Episode 1: SIMULA
KAILANGANG bumangon ni Clyde nang maaga dahil first-day niya na mag-report sa headquarters, at iyon ang kabilin-bilinan ng ina niya. Alas-singko pa lang ay nagising na siya sa tulong ng alarm-clock.
Agad siyang tumayo at naligo pagkatapos ay bumaba na ito. Naabutan naman niya ang mga magulang sa hapag-kainan.
"Good morning, Mom, Dad!"
"Good morning, son! You look so great!" tugon ng Ama niya at sabay ayos ng name tag niya, dahil tabingi ito sa paglalagay.
"Thanks, Dad!"
"Clyde, sumabay ka na sa amin ng Dad mo," turan ng kanyang ina.
"Okay, Mom!" Sabay upo sa gilid ng kanyang Mommy.
Ang ina pa niya ang naglagay ng pagkain sa plato nito. "Thanks, Mom!"
Very close ang kanilang samahan kapag nasa bahay sila, pero pagdating sa trabaho ay parang hindi sila pamilya.
Nasanay na ang Mommy niya na araw-araw na hinahatid ng kanyang Daddy, at sinusundo naman pagsabit ng hapon. Pagdating nila sa headquarters ay naghiwalay ang mag-ina, dahil kailangan pang mag-report ni Clyde sa nakakataas sa kaniya.
Pagpasok niya sa opisina ng kanyang superior ay wala pa ito sa loob, at mayroong isang lalaking nakaupo na halatang naghihintay rin ito.
"Hi! I'm Clyde Robinson," pormal na pagpapakilala niya.
"Ako naman si Doyzkie Albarracin." Nakipag kamay ito sa kaniya
Dumating ang kanilang superior at sabay silang tumayo at nag-salute.
"Good morning, Chief!" boses nilang dalawa.
"Good morning!" tugon nito, at nagsenyas ito na umupo sila.
"Robinson, Albarracin! Kayong dalawa ang magiging mag-partner sa loob ng isang buwan."
"Okay, sir!" sabay-sabay nilang tugon.
"Maghanda kayo, dahil i-assign kayo sa traffic enforcers," pahayag ni Chief Lito Lapis.
Nagkatinginan ang dalawang bagong mag-partner na parehong hindi nakakibo.
"Oh! May problema ba sa trabaho ninyo?" tanong ng kanilang Chief, at palipat-lipat ang tingin sa dalawa
"Wala po, sir!" tugon ni Clyde.
"Okay, good!"
Paglabas ng dalawang lalaki ay pareho itong napakamot sa kanilang ulo at laylay ang mga balikat.
"Grabe naman si Chief, sa dinami-dami na puwede tayo na i-assign ay doon pa talaga sa gitna ng kalsada!" reklamo ni Doyzkie.
"Oo nga! Pero huwag na tayong magreklamo mahirap na!" tugon naman ni Clyde.
"Paano naman kasi, dude! Mga NBI-agent tayo tapos ilagay sa traffic enforcers?! Ano ang purpose?"
"I don't know!"
Mabigat ang mga hakbang ni Doyzkie habang sumunod kay Clyde. Hanggang sa pumuwesto na ang dalawang lalaki sa gitna ng kalsada, kung saan naroon ang malaking traffic. Habang panay ang senyas ni Clyde sa mga nagmamaneho kung saan sila puwedeng liliko, hindi naman maiiwasan ng mga pasaherong dalaga ang mapatingin at mapahanga sa kaguwapuhan niya. Iyong iba ay kumakaway-kaway pa sa kaniya na halatang nagpapansin, ngiti naman ang itinugon ni Clyde.
Sa totoo, medyo nahihirapan at nakaramdam ng pagod ang binata, dahil hindi siya sanay sa kanyang trabaho ngayon. Sapagkat noong nasa opisina pa siya ay nakaupo lang ito, siya ang boss, at siya ang nag-uutos.
