ng mahigpit kay Gabbie. "sorry babe. napasarap ang kwentuhan naming tatlo nila Louise kaya inabot ako ng gabi" sagot ni Gabbie sabay tugon sa yakap ng kasintahan. "ang sarap sa pakiramdam na yakap ka babe nakakawala ng pagod" sabi ni Ace dito sabay ang mabilis ngunit sunud- sunod na halik sa labi ni Gabbie. "kumusta ang fan signing nyo?" tanong ni Gabbie habang nasa ganun la rin silang posisyon. "it turned out ok" sagot naman ni Ace. "that's good to hear" sabi ni Gabbie. Gusto pa sanang mag linis ni Gabbie ng kanyang katawan at mag palit ng damit subalit napipigilan sya ng animo'y nakaka hipnotismong amoy ng kanyang kasintahan. "I love your scent babe" bulong ni Ace sa kanya. "the feeling is mutual pala" wika naman ni Gabbie sa kanyang isipan Nakatulog na sila sa ganitong posisyon. buti na lang at walang pasok kung hindi ay male- late sya dahil napa sobra ang himbing ng tulog nya. "Ang bango ba naman kase ng katabi mo e ewan ko lang kung hindi ka tanghaliin. Ang lapad pa ng balikat. haaay". pilyang sabi ng kanyang isipan. pinag masdan muna nya si Ace bago dahan dahang kumalas sa pagkakayakap nito para mag bihis at mag luto ng almusal. Alas onse na pala ng umaga kaya nakakaramdam na sya ng gutom. sakto namang tapos na sya kanyang ginagawa nang magising si Ace. "ang bango naman" saad ni Ace na nakayakap sa kanya mula sa likuran. "buti naman at gising ka na. bubuhusan na sana kita ng sabaw ng sopas e" pabirong sabi ni Gabbie dito sabay tawa. "grabe ka naman mag mahal. ang brutal" sagot ni Ace at sabay silang nagkatawanan. "sige na kain na tayo" sabi ni Gabbie sabay baba sa mesa ng sinandok nyang sopas para kay Ace "Thanks babe. Baka masira ang diet ko nito pag laging masarap ang almusal" sabi naman ni Ace. "nambola na naman sya" sagot ni Gabbie sabay subo ng sopas. "kidding aside babe. ang swerte ko kase maganda ka na magaling ka pang mag luto" sabi ulit ni Ace "oo na nga!" natatawang sabi naman ni Gabbie hindi pa natatapos ang pagkain nila ng may kumatok sa pintuan. Agad naman itong binuksan ni Ace at tumambad ang anyo ni Nicholo. "oh bakit ka nandito?" tanong ni Ace na salubong ang kilay "dinalaw ko lang si Gabbie" sagot nito sabay pasok sa bahay. "bakit mo dadalawin wala naman syang sakit" sagot ni Ace at sumunod ito kay Nicholo. "bakit bawal bang bumisita sa KABABATA?" sabi naman ni Nicholo na diniinan ang huling sinabi "mag tigil nga kayong dalawa" saway ni Gabbie "ipagpatuloy mo na ang pagkain mo babe" sabi ni Gabbie kay Ace sabay tayo para ipagsandok si Nicholo ng pagkain "upo ka Nick" sabi ni Gabbie sabay abot ng sopas dito Tila naman may tensyong namamagitan sa dalawang lalaki kaya agad na pumagitna si Gabbie sa mga ito. "what brings you here?" tanong ni Gabbie sa kababata "here" sagot ni Nicholo sabay abot sa maliit na paper bag na puno ng chocolate "wow! ang dami naman nito Nick. salamat. parang batang sabi ni Gabbie "magkaka diabetes ka dyan babe" inis na sabi ni Ace. "diabetes agad?" sabi naman ni Nicholo. "kada ako uuwe galing ibang bansa dinadalhan ko sya bakit hindi na sya nagkasakit?" tila nang- aasar naman na sagot ni Nicholo "pwede ba? kumain na nga lang tayo" sabi naman ni Gabbie Pagkatapos kumain ay agad na nag paalam si Nicholo dahil may meeting pa daw itong pupuntahan. Maya maya naman ay napag desisyunan ng mag kasintahan na manood ng sine na pinag bibidahan ng isa sa sikat na love team sa Pilipinas.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD