bc

Austin Martin Beko — The Tun-Og Boy's Series 1

book_age16+
627
FOLLOW
2.2K
READ
revenge
others
contract marriage
inspirational
sporty
drama
bxg
serious
enimies to lovers
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

Sa hirap ng buhay, ang alam lamang gawin ni Austin ay kumayod araw-araw. Madalas man mapagkamalang pulubi, binabalewala lamang niya iyon, basta ang pangarap niya ay maging tanyag sa lipunan.

Kasama ng kanyang mga kaibigan, natupad ang pangarap niya na maging isang car racer. Ayos na sana ang lahat ngunit dumating ang isang avid fan na minanipula ang buhay niyaーsi Nimfa Manansala, a rich scarred face woman in town na takot magpa-opera dahil baka mas lalong masira ang mukha niya. 

Everyone called her a monster because of her appearance. Ayaw din ni Austin sa kaniya dahil sa ginawa nitong pangmamanipula.

Sa ginawa ng dalaga sa buhay ni Austin, kayanin kayang mahalin siya ng binata? 

Ano ang mangyayari sa pagitan nilang dalawa kung sa umpisa pa lamang ay kinamumuhian na siya nito? 

Mananatili na lamang bang magkagalit sila kung biglang may mag-uugnay para maging malapit silang dalawa? 