Halos naliligo na siya sa sariling pawis, dahil tanghaling tapat na at sobra pang init. Hindi nakatiis si Doyzkie sa sobrang uhaw at lumapit na ito kay Clyde.
"Ano, partner! Kaya pa ba?" tanong sa kanya ni Doyzkie.
"Hindi na, partner. Pero wala tayong magagawa," turan niya na patuloy pa rin sa kaniyang pagkaway-kaway ng mga sasakyan.
"Partner, paki-tingnan mo muna ang area ko, bibili lang ako ng tubig," paalam ni Doyzkie.
"Sige, partner, pero bilisan mo lang!" Pakiusap niya.
Umalis ang kasama niya at lalo naman na nahihirapan si Clyde, dahil lalong dumarami ang daloy ng mga sasakyan. Habang nasa kalagitnaan siya ng pag-aasikaso sa trapiko ay mayroong isang kotse ang hindi sumusunod sa utos niya. Nang tiningnan niya ito ay puro lalaki ang mga sakay, na sa tingin niya ay mga lasing ito. Nag-whistle siya sa mga ito. Pero hindi siya pinakinggan at nag-f**k you pa ang isa sabay tawanan nila at nagpaharurot ng takbo.
"Damn!"
Ngitngit ang mukha ni Clyde sa galit at sumakay siya sa motor at hinabol ang kotse. Nakipag karerahan naman ang mga lasing sa kaniya. Nakita ni Doyzkie ang pangyayari at agad naman siyang tumawag ng back-up, at sabay habol rin niya sa kaniyang partner.
Nagmamatigas ang mga lasing kaya lalong nagalit si Clyde, binilisan niya ang takbo ng motor, hanggang sa naabutan niya ito.
"Stop the car!" utos niya sa mga lasing, ngunit ayaw pa ring makinig.
Kaya napilitan si Clyde na barilin ang gulong ng kanilang sasakyan. Natamaan naman ang isang gulong sa harapan na bahagi, dahilan para magpaikot-ikot ang kotse sa gitna ng kalsada. Hanggang sa bumangga ito sa poste. Agad bumaba si Clyde sa kanyang motor at nilapitan niya ang mga papalabas na lasing.
Nagalit ang mga ito at sinalubong siya ng limang mga lalaki, ang isa ay may dalang bat, at ang isa naman ay may bitbit na patalim. Naghanda naman si Clyde at palipat-lipat ang kaniyang mga tingin sa limang lalaki.
"Binabalaan ko kayo! Kung hindi ninyo ibaba iyang mga dala ninyo ay hindi ako magdadalawang isip na barilin kayo!" Banta niya sa limang lalaki.
Subalit hindi natinag ang mga lasing at sunod-sunod na sumugod ang mga ito. Kaya hindi naka paputok si Clyde at pinagtutulungan siya. Mabuti na lang at marunong siya na pakikipag suntukan, at bawat palo at suntok sa ay nasasalo niya.
Subalit may oras ring natatamaan siya ngunit hindi niya ito iniinda. Dumating naman ang kanyang partner at tumulong ito sa kaniya, kaya dalawa na rin silang nakikipag bakbakan. Patuloy pa rin ang kanilang suntukan hanggang sa naagaw ni Clyde ang bat.
Pinagpapalo niya ang mga lalaki na magtangkang lumalapit sa kanya at para matapos na ang labanan ay pinilayan ni Clyde ang mga ito at gamit ang bat.
"Mga tarantado kayo, huh! Pinapagod n'yo ako!" reklamo ni Clyde sa mga ito at patuloy pa rin ang paghampas niya.
Dumating ang mga kapulisan na tinawagan ni Doyzkie, at dinampot ang mga lasing at pagkatapos ay dinala sa presinto.
"Ayos ka lang, partner?" tanong ni Doyzkie.
"Oo! Ayos lang, pero masakit ang mga buto ko!" Walang halong biro niyang pagtatapat.
"Naku! Pa-doctor ka na partner, baka mapaano ka pa niya!"
"Huwag na, malayo ito sa bituka."