chap-preview
Free preview
Chapter 1 Sideline
Halos maligo na sa pawis ang binatang naghahakot ng banye-banyerang isda sa palengke. Alas kuwatro pa lamang nang madaling araw ay nagsisimula na siyang magbanat ng buto. Tatlong banyera pa ang ibababa niya sa pick-up truck, at pagkatapos ay makakapagpahinga na siya kahit sandali. Ganito lagi ang kanyang daily routine, suki siya bilang kargador sa palengke at waiter naman sa gabi. Hindi pa rin siya kumakain ng almusal dahil hinihintay niyang bayaran muna siya ng may-ari ng naturang banyerang binuhat niya. Naubusan kasi siya ng pera dahil nangailangan ang isa niyang kaibigan ng medyo malaking halaga. Nag-ambagan silang limang magkakaibigan upang matulungan ang isa sa kanila. Pagod at gutom man, pero masaya naman siya sa ginagawa niya. Pinunasan niya ang tumutulong pawis mula sa mukha na halos nangingintab na. Okay lang naman iyon, wala siyang pakialam. Kahit naman ganoon ang itsura niya araw-araw hindi nababawasan ang pagiging magandang lalaki ng binata. Marami pa rin naghahabol sa kanya, kahit mukha siyang gusgusin. Kasalukuyan siyang nasa wet market at mamaya lamang ay pupunta naman siya sa gulayan upang doon naman maglipat ng mga nakasakong gulay naihahatid sa mga puwesto nang nagtitinda nito. Suki siya bilang kargador sa palengke. Sa hapon naman ay umeekstra siya bilang waiter sa isang kainan sa may Malate. Tubong Quiapo siya, pero sa dami niyang ekstrang trabaho, kung saan-saan siya napapadpad sa buong ka-Maynilaan. Sa gusgusin niyang ayos, madalas siyang mapagkamalan na pulubi. Minsan ayos lang sa kanya kasi binibigyan naman siya ng pagkain o pera ng kung sino ang maawa sa kanya. Sa murang edad nasa lansangan siya, sanay na sanay na sa takbo ng buhay roon. Itinaboy siya ng sariling kamag-anak matapos maulila sa magulang. Naaksidente kasi ang mga ito sa bus na sinasakyan. Maraming pasahero ang namatay kasama na ang magulang niya. Nasa kinse anyos siya noon ng maulila. Nahinto rin siya sa pag-aaral dahil hindi niya kayang tustusan ang kanyang kinabukasan. Sakto lamang ang kinikita niya para sa pang-araw-araw. Nakatira sila sa isang maliit na barong-barong sa iskwater. Inuupahan nilang anim na magkakaibigan iyon. Ambag sa bayad ng bahay, na isang-libo at limang-daan piso kada-buwan. Ilaw lamang ang babayaran nila dahil nakikiligo na lamang sila sa poso ng kapitbahay. Masaya ang buhay kahit na mahirap tahakin. May lima siyang kaibigan na madalas niyang kasama at sabay na nangangarap sa buhay. Sina Benz Heng De, chinito ang itsura nito at maputi, Bryan Mark Wolfgang, moreno at guwapo, Audi AL Ain, mukhang arabo na guwapo, Porsche Natividad, mukhang espanyol at moreno rin ito, Bugatti Speed, maangas kung tingnan pero mabait naman. At siya si Austin Martin Beko, pinoy look, pero guwapo at malakas ang appeal. Sila ang tinatawag na Tun-Og Boys sa Quiapo. Ibig sabihin ay mga batang kalye. Mababait at walang bisyo. Hindi nila portrait iyon, dahil ang mahalaga sa kanilang pagkakaibigan ay magtrabaho at yumaman balang araw. Ilan sa kanila ay hindi maiwasan maging babaero dahil na rin sa angking gandang lalaki. Sila na hinahabol at inaakit ng kababaihan, kaya grab the chance, ‘ika nga. Sa edad na bente makikita ang kanilang taglay na ka-matchohan. “Austin, sasama ka ba mamaya? Pupunta kami nila BMW (Bryan Mark Wolfgang) sa race track. Manonood kami ng car racing. Ano, join ka? May sideline ka pa ba mamaya?” tanong ni Benz sa kanya. “May waiter sideline ako mamaya, pero hanggang alas diyes lang ng gabi. Anong oras ba magsisimula ang car racing?” “Alas onse raw. Para hindi mainit sa mata ng mga parak, kaso medyo malayo, sa Macapagal road daw ang venue. Sama ka, hintayin ka namin mamaya?” “Sige, sama ako. Kita na lang tayo sa may sakayan ng dyip papunta sa venue nila. Diretso na ako roon, mamaya,” sabi niya sabay subo ng banana que na binili at higop na rin ng samalamig, dahil nakaka-uhaw naman talaga ang init ng panahon. “Okay. First time ito, dahil ngayon lang tayo makukumpleto manood ng car racing. Lagi ka rin kasing busy, dude! Sana may makilala tayong sikat na racer doon, magpapa-autograph ako. Puwede mo ba akong puslitan ng papel at ballpen sa restaurant na pinagtatrabahuhan mo? Wala kasi ako no’n!” muling saad ni Benz sa kanya. Kwek-kwek naman ang kinakain nito at sinasabayan na higop ng suka. Maanghang kasi na manamis-namis ang pagkaka-timpla, pasok sa taste ng binata. “Okay, dadamihan ko na, baka gano’n din gawin ng iba nating mga kaibigan, ihahanda ko na lang,” aniya. Kasalukuyan silang magkasama ni Benz dahil sabay silang maagang natapos sa pagbubuhat ng mga paninda sa palengke. Hinihintay nila ang iba, habang kumakain ng banana que at kwek-kwek. Sapat na iyon sa almusal nila. Sanay na rin naman sila na hindi masyadong kumakain ng kanin, dahil ang mahal ng bigas at wala silang oras na magluto. Kung ano lamang ang makikita nilang lutong pagkain sa madaraanan nila, iyon na ang bibilhin nila lalo na si Austin. Matipid at masinop sa pera ang binata. Kaya madalas siya ang utangan ng mga kaibigan. Para na rin kapatid ang turing niya sa mga ito, kaya minsan hindi siya naniningil ng utang nila. Magkasing-edad man, pero siya ang mas matured mag-isip, kung ano ang sabihin niya, lahat sumusunod sa kanya. Kuya ang turing ng mga kaibigan ni Austin sa kanya, at proud siya roon. Sila ang naging pamilya niya mula nang mapadpad sa lansangan. Dati-rati`y mga gusgusin ang mga kaibigan niya, pero nang makilala siya medyo naging maayos na ang mga itsura nito. Mula sa pangangalaga noon ngayon kargador at waiter siya. Isa lamang ang hilig nilang anim, ang manood nang nag-uunahang sports car. Pangarap nilang maging isa sa mga iyon kaya nagsisikap sa buhay para kung palarin man at matutong nagmaneho ng sasakyan, hindi sila magdadalawang-isip na tahakin ang kinahuhumalingan sports. Mabilis lumipas ang oras at katatapos lamang ni Austin sa huling serve niya ng pagkain. Alas diyes na, oras rin ng out sa trabaho. May papalit sa kanya kaya maaga siyang makakauwi. Routine sila. Mabait ang may-ari ng restaurant dahil halos lahat nang kinuha nitong trabahador ay puro extra. Hanggang alas dos ng madaling araw bukas ang naturang kainan. At magbubukas naman ito kinabukasan ng alas onse ng umaga. Tuwing alas sais ng gabi ang simula niya hanggang alas diyes iyon. Babayaran naman agad siya ng may ari ng tatlong daan. Kaya hindi na masama sa sideline niya. Malakas rin kasi ang restaurant na iyon, maraming tao at malaki ang venue, kaya silang bayaran ng gano’n halaga sa ilang oras lamang na paninilbihan. Nagmadali siyang magpalit ng uniform na binigay ng may-ari at nagpaalam na sa mga kasamahan. “Stanley, uwi na ako. Baka hinihintay na ako ng grupo, eh. Bukas ulit, pare.” Tinapik niya ito sa braso. “Okay, oh, ito iyong sinasabi mong papel at ballpen. Para saan mo ba gagamitin iyan?” nagtataka na tanong ng kasama niya. Ito ang close niya sa lahat ng part-timers sa restaurant. Mabait din kasi ito at pareho sila ng goal. Magtrabaho at yumaman balang araw. Working student ito kaya hanga siya sa tatag ng kasamahan. Kayang pagsabayin ang pag-aaral at trabaho. Balang araw gagawin niya rin iyon kapag may sapat na siyang ipon. “Ah, ito ba? May pag-gagamitan lang, pare. Oh, siya alis na ako. Salamat dito.” Itinaas niya ang papel a at ballpen na hawak at lumabas na ng kusina. May daan doon palabas ng restaurant. Hindi kasi sila puwedeng lumabas sa harap dahil maraming tao ang kumakain kaya sa backdoor sila dumadaan. May maliit na eskinita roon palabas at kalsada na ang bungad noon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
100.6K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

His Obsession

read
75.2K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.4K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.3K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook